Prologue

1 0 0
                                    

"Have faith in me

Cause there are things that I've seen I don't believe

So cling to what you know and never let go

You should know things aren't always what they seem

I said I'd never let you go, and I never did

I said I'd never let you fall and I always meant it

If you didn't have this chance then I never did

You'll always find me right there, again."

- A Day To Remember

...

Agad na tumama sa mata ko ang isang nakakapuwing na liwanag. Hindi ko masyadong matandaan kung anong nangyari sa akin pero alam kong may nagbago. Alam kong may mali.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko, isang kuwarto na nababalot ng kulay puti. Nakahiga ako sa isang malambot na bagay at may mga nakakabit na kung ano sa kamay ko. Hindi ko maramdaman ang dati kong lakas. Para akong isang tao...

Agad na bumukas ang pintuan ng kinalalagyan ko at may pumasok na isang lalaki. Nasa katandaan na ito at halatang may otoridad sa mundo ng mga tao.

"Gising ka na ,iho." Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nagugustuhan ang presensiya niya.

"May ilan lamang akong katanungan para sa iyo." Naglakad na siya palapit sa akin habang dahan dahan akong umuupo.

Naupo siya sa isang malapit na upuan sa tabi ng hinihigaan ko. Pinapakiramdaman ko ang aking sarili kung anong nangyayari sa akin.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya habang may pinagkakaabalahan siya.

"I am a demon."  Napalingon siya sa akin at until unting ngumisi.

"Hindi ako nakikipagbiruan, iho. Wala pang nakakaalam kung sino ka kaya sabihin mo na."

Dahan dahan kong itinataas ang kamay ko habang itinatapat sa isang bagay na malapit sa akin. Inilabas ko ang pwersa ko ngunit napapansin kong walang nangyayari. Halos nanginginig na ang kamay ko dahil sa pwersang inilalabas ko ngunit wala talaga.

"Hindi mo ba alam ang pangalan mo." Muli niyang saad.

Hindi ko na pinatagal pa at mabilis ko siyang sinugod at hinawakan sa ibabaw ng kaniyang damit. Naramdaman ko ang dugong umaagos sa kamay ko dahil sa mga kung anong nakakonektang bagay kanina rito.

Halata ang takot sa kaniyang mga mata.

"I-iho. Napapano ka ba. D-dahil ba yan sa gamot?" Nanginginig na ang kaniyang boses dahil sa kaba at galit na dala ko.

"Isa akong demonyo, at walang gamot ang tatabla sa akin." Ihinanda ko na ang kamay ko para sa pagsuntok sa kaniya nang napansin kong hindi na siya gumagalaw.

Narinig ko ang tunog ng isang sapatos na alam kong papalapit sa akin. Agad kong itinulak ang tao sa harap ko at hinarap ang nilalang na dumating.

"Daemon." Agad akong tumayo at nilapitan siya. Mabilis na nawala ang kaniyang pakpak kaya nagmistula siyang isang normal na tao.

"Anong nangyari sakin? Bakit hindi ko man lang magamit ang kapangyarihan ko?" Mahahalatang sa aking mata ang nagpupuyos na galit kahit na mahinahon lamang ang pagkakatanong ko. Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon.

"Pinadala ka Niya dito para maliwan----"

"Hindi ko na kailangan pang maliwanagan!" Agad kong hinapit ang kuwelyo niya at sumigaw sa pagmumukha niya. "Hindi ko kailangan ng pag uutos Niya!"

"Masyado kang nilalason ng pag iisip mo na mas matataasan niyo Siya. Masyado kayong mataas mag isip." Mahinahon niyang saad na tila wala lang sa kaniya ang galit ko.

"Wala Siyang kwen---"

Ramdam ko ang pwersa ng pagbaon ng katawan ko sa isang pader. Isa akong demonyo pero parang nasa katawan ako ng isang tao. Nalasahan ko ang dugo galing sa aking bibig, dala ng paggamit niya ng pwersa sa akin.

"Wag na wag mo Siyang babastusin sa pagmumukha ko." Naglakad siya papalapit sa akin habang nakamuwestra ko sa kaniya ang ngisi ko. Nang makapunta siya sa harap ko ay agad siyang naupo kalebel ang mukha ko. " Tutulungan kita, pero matuto kang rumespeto."

Hinawakan niya ako sa ulo, naramdaman ko ang init na nagmumula rito. Nararamdaman ko ang pagkawala ng sakit ng katawan ko at ang pagkalma ng pag iisip ko. Ito ang pinakaayaw kong ginagawa niya sa akin dahil nararamdaman kong kaunting pitik lang ay baka magbalik loob ako.

Pagdilat ng mata ko ay hindi ko na siya nakita at nakatingin lamang sa akin ang lalaking kumakausap sa akin kanina habang nagtatakang nakatingin sa akin...




Not My DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon