prolouge

23 0 0
                                    


Gusto ko lng na makawala sa magulo kong mundo,gusto ko lng na magpahinga dahil sobrang pagod na ako.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at agad na nagtungo sa garahe,narinig ko pa ang mga kasambahay namin na tinatawag ang pangalan ko,hndi ko na sila pinansin at agad na nagmaneho paalis ng aming bahay.

Habang nagmamaneho ako,biglang tumunog ang telepono ko.Hndi ko ito pinansin at nagpatuloy lng sa pagmamaneho,ngunit sadyang makulit ang tumatawag dahil patuloy parin ito sa pagtawag sakin.

Ang tunog ng telepono ko ay nakakapag init ng ulo ko,hndi ko gusto ang maingay kaya para matapos na ang pagtunog nito ay sinagot ko na ang tunatawag.

"Miguel anak,nasan ka?bumalik kana dito please nag aalala na ako sayo."-ani ng babae sakabilang linya.

"Nag aalala ka?wow,marunong ka pala mag alala wh no?bilib din ako sayo."pilosopo kong sagot,narinig ko pa itong humikbi sinyales na umiiyak ito.

"Anak patawarin mo na ako,umuwi kana dito.baka mapano ka pa."naga alalang pahayag nito.

Biglang tumulo ang mga luha ko,kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.lahat ng sakit na nararamdaman ko bigla kong nailabas.

"G-gusto ko lng magpahinga,g-gusto ko lng makawala sa magulo kong mundo.pagod na ako!pagod na pagod na.paulit ulit nlng na ganito,nakakasawa na!"habang sinasabi ko yun ay siya ding pagtulo ng mga luha ko.

"Anak bumalik kana dito,nasan ka ba?sabihin mo kung nasan ka at susunduin ka ni mama.anak pakiusap"umiiyak din na sabi ng aking ina.

"Patawad ma,pero ayoko na.Pagod na po ako at gusto kana magpahinga. "Huling sinabi ko at agad na hinagis ko ang aking telepono sa labas ng aking sasakyan.


Patuloy lng ako sa pagmamaneho,hndi ko alam kung saan ako patungo ngunit hinahayaan ko nlng kung saan ako dalhin ng sasakyan ko.

Matapos ang mahabang oras ng pagmamaneho,huminto ako sa isang mataas na bangin.Napaka ganda,bumaba ako ng aking sasakyan hndi alintana ang malakas na buhos ng ulan.

Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang asul na karagatan at sa hndi kalayuan ay may isang isla na matatanaw.Lumapit ako sa pinakadulo ng bangin,tinanaw ko sa baba ang asul na karagatan.

Malakas ang alon dahil siguro sa malakas na pag ulan.Napatingin ako sa langit maitim ito at paminsan minsan ay kumukulog.ngumiti ako,at dinama ang bawat patak ng ulan.

Patawad ma,patawad sainyong lahat.pasensya na hndi ko na kasi kaya,pagod na ako.Gusto ko na mamahinga.

Kasabay ng pag iyak ko ay ang pagkahulog ko mula sa mataas na bangin,nararamdaman ko pa ang malakas na hangin na dulot ng mabilis kong pagbagsak pababa.

Idinilat ko ang mga mata ko,medyo malayo na ako sa bangin na pinaghulugan ko.Muli kong ipinikot ang aking mga mata at saka ngumiti.

Alam ko sa sarili ko na ito na ang katapusan ko,na dito na matatapos ang lahat.Makakapag pahinga narin ako sa wakas.


Hanggang sa naramdaman ko nlng ang pagbagsak ko sa dagat,agad akong lumubog pailalim.Ngunit bago ako tuluyang lamunin ng dilim ay may narinig akong tinig,parang ito ay galing sa isang anghel.

Nasa langit na ba ako?kaya idinilat ko ang mga mata ko.Ngunit bakit may tubig?,narinig ko ulit ang boses ng anghel kasabay ng tunog ng pagbagsak ng kung ano sa dagat.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay natanaw ko pa ang isang napakagandang babae na naglalangoy papalapit sakin.Ngumiti ako sakanya sya na kaya ang marahil ang anghel na natirinig ko kanina,naparito kaya sya para sunduin ako at isama sa kaharian ng ama?

Kung sakali mang sya ang tagasundo au hndi ako magdadalawang isip na sumama sa anghel na katulad nya,at tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.














~~~~~~~~~~~♥♥♥♥♥

Okay bago po ako magpatuloy sa aking akda,ipapaalala ko lng po na ang lahat ng nakasulat dito ay galing lng po sa aking imahinasyon.Kung sakali mang po na may pagkakatulad ito sa tunay na buhay,humihingi po ako ng paumanhin.

Ang mga pangalan,lugar at pangyayari na mababanggit sa aking kwento ay hndi po hango sa tunay na buhay.Meaning to say gawa gawa ko lng po okay?

Yun lamang po ang aking paalala,sana magustuhan niyo ang aking akda♥

EsmeraldaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon