AN AGONIZING DAY

15 1 0
                                    

An Agonizing Day
Written by gunroyski

Elisse's POV

"Josh ayaw mo ba talaga akong isama." Aalis pala ngayong araw si Josh, ngayon ko lang nalaman. Tatakas yata dahil ayaw niya talaga akong isama.

"Hindi naman sa ayaw ko. But it is our company outing. Kami lang daw na mga nagtratrabaho sa Klestina ang pweding sumama doon. Gustuhin ko man, bawal kami magdala ng kung sino sino."

"Hindi naman ako kung sino sino lang diba. We're in a relationship. Ang boring kaya dito sa bahay." Hayys di na siya dumagot. Mukang bawal talaga.

Napahinga nalang ako ng malalim. Summer ngayon pero ni isang outing, wala pa akong nagawa. Andito lang ako palagi sa apartment namin ni Josh. Napahinga nalang ako ng malalim at nag pout. Tinabihan naman ako ni Josh sabay yakap.

"Don't worry. Next weekend. Dadalhin kita sa Boracay. Para naman makabawi ako sa iyo." Bigla akong nabuhayan sa narinig ko.

"Talaga?" Masigla kong tanong.
Tumango naman siya sabag ngiti sa akin. Yang mga ngiti niya, hindi talaga nakakasawa kahit 2 years na kami in a relationship. Para sa akin wala ng mas gagwapo pa sa kaniya.

"Sige mag-ingat ka nalang doon. Baka maya-maya mabalitaan nalang kitang nalunod o di kaya nabiktima ng mga dikya diyan."

"Dont worry my cutiecupcake. I can handle myself."

"My cutiecupcake ka diyan. Hindi ako si cutiecupcake no. Ako si Mary Grace. Scholar ang anak ko. Yung anak nila hatid aircon, kami hatid pawis."

Napatawa nalang siya sa sinabi ko. Kawawa naman siya kung mag-isa lang siyang tumatawa so sumabay na ako chos!

Tinulungan ko nalang siyang magligpit ng mga gamit na dapat niyang dalhin.

"Bye my cutiecupcake." Sabi niya sabay halik sa akin sa pisngi. Enebe, kenekeleg eke.

"Bye bye." Maikli kong tugon.
Dali dali na siyang sumakay sa sasakyan niya at agad na umalis.

"Tsk tsk. Hayys ang boring naman dito sa bahay. Kung matatanggap na talaga ako sa trabaho at mag-outing rin kami, hindi ko rin siya isasama."

Napa-upo nalang ako dito sa sofa sabay nood ng tv.

》》》》》After 2 Hours》》》》》

Yaawwwnnnnn

Hayyys. Tapos na yung ninonood kong movie at ito boring nanaman. Wala nanaman akong--------

-kring
-kring

Agad kung hinanap yung phone ko ng marinig ko itong nag ring. Si Nerissa lang pala na kasama rin ni Josh sa trabaho ang tumatawag.

"Bakit kaya to napatawag? Hindi ba siya nag eenjoy sa outing nila o di kaya..."
Bigla akong kinabhan sa aking naisip.

"He-hello Nerissa."

"O hi Elisse. Andiyan naba kayo ni Josh sa beach?" Kumunot naman ang noo ka sinabi niya

"Huh? Ah eh, andoon na si Josh kanina pa."

"E ikaw nasaan ka? Hindi ba kayo magkasama"

"Hindi eh. Mas masaya daw kung dito nalang ako magsi-swimming sa lababo namin."

"Ikaw loko ka talaga. Oy, bakit di ka sumama?"

"E bawal daw magaganda diyan eh chos! Bawal daw magsama ng kung sino sino."

AN AGONIZING DAYWhere stories live. Discover now