"Wala ka bang gusto kay Luis?"
Tanong sakin ng kaibigan kong si Rain. Pabali-balik nalang tong topic nato. Kung minsan, nakakaumay na eh. Pano ba naman, sa bawat oras na nagkakausap kami ng best friend ko, wala na siyang ibang bukambibig kundi ang sitwayon namin ni Luis.
"Meron naman akong nararamdaman sa kanya.."
"Alam mo, nahihiya siyang lumapit sayo."
"Bakit naman?"
"Ewan ko sa kanya, torpe kasi yun eh. O, ayan na pala siya e. Sige, tatawagin ko ha?"
"Rain, wag na! Nakakahiya na-"
"Luis!"
Nung lumingon si Luis at nakita ako, umiwas agad siya ng tingin. Bakit ba? Ano bang meron at parang takot na takot siyang humarap sakin?
Habang hinihila siya ni Rain papunta sakin, dinig na dinig ko ang usapan nila.
"Luis, halika na! Sabi mo gusto mo siyang makasama?"
"Gusto nga, kaso nahihiya ako eh.."
"Problema mo? Kahit malaki bibig nun at nakakatakot ang itsura di ka lalamunin nun!"
Kung makapanginsulto, sagad sa buto eh no? Nahiya naman ako sa beauty mo Rain! Wagas talaga mag-asaran ang mga mag-best friends. XD
Ngumiti siya habang sumasagot..
"Alam ko, pero kasi.. Ah! Di ko kaya, nahihiya talaga ako!"
Ang cute mo pala ngumiti Luis.. Hala teka, san galing yun? Bugtong, bugtong. May isang eng-eng, kumekerengkeng. Sagot? Edi si Skyrine! Hala korni ko, pakamatay! XD
Riiiiiiiiinnnngg.. Riiiiiiiiiiinnnnggg..
Nag'time na lang.. Hindi pa niya ako nalalapitan..
"Rain, pasok nako sa loob.."
Tinanguan lang niya ako tapos kinagalitan si Luis.
"Tingnan mo, sinayang mo na naman yung opportunity! Nakakainis ka talaga! Bobiks!"
(A/N: Nakuha ko lang yang bobiks na word sa mga friends ko, it means bobo. Lol, o diba? Di naman ako masyadong harsh no? ;D)
"Skyrine.."
Narinig kong sabi niya. Pero hindi ko siya nilingon. Nagmala'taingang-kawali na lang ako. Nakakaorat! Kung kelan wala ng time tsaka magpapapansin! Tss. >.< Hindi naman mabaho kili-kili ko ah? Hindi rin naman ako bad breath. Ano bang problema niya?! Nanliligaw daw siya pero di ko naman feel presence niya -,-
Sa totoo lang, okay naman siya eh. Gwapo siya, mabait, matalino, gentleman, magaling mag'basketball at mabango pa. Hinahangaan ko nga siya eh. Kung meron mang problema kay Luis, yun yung pinanganak siyang torpe sa mundo. Pinapansin niya naman ako, kaso pag pinipilit lang siya ng mga katropa niya. Masaklap yun eh. Kasi parang napipilitan lang siyang gawin yun para sa ikasisiya ng dabarkads niya? Eh kung ganun nalang man sana tropa mo nalang yung naging crush mo! Minsan di ko rin maintindihan feelings ko sa kanya eh, may times na okay tapos maya-maya.. biglang mauudlot..
Natapos nalang yung klase, ito pa rin yung nasa isip ko. Hay nako Luis! Nakakastress ka! Pagdating ko sa buhay, nagbukas agad ako ng computer at nagfacebook. Baka sakaling online siya. Baka sakaling makausap ko siya, kahit sa chat na lang. Echosera!
"Hi Skyrine :)" Bati niya sakin.
"Hello Luis :)"
"Sorry kanina ah, nahihiya kasi ako sayo eh.."
"Yaan mo na, sanay na naman ako eh.."
In-out ko agad yung account ko, ayoko ng mapahaba pa yung usapan namin. Nagtatampo ako sa kanya. Sa chat niya lang ako kayang kausapin, sa personal tameme na siya. Nung gabing yun, nagdecide ako na kausapin siya bukas. The moment na makita ko siya, lalapitan ko siya agad.
Kinabukasan na.. This is it.. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo.. Aamin na ko sa tunay kong nararamdaman sa kanya..
Na hindi ko na siya gusto..
"Luis.."
"Sky-Skyrine.. Ba-bakit? Ma-may problema ba?"
"Uh, wala naman.. May gusto lang sana akong sabihin.."
"A-ano yun?"
tug-dug. tug-dug. tug-dug.
"Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa.. Sasabihin ko na ng diretso.."
"Si-sige, makikinig ako.."
tug-dug. tug-dug. tug-dug.
"Luis, am.. Ano kasi.. Uh.."
Sasabihin ko ba sa kanya? OMO. Nakakakaba >.<
tug-dug. tug-dug. tug-dug.
"Ano kasi.."
"A-ano?"
"Gu-gusto mo ba talaga ako?"
"Ha? Ah, oo naman. Bakit mo naman natanong iyan?" Halatang di niya inaasahan ang tanong ko. Bakas sa tinig niya ang kaba at pagtataka.
"N-nanliligaw ka ba talaga sakin?"
"Oo Sky.. Kaso, nahihiya kasi akong lumapit sayo eh.."
"Yun na nga Luis eh, nanliligaw ka pero di ko nafi-feel ang presence mo.. Alam mo yun? Yung parang di ka makagawa ng effort sakin.."
"Natotorpe kasi ako sayo.."
tug-dug. tug-dug. tug-dug.
"Walang mangyayari kung patuloy ka lang magpapakatorpe Luis.. I think.. I think it's better if we stay as friends muna.. I don't think mag'iimprove pa or magkakaroon ng development itong feelings natin para sa isa't isa.. Naghihintayan lang tayo.. Ayoko ng ganun.. We need time to adjust.. Kumbaga mag-start muna tayo sa getting-to-know-each-other stage.. Para sa susunod, di na tayo maiilang.. Baka sa susunod may chance na talaga.."
Yun lang. Yun lang sinabi ko. And with that, I left him. Dumbfounded. Alam kong nasaktan ko siya pero kinailangan kong sabihin yun. Para matauhan siya.. Para matuto siya..
Moral Lesson: Kapag may chance ka na kausapin siya, wag ka na maging torpe. Sige ka, baka yun na rin ang huli.
BINABASA MO ANG
Sayang.
Short StoryIto ay pawang kalokohan lamang. Walang kwenta at pangit. Siguro? XD Baguhan pa ako sa field ng pagsusulat ng mga stories kaya sorry kung boring at pangit ang ending :D