Chapter:2
Ang pagbabalik
NAKATAYO lang ako sa labas nang bahay namin, habang nakangiti ng mapait. Hindi pa rin nagbabago gaya pa rin ito nang dati. Naalala ko yung mga kwentuhan namin nang lola ko. I miss my lola.
Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob nang bahay. Hindi na alam na dadating ako.
Naglalakad na ako papasok nang makita ko nang isang maid.
"Hala dumating na si Ma'am Aki." Tumakbo ito papalapit sa akin at iniwan ang gawa niya.
"Ma'am ako na magdadala niyan," kinuha nito ang dala ko at naunang maglakad.
Hindi pa nga ako na-Oo kinuha na agad. Hindi ko na lang yun pinansin at naglakad na din kasunod niya.
Habang papasok kami kinig ko ang mga masasayang tawanan. Ang saya naman nila sa ilang taong wala ako.
Ngumiti na lang ako ng malungkot sa naiisip ko.Walang ibang maid na bumabati sa akin kaya nagtaka ako, bago pa man kami makapasok tinanong ko na siya.
"Nasaan ang ibang maid dito?" tanong ko st tumigil sa paglalakad, kaya tumigil din ito at sinagot ang tanong ko.
"Ahmm, wala na po ma'am natagkal na," sabi nito sa malungkot na tuno.
"Bakit anong nangyari?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Wala na daw po kasi silang pang sweldo ma'am ayy, ako hindi lang natagkal dahil si lola mo po ang nagkuha sa akin pero nabawasan po sweldo ko," sabi nito at ngumiti nang pilit.
"Ilang taon lang akong mawala tapos ganto na agad ang nangyari," sabi ko at hindi ko na siya hinintay mag-salita dahil nauna na akong maglakad at pabiglang binuksan ang pinto.
Nakita ko lang naman ang ex ko, kasama ang Daddy ko, at step-mom ko, at step-daughter nito na walang iba kundi ang traydor kong best friend.
Lahat sila napalingon dito at halata sa mga mukha nila ang pagkabigla.
"Ma'am ang bilis niyo namang maglakad," sabi nong maid na may dala nong mga gamit ko habang hiningal.
"Dalhin mo ang mga gamit ko sa room ko," sabi ko na lang sa kanya habang hindi ko pa din inaalis ang tingin sa mga mukha ng tao doon sa hapagkainan.
Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango ito. Dama din kasi nito ang tension sa paligid.
Naglakad na ako papunta sa kanila at ang tunog lang ng heels ko ang makikinig sa buong bahay, habang sila nakatitig pa din sa akin at gulay at tulala.
Ang unang nakabawe sa pagkatulala ay ang walanghiya kong ex.
"Dumating ka na pala Aki," casual na sabi nito habang nag-iwas ng tingin, dahil biglang pinanlisikan ng mata ni Hayley.
Wow, under pala siya hah.
"Hi sis, welcome back," sabi nito habang may plastic na ngiti, kung dati tunay ang tingin ko diyan ngayon per na kasing peke nong ilong at dibdib nito.
Hindi ko ito pinansin at tumingin lang kay daddy.
"I'm just here because of your favor dad. I'll be back at pagkatapos kong maayos ang gulo sa company niyo," I said in my cold tone, pagkatapos hindi na sila pinansin at umakyat na ako sa kwarto ko.
Habang umaakyat ako nang hagdan pataas narinig ko pa ang mga sinasabi nila.
"Bakit pa siya bumalik daddy," sabi ni Hayley na may pagkainis ang tuno nang boses.
"Company needs her Hayley," sabi ni Daddy sa casual na boses.
"Kaya naman namin yung ibangon eh, Daddy," sabi pa rin nito sa naiinis na boses.
"Talaga? Kaya niyo? Isang taon na iyong problema pero hindi niyo pa rin nalulutas, yun ba ang kaya?" Daddy said in his cold tone.
Hindi ko na nakinig ang sinabi ni Hayley dahil hindi ko na pinansin ang nga pinagsasabi nila.
Nandito na ako sa tapat nang room ko, binuksan ko ang pinto at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto.
Wala pa ding nagbabago. Kung paano ko iniwan ganun pa rin, buti naman at hindi nila pinakialaman ang kwarto ko.
Nakita ko yung maid kanina na kasama ko at tinanong ko siya.
"Buti naman at hindi nila pinakialaman ang kwarto ko," sabi ko habang nakatitig sa ginagawa niya. Inaayos niya nang mabuti iyong bag ko.
Humarap ito at sinagot ang tanong ko "gusto sana po itong pakialam ni ma'am Hayley kasu hindi pinayagan ng Daddy niyo."
Mabuti naman at hindi, kundi may paglalagyan sila.
"Kuha mo nga ako ng pagkain, gutom na ako," sabi ko na lang at lumakad papunta sa kama at humiga.
"Sige po ma'am."
Ngayong bumalik na ako, ano na kaya ang magiging takbo ng buhay ko.
***
guyssss what do you think? Anong mangyayari sa pagbabalik ni Aki ?
BINABASA MO ANG
Lies In Between
Random-It's started with his love but ended with a lies. scritxblood 🥀