Passenger Seat

198 6 3
                                    

Si Pink, isang masipag na 3rd year college na Marketing student, Dean's Lister pa sa school nila. Walang tiwala sa love kaya NBSB. Puro pag-aaral ang pinagkaka-abalahan. Kilala siya sa school bilang nerd at tahimik lang 'lagi. Madalas siyang asarin at pag-tripan ng mga kaklase niya. Pero kahit ganun, hindi sumusuko si Pink, pumapasok pa din siya araw-araw at nag-aaral mabuti.

Naglalakad sa hallway si Pink, hindi magkanda-ugaga sa mga dalang libro. Nasalubong niya yung tatlong kaklase niyang babae na 'laging nang-aasar sa kanya. Binunggo nila si Pink, nalaglag lahat ng dala ni Pink. "Ay, sorry ha, ayoko kasing may humaharang na basura sa dadaanan ko, akala ko basura ka.", sabi ng girl at sabay tawa pa. Pinupulot ni Pink mga gamit niya. "Ang aga-aga ganyang itsura  pa makakasalubong natin. (sighs)", sabi pa ng isang girl. "Nakakasira ng araw!", mataray na sabi ng pangatlong girl. Tumayo na si Pink, hindi na siya nag-salita, umalis na lang siya agad para maka-iwas.

Pagkatapos 'lagi ng klase, umuuwi na agad si Pink. Naglalakad na siya papunta sa highway kung saan siya nag-aabang ng jeep. Umiiyak si Pink habang naglalakad kasi naiinis siya sa mga kaklase niyang 'lagi siyang pinagti-tripan. Tinanggal muna ni Pink yung eyeglasses niya para mapunasan yung luha niya. "(sighs), Bakit ba umiiyak na naman ako. Hindi pa 'ko nasanay sa mga yu, e halos araw-araw naman nila akong inaasar.", sabi bi Pink habang nagpupunas ng luha. Maya-maya, nakarating na siya sa highway. Pasakay na din siya sa jeep na medyo puno, siksikan na sa loob. Nung umupo si Pink, nalaglag yung mga dala niyang libro. "Ay, ano ba 'yan. Tsk.", sabi ni Pink. Tinulungan siyang magpulot nung katabi niyang guy. "Salamat po.", sabi ni Pink. Ngumiti lang yung guy. Medyo nahiya tuloy si Pink.

Makalipas ang ilang minuto, konti na lang yung pasahero. Hanggang sa dalawa na lang yung natira, si Pink na lang tsaka yung katabi niyang guy. Nagbukas ng radyo yung driver, "Passenger Seat ni Stephen Speaks" yung tugtog. Natawa ng bahagya yung guy na kasama ni Pink sa jeep, napatingin tuloy si Pink sa kanya. Pero infairness, gwapo yung guy. Maya-maya..."Kuya, sa tabi na lang po.", sabi ni Pink. Huminto yung jeep. "Eto po yung bayad.", inabot ni Pink yung bayad sa driver, at pagkatapos bumaba na siya. Ang naiwan na lang sa jeep yung guy.

Kinabukasan, nung gumagayak si Pink, "Hala, asan yung mini notebook ko. Tsk.", sabi ni Pink habang hinahalungkat niya yung bag niya. "Hindi pwedeng mawala yun =( ", sabi ni Pink. Nagsilbing diary kasi ni Pink yun. Lahat ng sama ng loob niya, mga nararamdaman niya na hindi niya ma-express at mga paniniwala niya, isinusulat niya dun. Lumabas na ng kwarto si Pink. "Anak, male-late ka na , ano pa ba kasi ginawa mo sa kwarto mo?", tanong ng mama niya. "Ma, kapag po may nakita kayong kulay pink na maliit na notebook, pakiusap po, paki-bigay sa'kin agad at 'wag niyo po bubuksan, please Ma?", pakiusap ni Pink sa mama niya. "Oo anak, sige", sagot ng mama niya. "Sige po, alis na po ako.", paalam ni Pink. "Mag-ingat ka anak", paalala ng mama niya. Lumabas na si Pink sa bahay nila. "(sighs) Hanggang kailan ba magiging ganito si Pink. Kahit sa'kin parang ang layo-layo ng pakikisama niya.", nag-aalalang nasabi ng mama niya. Nag-iisang anak lang si Pink. Simula nung iniwan sila ng tatay niya, naging ganun na si Pink, ayaw halos makipag-uasap sa iba, tahimik lang 'lagi. Pakiramdam niya kasi, lahat ng magiging importante sa kanya, iiwan lang din siya sa huli, kaya umiiwas na lang siyang makihalubilo sa iba at magkaroon ng mga kaibigan.

Pagdating ni Pink sa clasroom nila, "Goodmorning Nerdy Girl!", harot na sinabi ng isa niyang kaklase. Hindi na lang ito pinansin ni Pink, nagtuluy-tuloy lang siya papunta sa desk niya. Maya-maya, dumating na yung prof. nila. "Guys, malapit na yung Acquaintance Party natin. Lahat ng member of different clubs, makipag-coordinate na kayo sa club president niyo kung ano ang magiging trabaho niyo para sa event. Maliwanag ba?", sabi ng prof. nila. "Yes Ma'am!", sagot ng mga estudyante. Biglang nagtaas ng right hand si Pink. "Yes Pink, any words to say?", sabi ng prof. "A ,ma'am, required po bang umattend kapag club member?", tanong ni Pink. "Ofcourse, requirement sa inyo ang umattend that night kasi kayo ang tutulong sa council  na mag-organize nun.", sagot ng prof. nila. Member kasi ng Writers' Club si Pink., writer siya sa newspaper ng school nila. "And one more thing, this year's theme is Hollywood, you must look elegant and gorgeous, guys.", pahabol na announcement ng prof. nila. Napadukdok na lang si Pink sa desk niya sabay sigh. Pagkatapos mag announce ng prof. nila, nagsimula na itong mag-discuss ng lesson nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Passenger SeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon