A Gamer Story (short story)

723 27 17
                                    

Dedicated kay maica12 ui..sorry ulit about sa columnar mo..sorry talaga, nagsisisi talaga ko ng sobra huhuhuhu ... T_____T

enjoy reading ^__^

A GAMER STORY

written by: BrashHeart

Storya na hindi romance na mukang romance na sana maging romance, kayo na humusga....

Hindi ko alam kung pano toh simulan. Di ko din alam kung magkakainterest kayo sa kwento ko. Wala naman kasing maganda eh. Pano ko ba sisimulan?

Sige, simulan natin sa dahilan kung bakit ako naging gamer. PAKSHEET!! nabusted lang naman ako. Ano? Kaya wag kayong aasa na romance toh dahil walang romance na nangyari simula palang.

Ayoko mang ulitin pero sige uulitin ko. Nabusted ako mga pare. Binusted lang naman ako ni Sophia. Ewan, pero di naman kami close, di kami mahilig mag-usap. Isa lang ata ang nagdudugtong samin yun ay ang magclassmate kami kaya wala talaga kong ibang alam sa kanya bukod sa nanalo syang 1st place sa photography contest at regional pa yun ah at nung nakita ko ang compilation ng mga pictures na kinunan nya don na ko nagsimulang magkainterest sa kanya.

Pwede nyong sabihing mababaw pero kasi ang galing nya talaga kumuha ng litrato parang may buhay. Ewan, kahit lahat naman ng tao kayang magpicture ehh sa kanya lang ako natamaan ng ganto.

Pero yun, basted nga diba.

Kaya ito ko ngayon, di ko alam pero ayoko nang pumasok. Nagkulong ako dito sa kwarto ko at buong araw na naglalaro ng computer games. Siraulo na kung siraulo pero ayokong makita si Sophia kaya dito nalang ako lulunurin ang sarili ko sa paglalaro.

Isa kong husler gamer at pinanlalaban pa ko ng school pero ayoko nang pumasok tutal naman mayaman naman kami. Mabubuhay ako kahit di mag-aral, hahah.

"ui Mark baka gusto mong pumasok" sabi ni kuya Ivan na nasa pinto ng kwarto ko.

"ayoko"

"ano bang problema?" biglang silip ni kuya Kyle.

Mga kapatid ko sila at partida artista si kuya Kyle at masasabi kong nasa lahi talaga namin ang artista looks kasama ako syempre kaya di ko talaga matanggap na binusted lang ako ng isang Sophia.

"walang problema, wag mangialam" sabi ko habang nakatingin sa monitor at naglalaro

"sige, 2ndyear highschool kana lang habang buhay ah" --kuya Ivan

"mabulag ka kakalaro" -- kuya Kyle

Umalis na sila at sinarado ang pinto. Bahala sila, wala kong pake.

Aaminin ko nagsisimula na kong mabored kakalaro. Halos lahat ng online games master ko na, ako ang halimaw na si KRAM12, yun kasi ang username ko sa lahat ng online games kaya kilala na yan.

"Isang online games na naman ang paghaharian ko" sabi ko sa sarili ko, wala naman kasi akong kasama dito eh.

Cardel lang ang hero ko palagi kahit duwende sya, ako naman ang ang gumagamit kaya halimaw parin.

Nasa final quest na ko at wala paring makatalo sakin, hahaha.

Maya-maya....

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang bigla nalang akong namatay. Tsk..hindi pwede toh, tsamba lang yon.

Kinalaban ko ulit ang pumatay sakin at bwisit natalo na naman ako. Bwisit tong s_dan12 na toh talunin ba naman ako porket Sven lang ang hero nya. Mas malaki at mas maangas ang hero na yun kesa sa Cardel ko pero kahit na halimaw parin ang duwende ko.

[ may picture po ng hero nila sa may kanan tingnan nyo po salamat --> ]

Nung makalaro si s_dan12 hindi na ko nabore. Pano araw-araw at magdamag lagi ko syang kalaro at isa lang ang goal ko, ang matalo sya at mabalik sakin ang titulong halimaw sa games. Naging magkaibigan na din naman kami kasi lagi kong china-chat para hamunin sya syempre.

A Gamer Story (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon