one shot

3 0 0
                                    

____________________________________________

Umpisa palang alam ko na, ngunit diko inaasahan na dito mag tatapos ang lahat.
____________________________________________

Nakayuko kang nag lalakad papunta sa direksyon kung nasaan ako. Papalapit ka na ng bigla kang tumumba mabuti na lamang at nasalo kita agad. Hinatak kita, ikinulong sa mga bisig ko at hinayaang ilabas lahat ng hinanakit na gusto mong ilabas mula pa kanina.

Niyakap kita na para bang wala ng makakapanakit pa sa iyo, yakap na mararamdaman mong ligtas ka. Napansin kong basang basa na ang damit ko ngunit diko na pinansin pa, ang daming tanong ang bumalot sa isipan ko.

Nung humikbi ka, tila nasagot lahat ng tanong ko. Alam ko na agad ang dahilan...

"Wala na talaga kami." iyak mo kasabay ng mga pag hikbi

"Hayaan mo na, maraming pang iba diyan." sagot ko habang pinapakalma ka

Mas isiniksik mo ang sarili mo sa akin at ako naman ay tuloy parin sa pag papagaan ng loob mo. Dumaan ang ilan pang mga linggo, nahihirapan ako sa tuwing nakikita kitang ganyan. Kahit minsan di ako lumayo sa tabi mo at hinayaan kang mag-isa.

Sa tuwing kailangan mo ng kausap at gusto mong umiyak, nandito ako lagi para makinig sa iyo. Sa tuwing nalulungkot ka nandito ako para patawanin ka at idaan sa mga corny kong paraan ngunit ganon pa man ay masaya ako kapag sumisilay na ang ngiti sa iyong labi. Buwan din ang lumipas sa wakas nakalimutan mo na din ang lalaking nanakit at sumira ng tiwala mo.

At ako lamang ang taong laging nasa tabi mo

_____________________________________________

Pagkatapos ng araw na iyon...
_____________________________________________

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko habang sinusundan ka ng tingin

"Anong oras kita susunduin?" Tanong ko pa ulit, ngunit abala ka parin sa kakaikot

Hinila ko ang kamay mo at tinitigan ka sa mata, "Ano ba ang hinahanap mo at kanina ka pa paikot-ikot diyan?" tanong ko

Nag bitaw ka ng buntong hininga bago ako sinagot, "Yung USB ko nawawala, nakita mo ba yun? Nandoon lahat ng report ko." at patuloy na nag ikot-ikot muli

Hinatak kita at pinaupo saglit dahil pansin kong tarantang taranta kana at hinihingal kakaikot at kakalakad, ako naman ang tumayo at nag hanap.

"Ito ba ang hinahanap mo?" nanlaki ang mata mo at agad na ngumiti at tumango

"Saan mo nahanap? The best ka talaga!" Pag kasabi mo non ay niyakap mo ako na siya namang ikinatawa ko, kahit kailan ka talaga napaka makakalimutin mo

Ginulo ko ang buhok mo at tinignan mo ako ng masama tulad ng inaasahan ko bago ngumiti ng napakalaki, "Sabi ko naman sayo wag mong guluhin yung buhok ko!" sigaw mo kasabay ng pag takbo ko at pag habol mo sa akin papalabas ng bahay.

_____________________________________________

Mas lalo akong nahuhulog sa iyo...
_____________________________________________

"Relax lang, okay?" sambit ko dahil kanina ka pa natataranta at tinatakpan yung mantsa ng natapon na inumin ng batang dumaan kanina, "Paano kung nakita niya ako? Nakakahiya!" ani mo habang nakatingin sa isang direksyon

Naguguluhan ako sa ikinikilos mo kung kaya't sinundan ko ang direksyon ng tinitignan mo. Mula rito ay nakita ko ang lalaking naka itim na damit, brown na pantalon at lumang pares ng sapatos. Ang baduy ng porma kung papansinin, minsan diko talaga maisip ba't ganyan ang mga tipo mo. "Sino?" Pangaasar ko, kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon