Plan
Lesley POV
Isang magandang umaga ang bumungad sakin sa labas ng bahay pagka gising ko.
Malamig na hangin ang sumalubong sakin habang naglalakad sa kagubatan.
Pagkatapos ko kaninang mag ayos ng sarili naisipan kong bisitahin sina mang Sergio at manang Nelly, malayo pa ang lalakarin ko at gustong gusto ko naman para maexercise ang aking mga paa.
At habang nag lalakad nag pahinga muna ako sa tabing ilog at uminom ng konting tubig, isa itong ilog na ito sa tambayan ko, kapag pumupunta kila mang Sergio, dahil bukod sa maganda dito ay masarap at manamis-namis pa ang tubig na pwedeng inumin.
Habang nakahiga ako sa damo at nakatingin sa kalangitan, may naramdaman akong nakatitig saakin.
Hinahayaan ko nalang ito at pumikit.
Pagkatapos kong mag-pahinga nag lakad ulit ako.
Malayo palang nakikita ko na si mang Sergio na nagtatanim, at si manang Nelly naman ay nagpapakain ng mga manok ni mang Sergio.
Kumaway ako sakanila ng nakangiti ng makita nila ako.
"Mang Sergio kamusta na po kayo?" Tanong ko sa matanda. "Hindi po ba sabi ko magpahinga kayo at nandyan naman yung apo nyo?"
"Aba't ikaw na bata ka talaga napakainosente mo at sabi ko saiyo noon dalhin mo ang kabayo mo at bakit nag lakad ka nanaman." Iwas nya sa tanong ko.
"Aba ija halika muna sa loob at kumain ng agahan, malamang pagod ka sa pag lalakbay mo ng tatlong oras." Pagaalala ni manang Nelly. Ngumiti lang ako sakanya. "Buti Hindi ka pinapagalitan?"
Umiwas naman ako ng tingin sa tanong nya at nauna ng pumasok sa loob ng kubo nila.
Malaki naman ang kanilang kubo at may dalawang kwarto, yung isa para sa mag asawang sina mang Nelly at mang Sergio, at ang isang kwarto naman ay sa nag iisa nilang apo na si Mateo.
Si Mateo ay labing tatlong taong gulang na mas bata saakin ng apat na taon.
"Susmaryosep kang bata ka't mamaya nyan mapahamak ka dyan sa paglalakad mo." Sabi ulit ni manang Nelly pagkapasok.
"Mang Nelly eto po oh, bigay po sainyo ni Lucas. Kase po.. Gusto nya din po kasing pumunta dito pero po, bata pa po kasi sya e, kaya di ko po pinayagan." Saad ko at ibinigay sakanya ang isang bag na chokolateng dala ko. Yung isa namang bag nanakasabit sa balikat ko ay kinuha ko at iniabot din sakanya. "At ito din po yung akin, binhi po yan sa pag tatanim, ibat ibang klase po yan."
At tinanggal ko naman yung beltbag ko na may laman na mga ipon ko at ni Lucas.
"At ito po pala mga panggastos nyo sa ngayon pasensya na po at ito lang, ipon po namin yan ni Lucas." Nakangiti kong aniya sakanila.
"Anak Lesley, hindi mo naman kailangang gawin to e. Baka magalit sila sayo." Pagaalala ni manang habang ibinabalik ang mga ibinigay ko sakanya.
"Manang, I just told them that it wasn't your fault. Saka po.. Kulang pa nga po yan eh, sa mga ginawa nyo saakin."
"Lesley! Nandito ka?!" Napatingin ako kay Mateo na kakapasok palang galing sa kung saan.