5:00 am Krriiiiiiiiiiinnnnnnng!!!!
Pinatay ko ang alarm ng phone ko… Five minutes….
6:30 am Krrrriiiiiiinnnnngggg!!!
Hinampas ko mula sa ulunan ng kama ang alarm ko… Teka… Konti pa….
8:30 am HOOOOOOOOOOY Kim! Gumising ka naaaaa!! Anong oras naaaaa!!
Sigaw ng ermats ko. Hahaha
Saka lang ako babangon. Bakit kasi ang bilis ng oras sa umaga? Yung five minutes nagiging isang oras? Haha Patakbo akong mag-aayos ng sarili, lahat ng gamit nagkalat sa kwarto. Blower, BB cream, claydoh, suklay, deodorant Hahaha Lahat naka-kalat sa kama ko. Late na naman ako.
“kuya, anong oras pasok mo?” tanong ng bunso kong kapatid
“7:30..” sagot ko habang nagtotoothbrush
“eh anong oras na?!” di kasi tulad ko, hindi sanay ma-late ang kapatid ko haha
“8:30..” sabay buga ng minumumog kong tubig
“bakit ang nandito ka pa?!”
“eh magaling ako eh… hahahaha”
Patakbo akong lalabas ng bahay at tatawag ng tricycle na nakaparada sa may kanto. Patakbo ding tatawid ng kalsada at mag-aabang ng jeep papuntang LRT. Ang mabilis na takbo ng umaga ay biglang babagal pag nagumpisa na ang traffic sa kalsada. 9:00am na ko nakaalis ng bahay, mag-10:00 nandito pa din ako sa jeep. Ang sakit sa pwet, kasing sakit ng pag-iwan sayo ng jowa mo para sa panget. Ang saket saket di ba? Bakit ba kasi hindi mawala-wala ang trapik sa Pilipinas? Naalala ko tuloy sabi ng prof ko dati, na ang history daw itself ang may kasalanan kung bakit ganon ganon nalang kabilis magtrapik at magbaha sa Pilipinas. Hindi nakasabay sa pagbabago ng mundo ang planning ng most of the cities here. Well, seems legit. Isang patunay ang pagtulo ng pawis ni ate na mukhang kanina pa natatae pero pigil na pigil dahil hindi pa din umuusad ang jeep na sinasakyan namin.
10:30 ng nakarating sa LRT santolan. Wala ng masyadong pila dahil lipas na ang rush hour. At lipas na din ang gutom ko. Ang 30mins na byahe ay nagiging dalawang oras tuwing umaga. Bibilis lang ang pag-usad pag naubos na ang bugso ng mga tao. Pero sino ba naman ako para magreklamo, eh late nga din akong gumising.
11:00am Dumating ako sa school kong pinakamamahal. Pagpasok ko ng FEU ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. First day of school ko ngayon, dapat excited ako. Actually third day na pala, hindi lang ako pumasok nung unang araw dahil late ako nag-enroll. Late, late na naman.
Ang babata pa ng mga nakakasalubong kong estudyante, na-feel ko tuloy na ang tanda tanda ko na para mag-aral. Nagsisisi ako ngayon bakit ba kasi naglayas pa ko non, sana tapos na ko ngayon. Sana architect na ko ngayon. Pero nangyari na, too late para magsisi. Late, late na naman.
I’m back Institure of Fine arts and Architecture! Dinama ko ang bawat pag hakbang ko sa corridor na ilang taon ko ding namiss, sininghot singhot yung amoy ng pagiging estudyante ulit, yung amoy ng bawat classroom, amoy na kahit wala naman pero may naamoy ako.
11:10am Umupo ako sa likod ng room, 23 na ko pero 3rd yr palang ako, irreg pa. Lumabas daw ang prof naming kaya di ako nasita. Bakante ang magkabilang table sa kaliwa’t kanan ko. Parang ayaw nila kong tabihan. Siguro dahil bago ako, o baka dahil block section sila at alien ako sa classroom na to. Haaaay makapag soundtrip na nga lang… teka, makapagselfie na nga din, hashtag firstdayofschool.
Gumuhit ako ng ilang linya sa tracing paper ko, may pinapagawa ang prof. Pero walang lumalabas na creativity sa utak ko. Kinalawang yata, matagal di nagamit. O baka naman hindi pa nagsi-sink in sakin na nag-aaral na ko ulit matapos ang matagal na pagkakahinto.
Nakatulala ako ng biglang bumukas ang pinto…
“Oooooy anong gagawin? Nandyan na si sir?” ang ingay ng lalaking dumating. Hmmm well, cute sya. Pero di ko type. Bata pa to for sure, tulad ng mga classmate kong mukhang tukmol.
“Pre, may nakaupo dyan? May nagawa ka na? May partner daw yan sabi nila ah, may partner ka na?”
Ang daming tanong, nakikinig pa naman ako kay ariana grande through spotify haha
Napagmasdan ko mukha nya, cute nga. Cute ng ngiti, matangos ang ilong at malamlam ang singkit nyang mga mata. Matangkad din sya, mga 5’10’’ siguro. Hindi tulad ng ibang chinito, medyo moreno sya. Hindi naman dark, sakto lang. Kulay lalake nga kumbaga. At higit sa lahat, may dibdib pala si koya! Ang laki ng dibdib at biceps! Napansin ko lang nung nag-inat sya sa harap ko habang nakikiosyoso ng kung may gawa na ko.
Him: Pre, bakit di ka pa nakauniform?
Me: ah, returning student. Saka working student, allowed kami mag civilian.
Him: ngayon ka lang pumasok? Ako din eh, galling akong don bosco dati. Ilang taon ka nag-stop?
Me: 2 years..
May itatanong pa sana sya ng may biglang sumingit na babae sa usapan naming..
Girl: tayo nalang partner!
Him: o sige ba..
Ay shet naunahan ako. Buset! Hahaha di ko maiwasang kiligin, ang gwapo nya talaga kasi. Mataas ang standards ko, kaya pag nagwapuhan ako, gwapo talaga yun! Hahaha yayain ko kaya sya mag lunch? Kaso pano? Nahihiya ako. Pavirgin! Hahaha
“Sino dyan yung ngayon lang pumasok?” tanong ng prof namin. Kaming dalawa lang ang nagtaas ng kamay. Aaay shet soulmate kami! Kami talaga ang nakatadhana! Hahahaha
Tinawag kami para tanungin kung alam na namin gagawin. At pinaupo na din after pumirma sa attendance. Pabalik na kami sa upuan ng bigla sya nagtanong “Kumain ka na pre? tara lunch muna tayo…”
Aaaaaay sheeeet! Kilig pepe! Di ko na pala kailangang yayain sya magl-lunch, sya na mismo ang nagyaya. Hahahahaha
Dumerecho kami sa canteen at dun sya nagkwento. 25 na pala sya, at nahinto din dati. Taga pateros daw pero nagis-stay sa QC tuwing may pasok sa school. Ayos! 25 na pala. Kala ko bata pa, ayoko kasi sa bata. Hahaha mas lalo tuloy ako nagka-crush sa kanya. Magkaharap kami sa table habang kumakain, pinagmamasdan ko ang mukha nya, ang gwaaaaaapooooo! Pakipulot nga. Pakipulot yung panty ko, nalaglag yata. Hahahaha
Kung lage ba namang ganto, lalo ako sisipagin pumasok sa school. Kanina lang parang wala na ko gana, pero ngayon aaay ganadong ganado na po mamser! Hahaha may isang sem pa kaming pagsasamahan, mapapanindigan ko kayang magstraight-straightan ? hahaha