Chapter 1

3 0 0
                                    


"I have R. E class later 2:30 p.m" sabi ko kay Shea habang kinukumpara namin ang schedule of classes para sa semester na ito. Napatalon naman sa tuwa si Shea dahil sa wakas, may subject na tumpak sa schedule naming dalawa.

"Sana naman di yung terror na pari ang magiging professor natin"

"Sana nga, at sana wala tayong cross na mga kaklase" sabay kaming napatawa ni Shea dahil sa sinabi ko. Alam kong alam niya sino ang tinutukoy ko.

Kumain muna kami ng pananghalian ni Shea. Napatigil kami sa pagkain dahil dumating ang mga cross na ang ingay sa canteen.

"Bilisan mo na Ali, dahil sigurado akong mapupuno na naman ng ingay tong canteen. Andyan na silo oh" sabay turo ni Shea sa mga paparating na lalaki na napakalinis tingnan sa kanilang soot na white polo, black slacks, at sapatos.

"Tara na!" sabi ko at nagmadali na kaming umalis sa canteen. Di naman masasamang tao ang mga cross. Ay teka pala, ang mga cross ay grupo ng mga seminarista na nag aaral pa sa kolehiyo. Cross ang napili naming itawag sa kanila kasi suot suot nila iyon palagi upang makilala sila bilang mga seminarista na nag aaral dito sa unibersidad. Mababait naman sila, kaya nga sa sobrang bait halos kilala na nila ang lahat (maliban sa amin ni Shea) kaya napakaingay nila.

"SD 302"

"Dito tayo Ali" agad akong sumunod kay Shea. Pumili na kami ng upuan na nasa likod banda dahil di naman kami ganoon ka interesado sa subject.

"Alicia Sellonio, RMT, M. D" Sinusulat ko ito palagi at pinipirmahan kapag bored ako. Gusto kong maging inspirasyon ito upang magpursigi ako sa pangarap ko na maging registered medtech at doktor.

"Hi Dok, may nakaupo na ba dito?" halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa tagiliran ko. Napatulala ako sa mukha niya. Ang linis at ang amo ng mukha niya. Nakangita siya sa akin ngayon at naghihintay sa sagot ko. Bigla akong natauhan.

"A-ah wala ata Kuya" sagot ko. Agad ko namang tinago ang notebook na sinusulatan ko kanina.

"Kuya? Eh magkasing edad lang ata tayo Ate" napatawa siya habang sinasabi iyon.

"Talaga ba? Di kasi halata."

"Ok lang naman tawagin mo akong Kuya, basta't Ate din tawag ko sayo" sabi niya at binigyan niya ako ng mala anghel na ngiti.

"Ikaw bahala" awkward na sagot ko. Shet ba't nagwagwapohan ako sa taong to.

Nagsimula na ang klase at eto na naman ako dinadalaw ng antok. Nilalabanan ko naman ito kasi ayaw kong makakuha ng mababang grado dahil makakaapekto padin ito sa pangarap kong grumaduate ng laude.

Bago magtapos ang klase, hinati kami sa limang grupo para sa immersion namin sa katapusan ng sem.

"Ali, anong group ka?" tanong sa akin ni Shea.

"Group 1 eh ikaw?" sasagot pa sana si Shea kaya lang nagsalita bigla ang lalaking kumausap sa akin kanina.

"Talaga? Nako magkasama tayo ate" halos mapunit ang mukha niya sa kakangiti.

" Sino siya?" tanong ni Shea. Napa 'di ko alam' face naman ako kay shea.

"Hi! Ako pala si Jessie Calonzo" pakilala ng lalaki sabay abot ng kamay niya. Tiningnan ko siya ng mabuti. Seminarian ba ang lalaking ito? Ba't wala siyang soot na cross. Pero mukhang seminarian naman siya. Pero sana hindi, sayang ang gwapo pa naman niya. Shit. Di ko dapat sinasabi to patawad Lord. Agad naman akong natauhan dahil siniko ako ni Shea. Kanina pa pala ako nakatunganga.

"Anong ginagawa mo Ali" bulong ni Shea sa akin.

"H-ha? Ah, nice meeting you Jessie. Mauna na kami" sabi ko at agad kong hinila si Shea palayo. Ano bang nangyayari sa akin.

"Gwapo niya no? Sayang." sabi ni Shea na ramdam mo ang paghihinayang niya. May pagtataka naman akong nagtanong sa kanya

"Ba't sayang?" pagtataka ko

"Ano ka ba, di mo ba siya kilala?"

"Ha? Bakit? Kilala mo ba siya? Diba ikaw pa nga ang nagtanong sa akin kung sino siya?"

"Kunwari ko lang yon para di niya isipin na isa ako sa madaming babaeng humahanga sa kanya" nagulat naman ako sa sinabi ni Shea. Ako lang ba ang di nakakakilala sa lalaking to?

"Bakit? Sino ba siya?" halos mapatawa at maasar naman si Shea sa tanong ko. Pasensya, di ko naman talaga siya kilala eh.

"Siya si Jessie, ang pinakapogi at matalinong seminarian dito sa University. Marami ngang babaeng nanghihinayang kasi magpapari siya. Madami nading nagtapat ng pag-ibig sa kanya ngunit sinasabi niyang seryoso siya sa kanyang bokasyon. Dahil doon, mas marami pa ang nagkagusto sa kanya. Alam mo nakakagwapo talaga kasi kapag malapit sa Diyos ang isang lalaki. Ewan ko ba pero parang nakakalakas ng sex appeal pag ganun" di ko alam pero nalungkot ako sa sinabi ni Shea. So hanggang tingin nalang pala talaga ako kasi kahit ang pinakamagandang babae pa ang magtapat ng pag-ibig sa kanya, di matitinag ang bokasyon niya.

"Haaaay!" nagpakawala ako ng napakalalim na buntonghininga. Huli na para bawiin ko iyon kaya alam kong kukulitin ako ni Shea kung para saan iyon.. At di ako nagkamali.

"Bakit hay? Teka, may gusto ka din ba sa kanya? Hahahahaha" pangaasar ni Shea. Napailing naman ako. "Aminin mo na ALICIA!!!" di padin ako tinigilan ni Shea sa pangaasar kaya nagmadali na akong lumakad at iniwan siya.

"Teka Ali! Hintayin mo ako" sigaw ni Shea habang hinahabol ako.

He Owns YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon