Burned Star (short story)

443 31 8
                                    

Dedicted sayo oh ayan na hihihihi...

BURNED STAR

written by: BrashHeart 

Pagkamulat ko andito na ko. Pagtingin ko sa paligid, puro puti. Lumingon-lingon pa ko hanggang sa nakita ko ang mga taong nakabantay sakin. Ang nakapukaw sa pansin ko ay si Alyssa, ang first girlfriend ko. Nakakagulat, bakit andito siya? Napangiti ako pero di ko mangiti ng sobra dahil sa bendang tumatakip sa mukha ko. Bigla naman nyang napansin at ng iba pa na gising na ko at agad silang lumapit sakin.

Hinawakan ni mama ang kamay ko. Umiiyak sya parang may gusto sabihin pero di nya masabi dahil iyak sya ng iyak. Pati narin ang ibang tao sa loob ng kwarto ay nagsipag-iyakan na din. Napansin ko rin si Alyssa na umiiyak na rin. Bigla akong nahiya. Ngayon na nga lang kami nagkita tapos sa gantong sitwasyon pa.

Kinaumagahan, nanunuod lang ako ng tv dito sa ospital. Kahit san ko ilipat ang channel puro ako ang laman ng balita. Kung dati superstar, hearthrob, coolest bachelor of the generation ang tawag nila sakin, ngayon binansagan na nila kong "The Burned Star". Lahat sila naaawa sa kalagayan ko pero mas nanghihinayang sila. Lipat-lipat lang ako ng lipat hanggang sa napahinto ako sa isang channel. Iniinterview dun si Carmela, umiiyak sya. Awang-awa at kinocomfort siya ng lahat.

Umiiyak siya kasi sinisisi niya ang sarili niya. Sya kasi ang leading lady ko sa isang upcoming movie at habang sinu-shoot namin yun ay may sumabog na ilaw ata, di ko na masyadong tanda eh basta yun, dapat siya ang matatamaan pero naprotektahan ko sya kaya yun, ako ang andito ngayon.

"Tsk.. Sya na naman. Kung di ako nagkakamali milyon na ang kinita nya kakapainterview" napangiti lang ako habang nakanunuod parin ng tv at hindi man lang nilingon ang manager ko.

"I hate her. Todo iyak at todo sorry pa sayo in public pero ni hindi ka nga dinadalaw o pinapadalhan man lang ng flowers o bulok na prutas eh. You shouldn't risk your life for her. Look, she even use the issue for her own good and wow sya pa ang kinakaawaan sa nangyari" Napangiti lang ulit ako.

"Ok lang,it's nothing. Ang importante ginawa ko yung sa tingin kong dapat" --ako

"Ano kaba Kyle?! Hindi mo lang pinahamak ang buhay mo pati narin ang career mo. Alam mo naman yan ang puhunan ng isang artista pero ano? pinasunog mo lang para lang sa sinasabi mong dapat" Pasigaw na sabi ng manager ko.

"Haist Kyle, anong plano mo ngayon? Sa career mo? Alam mo bang dahil sa nangyari sayo many agencies grab the opportunity para mapansin ang kanilang artista para makuha ang titulo mo at dahil don marami sa fans mo ang nawala at tinangkilik ang ibang bachelor ngayon."

"Manager hindi naman ako nakikipagkumpetensya sa mga kapwa ko artista. So, I'm happy for them. And about my career wala akong choice kundi tumigil muna. Sa tingin ko naman maiintindihan ng company diba"

"Right. Alam ko naman yun eh. It's just. Haist... Kyle, alam mo rin namang malaki rin ang epekto sakin ng nangyari sa'yo "

"You're here para magpaalam na bibitawan mo na ko. Tama?"

"No Kyle, it's just...ugh haist Kyle bakit kasi di ka nag-iisip. You know na ikaw lang hinahawakan ko para makapagfocus sa'yo pero...you know----"

"You need to find a new artist to handle now, right? Alam ko ayos lang kailangan mong magpatuloy, ako lang naman ang naaksidente at hindi ikaw"

"Pero.. Haist Kyle. Sige, I need to go pero kung kailangan mo ko please don't hesitate to call me. I treat you as my son Kyle, alam kong alam mo yan. You're my favorite son. As I always said ikaw ang star na nasobrahan ng ningning" Nakangiti parin ako habang sya naman ay umiiyak

Burned Star (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon