nang magbabayad na… nagulat ako sa nakita ko… katabi ko siya yung lalaki nung isang araw.
pero ignore na lang… nang makarating na sa buendia. dali dali akong bumaba para makasakay na ng FX. dun ako palagi sa likod sumasakay. Alam niyo naman sa pilipinas kahit masikip na sasabihin ng drayber o maluwag pa maluwag pa!
nang nasa FX na ko, nakita ko siyang papasakay din sa FX. (Oh please lord wag dito sa likod, wag please!)...
patay! katabi ko nanaman siya... anu ba yan, pero ewan ko ba wala naman siyang ginagawang masama sakin pero asar na asar ako sa kanya. baliw lang?! bahala na nga...
nang bababa na ako* Manong sa tabi lang ho. patay nanaman ako! hirap makababa masikip... keri yan! ito na... binuksan na ang pinto... isang hakbang na lang". ARAY KO PO! (nauntog ako) ano ba yan kaloka naman itong nangyayare sakin... sana walang pumasin....
Uwian na* haisst salamat makakauwi na din. sumakay na ko ng jeep papunta sa may park n' ride (terminal ng mga bus). nang makaupo na ko... napatingin ako sa mga sumasakay... at bigla ko nanaman siyang nakita... Siya nanaman!!! (syempre sa isip ko sinusundan ako nito)
nang baba na ko ako... nagulat ako na sumabay siya sa pagbaba... hala stalker siguro ito!!! hinanda ko na ang bag ko, nilabas ko ang payong ko baka sakaling may gawin sakin ito... naglalakad na ko pauwi ng bahay pero tila parang sumusunod pa rin siya... nang malapit na ko sa bahay namin. dinalian ko na ang paglalakad at dali dali ko din binuksan ang gate. pero nagulat ako na dirediretso siya... at dun din pala siya sa street namin nakatira...
Pasensya na napaka assumingera lang talaga..."
simula nun madalas ko na siyang makasabay sa pagpasok at pag-uwi. pero in fairness sobrang gwapo niya." pero nako hindi ako mabilis mafall... hindi ko siya tayp... Si Jensen Ackles lang ang mahal ko! haha.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story: chubby girl meets handsome boy
Teen FictionHindi pangkaraniwang Love Story na napapanuod mo sa mga pelikula.