Wake Up Serene

14 1 0
                                    

gumising akong mugto ang mga mata, siguro ilang oras lang ang naging tulog ko o kung nakatulog ba talaga ako dahil randam kong basa pa ang unan na kasama ko sa pag iyak at ang kumot kong nakataklob pa sa'kin mula ulo hanggang paa. It's 5:00 am, kahit tinatamad, bumangon ako.

Didiretso na sana ako sa maliit kong kusina ng may malasap akong masarap, Lutong ulam. Ilang araw na rin akong di nakakain ng matinong pagkain dahil mag isa lang ako rito sa apartment, itlog at de lata lang ang madalas kong ulamin, minsan dinadalhan ako ng ulam ni Ate Helen. Out of the blue, biglang sumigla ang mood ko, syempre sino ba naman ang hindi kung bubungad sayo ang nakakagutom na amoy ng pininyahang manok sa umaga, my favorite. Ngunit napatigil ako ng makita ang likod niya na may kung anong ginagawa sa lababo. Di ako makapaniwalang naririto siya. Humarap siya sa'kin. Si mama.

"O gising ka na pala, halika na at kumain ka na," agad siyang kumuha ng plato at hinaingan ako sa mesa. Nang makita niya akong parang tuod na nakatulala. "Ba't ka pa nakatulala diyan, umupo ka na rito at kumain ka na"

Di pa rin ako makapaniwala. Akala ko si ate Helen ang nagluluto para sa agahan ngayon dahil madalas siyang magluto rito kapag nauubusan siya ng gasul.
Pinagagamit ko naman dahil di ko naman nagagamit atsaka libreng ulam na rin. Pero si mama?

Tahimik akong lumapit at umupo sa lamesa. Nakapagtataka na narito siya, all these years na mag isa lang ako, ngayon ko na lang ulit siyang nakita ng personal. At namamangha ako. Ang dami kong tanong, bakit siya nandito? Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sa mga tanong ko pero pinigilan niya ako ng makaupo siya sa harap ko.

"Alam ko marami kang tanong, pero ngayon at sa susunod na mga araw nandidito pa rin ako. Hindi ka ba masaya na nandito na ako?"

Masaya ako ma, masayang masaya.

Di ko namalayan na tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

How many times I wished for these. How many times I wished for her to comeback for me. How many days, months, years ko siyang hinihintay na sana bisitahin man lang niya ako, at ngayon naririto na siya sa harap ko dapat masaya ako pero ito, kinakain ang paborito kong luto niya habang umiiyak, umiimpit ang hikbi sa gitna ng pagsubo.

Tears of joy to sa wakas makakain na ulit ako ng mga luto niya.

Bigla siyang tumayo na kinabalisa ko, agad ko siyang inangat ng tingin, na baka bigla siyang mawala. Pero lumapit siya sa'kin at yinakap ako mula sa likod. Di ko na mapigilang humagulgol.

"Hushhh, tumahan ka na, " tinawanan niya ko ng malumanay " Ganyan mo ba ko na miss? Tahan na, mamumugto na yang mga mata mo na parang kinagat ng ipis"

Kung araw araw akong iiyak ng ganito kasaya okay lang na mamugto mata ko.

Matagal ng hiwalay ang parents ko, 10 years old palang ako, sa kahit saan lugar na ako tumitira, sa side ni papa or sa side ni mama. Lagi nila akong iniiwan sa mga relatives ko, dahil doon, palipat lipat din ako ng school at walang permanenteng kaibigan. Ayoko rin na masyadong ma-attach dahil nga iiwan ko rin naman sila para lumipat sa ibang lugar. Kaya nag-focus lang ako sa sarili ko, matiyagang nag aaral, maging masaya ng mag isa. Though I have cousins na di ko trip ang takbo ng utak kaya di rin ako madalas nakikipagsalamuha sa kanila. I'm the totally black sheep and outcast sa pamilya. Kaya ng tumuntong ako ng katorse sinabi ko kay papa na kaya ko na ang manirahan nang mag isa, kaya binilhan niya ako ng apartment malapit sa kakilala niyang si Ate Helen. Oo, 14 years old palang ako noon, pero mataas na ang tiwala sa'kin ni papa. I somehow became matured and think as an adult because of what life they gave me. Pinagkait man nila sa'kin ang pagiging malaya at carefree katulad ng mga kaedaran ko noon, but somehow nagpapasalamat ako na ganito ako napalaki.

Wake Up, SereneWhere stories live. Discover now