4

230 1 1
                                    

Cady's POV

nagising ako bigla kasi may nagtatawanan at nag sisigawas sa labas. istorbo sa tulog!!


"Stop that Leo! Ano baaaaaaaaa!!!" at tumawa pa ang boses na nagpapainit ng ulo ko. Boses yun ni ate.


"Kunti lang to e, nilalamig ka kaagad hahaha" sagot ni Leo na nagbitbit ng dipper.


napairap nalang ako habang nakatingin sa bintana nang naisipan na kumuha ng isang baldeng tubig na maraming sabon panalaba galing sa cr at itapon ito sa kanya.


sa inis ko ay agad kong itinapon sa kanya mula sa kwarto ko sa itaas ang isang baldeng bumubulang tubig.


"AAAHH!" Sigaw ni Meira.


"yan dapat iligo mo nang matanggal yan kati ng katawan mo!" sigaw ko at sinirado ang bintana.


hindi pwedeng ikaw yung sumaya sa dulo kasi inagaw mo ang lalaking pinakamamahal ko.


ilang minuto ay kinatok ako ni mama ng padabog.


"Cady ano yun? alam mo naman na buntis ate mo hindi sya pwedeng ma stress, at dahil sa ginagawa mo ay iniistress mo sya, umayos ka!"


"bakit ma? ako ba yung ng una? di ba dapat sya yung umaayos? nakakatanda sya sakin pero yung isip nya kala mo ang childish pa para mang agaw ng jowa na may jowa!!"

"Cady alam natin na hindi maganda yung ginawa nya, pero nangyari na e, may naging resulta na. naka buo na sila at dapat nating alagaan ang ate mo, maselan pagbubuntis nya." pag aalala nya.


"gusto mong respetohin ko sya ma? fine, pagsikapan nya" sabi ko at lumabas na ng kwarto para pumunta sana ng cr nang nakasalubong ko ang dalawang traydor.


"Oh? nawala na ba kati?" 


"Cady please!!!" sabi ni Leo, "mag babanlaw na muna sya sa banyo"

"OOpps?? ako muna una ate ha? baka pati cr agawin mo?" sabay irap ko at pumasok sa cr.



---

"Cady can we talk?" bungad ni ate habang tinatali ko ang tali ng damit ko


"For what?? may agreement kang naisip? saka mo nalang ako kausapin pag napag isipan mo nang mag by-sched. yun bang ngayon sayo sya tas mamayang gabi sakin?" pang aasar ko sa kanya pero nakataray mukha ko.


"Cady please, i know hindi mo kami agad mapapatawad pero sana naman yung pamangkin mo nalang yung mahalin mo please sissy, wala syang kasalanan dito."


"so what are you trying to say?" sagot kong naka talikod


"don't give me reasons para ma stress, for the baby's sake Cad.." tapos hinawakan nya ang kamay ko sa likod tas isinandal ang noo nya sa likod ko pero umabante ako.


"wag na wag kang didikit sakin, Wala akong kadugo na ahas" sabi ko at nasampal nya ako bigla.

The third party's sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon