Chapter 1

6 1 3
                                    

I hate this.

"Ziiiaaaaaa!! Gising na!" Kainis! Ang aga-aga pa para mambulabog!

"Ate naman!" Binato ko sa kanya ang unan na kanina ay hawak ko

"Nasa labas na naghihintay boyfriend mo" patawa-tawa nya pang wika

Ano daw? Boyfriend? At kailan pa ako nag ka boyfriend?

"Lumabas ka nga ng kwarto ko!!" Dali dali syang lumabas at rinig na rinig ko pa ang malakas nyang tawa

Kahit kailan talaga, panira lang ng araw yung babaeng yun!

Matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto para kumain nang pang-umagahan.

Ng makababa ako sa sala ay mabilis akong nilapitan ni kuya.

"Ang tagal mong bumangon nakakahiya sa kaibigan ko." Napa-irap naman ako, who the hell is that guy?

"Hello kiddo, miss me?" A minute of silence.

Oh c'mon! Hanggang dito ba naman makikita ko sya?!

"What are you doing here, you pyscho?!" Inis na tanong ko, gusto kong sakalin sya!

"Haha, sabay na lang daw tayo sabi ni tita" naningkit naman ang mata ko, tita? You mean my mom?

Aba lakas ng tama ng lalaking to ah! Padabog kong tinungo ang kusina kinuha ang pera na nasa mesa, nawalan na ako ng ganang kumain.

This is too much to handle!

"Mula ngayon, hatid sundo ka na ni Kean." What the fudge, ma?! Gusto mo ba akong mamatay ha?! Jusqq, any time soon sasabug na talaga ako

Mapait akong ngumiti kay mama at alam kong nahalata nya yun, kaya mas ngumisi sya. Arrrghhhh, nakakainis sila!

Galit man ay pinilit kong maging marahan sa lahat ng ikikilos ko, baka mapagalitan pa ako ni mama.

"Aalis na ako, ma" nagbeso kami bago ako tuluyang lumisan sa bahay.

Mag bike na lang muna ako ngayon, pagod si manong kagabi dahil hinatid nya pa si papa sa airport.

Akmang sasakay na ako sa bike ng mapansin ako ni manong, "oh ma'am, ihahatid ko na lang kayo baka may mangyari pa sa inyo"

Hayst, oo ayokongag bike pero mas gusto ko ngayon dahil sa katamtamang lamig ng hangin at pagod sya.

"Wag na po, mas gusto ko ang natural na hangin. Mauna na po ako." Ngumiti sya at tumango

Grabi di ko ata kakayanin ang pre—

"Hello good morning!" Muntik na akong matumba, langyah!

Tinaasan ko sya ng kilay, "ano bang problema mo ha? Pwede ba tantanan mo nga ako bago ko pa masapak yang pagmumukha mo!"

Binilisan ko pa ang pagbike pero sadyang mas mabilis ata sya at nasabayan nya pa ako.

Deads na.

"Bat ba galit na galit ka sa kin?" Tanong nya out of nowhere.

"Madaming rason at isa na dyan ang pagiging feeling close mo sakin."

"Yun ang gusto ni mama eh" mahinang sagot nya kaya napahinto ako

Isa sa ayaw ko sa isang tao ay ang pagdidikta kung ano ang gagawin nila, naiintindihan ko naman na gusto din ako ni mama mapalapit kay Kean kasi nga "friends" sila ng mama nya.

Pero sana wag nila kaming pilitin, nararamdaman ko din naman na naiilang siya sakin. Kaya lang napipilitan syang mapalapit sakin, hirap ng sitwasyon namin lalo na't yung magulang namin ang may gusto.

"Ano ka aso?" Opppxxx haha, bahala na sya kung na offend ko ba sya.

"Hindi, tao ako Ethyl. Tao ako at sana alam yun ng magulang ko, may karapatan akong magdesisyon pero yung turing nila sakin parang aso na kahit anong gusto nila susundin ko." Pahina ng pahina ang boses nya

Dun ko lang nalaman na malayo pala sya sakin, I feel sorry though.

"Edi sabihin mo, sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo. Hindi lang pagdedesisyon ang kakayahan mo kundi pati rin ang paghiwatig ng nararamdaman mo. Sana alam mo yun."

I hate it. I hate this feeling. I hate this kind of situation.

Yung tipong napakalambot ko, I just hate it to feel involved in someone's problem—life.

The House Across OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon