《Bahay》

9 2 0
                                    

Andito ako nakatingin sa malayo,iniisip bakit ganto ang nangyari.Bakit ang malas ko,maigi na sigurong...

__

Isang bagay na nakapagpabago sa buhay ko.Isang pagkakamali na dapat hindi na tinuloy pa,pero wala na,nangyari na ngayon makakayanan ko kaya?

Naglalakad hindi alam kung saan papunta,hanggang kelan ba matatapos toh?tanong na bumabagabag sa isip ko.

Pumara ng sasakyan para dumaretso na ng uwi sa bahay,kung saan ako lang at nag-iisa

Ngayon nandito na sa harap ng bahay,humintot saglit para tingnan kung gaano na to nilipasan ng panahon.Dito sa bahay nato maraming mga alaala na masaya pero mas nangingibabaw ang kalungkutan.

Pumasok ako sa loob tiningnan ang paligid bawat kagamitan para saakin isang mahalagang parte ng aking buhay.

Habang tinitingnan ko ang paligid dahan-dahan kong hinakbang ang aking paa.hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking paa

Biglang bumigat ang aking pakiramdam,naramdaman kong parang may umagos sa aking pisnge walang tigil ang pag-agos nito parang walang balak tumigil at nanghihina ako.

Napaupo akong lumuluha.Bumalik nanaman ang mga alaala kinalimutan ko na nakikita ko nanaman ang mga masasakit na nangyari sa buhay ko na hanggang ngayon dinudurog ako puso ko...

Ito ang alaala kung saan simula't iwan ako na aking ina...nakikita ko yung pangyayari kung paano siya unti-unting  nawala sa aking paningin.

___

"Ma!"tawag ko sa aking ina lumingon ito ngumiti saakin,ngumiti din ako pabalik tumakbo ako papunta sa aking ina.

Sinalubong niya ko ng mahigpit na mga yakap."kamusta naman ang pag-aaral anak?"tanong niya saakin

"Ayos lang naman po nay" sagot ko ng may kasamang ngiti saaking labi habang nakangiti pabalik,pumunta kami ng kwarto at nagkuwentuhan kung ano-anong bagay na nangyari sa school.Makikita ang tuwa sa mukha ng aking nanay habang ako'y nagkukuwento.

"Napakagaling naman ng aking anak" sabi ni nanay na may galak sa kanyang salita.

Hindi ko alam itong araw na pala nato.Ito na ang huli ngiti na makikita ko sa mukha ng aking ina na hanggang kailan hindi ko na masisilayan muli.

Kasalukuyang nagpapahinga ako at lumabas si nanay ng kuwarto para makapaghanda ng pagkain.Hindi ko alam  na may naramramdaman na pala siya na matagal niyang tinatago sa aamin para hindi kami mag-alala pa sakanya.

May narinig akong kalabog mula sa kusina dali-dali akong  bumaba at pumunta ng kusina nakita ko ang aking ina nakahandusay sa sahig.Agad akong pumunta sa aking ina at tumawag ng ambulansya.

Dumating naman agad ang ambulansya at agad agad dinala ang aking ina andito ako ngayon sa loob ng ambulansya nakatingin sa aking ina,hawak ko ang kanyang kamay.

Pinipigilan  ko ang aking pag-iyak dahil alam kong kakayanin pa ni nanay iyan "Malakas siya"yang salita nayan ang tumatakbo sa isip ko upang maiwasan ang pagluha.

Nandito na kami sa ospital kung saan nakikita ko ang pagsu-survive sa kanya ng mga doctor,naka tulala hindi alam ang gagawin.

Yung luhang pinipigilan ko unti-unting bumabagsak sa aking pinge.Ayoko nakikitang nahihirapan si ina'y masakit sa damdamin parang anytime sasabog ako.

Nakatingin lang ako sa monitor kung saan makikita ang heartbeat  ng aking ina'y,nakikita kong unti-unti na itong humihina.

Napaupo nalang ako sa upuan sa na malapit saakin.Ayoko kong makita nasasaktan nako mga luha kong walang tigil,nagdarasal na sakaling mag kahimala mabigyan ng lakas ulit ang aking ina'y.

Ngunit sa pagbukas ng pinto mas lalo napaluha isang malakas na tunog ang aking narinig agad ako sumilip wala nakong pakialam kung bawal ako dito nakita kong unti-unti na nawawalan ng pulso ang aking ina isang matinis na tunog ang aking narinig at mga doctor na nakatingin sa akin tilang sinasabi.Nagawa nanamin lahat pero hanggang dito nalng talaga.

Lumapit ako sa aking ina tiningnan ang kanyang mukha namumutla,niyakap ko ito at umiyak ng umiyak,hanggang dito nalang talaga siguro... hindi ko na muli masisilayan ang iyong mga ngiti.

Iniwan nako ng tuluyan ng mahal ko sa buhay.Ang aking ama ay sumama na sa iba at may pamilya na iniwan niya na kami bata palang ako,Galit ako sakanya.Oo, galit na galit ako kasi nagtaksil siya saaking ina at mas pinili niya pa iyon kesa saamin.

Simula ng araw na iyon,Hindi ko na gusto pang mapalapit sa mga tao kasi feeling ko lahat sila iiwan din ako kung kelan naging mahalaga na sila saakin.

Kung kelan nasanay nakong nandiyan sila tsaka silang biglang maglalaho.

__

Isa yan sa mga alaala na hindi ko malilimutan dito sa bahay nato.

Sinabi ko sa sarili kong hindi nako iiyak,Pero sadyang makulit yung mga luha ko kasi ayaw nilang tumigil sa pag-iyak.

Tumayo nako mula sa pagkaupo kanina.Pinunasan ang luha sa aking mata siguro ito na ang huli na iiyak ulit ako.

Pinuntahan ko na ang aking kwarto upang kuwanin ang aking mga gamit.Babalik ako dito hahayaan ko munang makalimutan ko ang pangyayaring iyon,kung saan hindi namuli ako luluha tuwing naalala ko ito.

Bumaba na ko ng aming bahay at sinarado lahat,aalis muna ako upang makalimot.

Pero babalik ako...hindi nga lang ngayong,dahan dahan kong sinarado ang pinto ng bahay at nagumpisang maglakad.

Sa huling sandali nilingon ko ang bahay namin mula sa malayo at muling  nagpatuloy sa paglakad.

Nakapagpara nako ng aking sasakyan agad kong nilagay ang mga maleta bitbit ko at agd pumasok sa loob ng taxi.

Hanggang sa muli...


















BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon