Battaglia 4: Power of Balance

102 6 4
                                    

BATTAGLIA 4: POWER OF BALANCE

Sa hindi kalayuan, sa isang kantong nababalot ng kadiliman na napipigilan lamang ng isang street light... Ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha....

"H-hindi.. hindi ito maari! Ba't siya nandito?!"

Tatlong lalaki ang nakapaligid sa babaeng parang nakita na niya noon pa. Actually, nakita ko rin siya eh. Tinutukso ko pa nga si Jiro n'un eh... Ah, naalala ko na! Siya si... si... Ano nga bang pangalan nu'n?

"Umalis na kayo! Umaaligid na naman kayong mga masasamang loob!!! Hindi ba kayo marunong rumespeto sa mga babae!?", galit na sinabi ni Jiro sa mga lalaking nakapaligid.

"Uhm, excuse me?", malumanay na tanong ng babae.

"Bakit!? Hinaharass ka ba nila? 'Wag ka mag-alala, ako bahala sa'yo...",sabi ni Jiro. sige na, ikaw na...

"I think you don't understand. It's not what you think it is. Hindi nila ako hinaharass, nagtatanong lang sila ng directions.",sabi ng babae.

Nagulantang naman ang ating bida, "Hah!? N-nagtatanong!?"

(Shet! Masama 'to! Mapapahiya ako kapag inamin ko pagkakamali ko... Tsk, tsk, tsk.. Pa'no na 'to? Hmmm... Alam ko na...)

"Hindi! Hinaharass ka nila! Mahirap nang magtiwala sa mga taong hindi mo kilala... Pramis, maniwala ka sa'ken..."

Maya-maya pa'y nagsalita ang isa sa mga lalaki, "Uhm, sige.. Sa iba na lang kami magtatanong ng directions papuntang Teresa St."

"Oo nga miss.. Salamat na rin at sinubukan mong sagutin ang tanong namin... Meron kasi talagang mga epal na bigla-bigla na lang sumusulpot sa mundo eh... Mga putok sa buho..."

FIRST BLOOD!! AYAN KASE....

"Tama, tama... 'Nga pala miss.. Kung ako sa'yo, makikipagbreak na ko jan sa siyota mo... Masyadong seloso! Mahirap makipagrelasyon sa ganyang klase ng tao!!"

DOUBLE KILL!! AWTSU JIRO...

Humirit naman si babae,"Oh my! Hindi ko siya boyfriend!!!"

TRIPLE KILL!!! PAKAMATAY KA NA BRAD...

At umalis na nga ang tatlo, habang si Jiro.. Eto, parang nai-stun for eternity sa kinatatayuan. Hindi siya makakilos sa sobrang pagkapahiya. Alam mo 'yung sinubukan mo lang namang tumulong pagkatapos naalimura ka mula ulo hanggang paa!?! 'Nyeta lang....

Napakamot na lang tuloy ng ulo si Jiro habang namumulang sinabi sa babae...

"A-ah.. E-eh.. S-sorry, hindi ko naman kasi akalain na nagtatanong lang pala sila... Pasensya na talaga ha? Praning lang.. Sige, alis na 'ko, Tiffany."

Nang biglang-bigla ay hinawakan siya ng babae sa braso. "Wait, do I know you? How did you know my name?"

(Lagot!!! Tsanggala, Lord! Kunin mo na 'ko!!! Ano nang isasagot ko ngayon!?!?)

"A-ah.. E-eh... Stock Knowledge???"

Wow naman tsong! Lupit ng stock knowledge mo ha! Ano 'yan, trivia question?

"Hmmm.. Looks like you're the one that I would be suspicious of. Unang-una, bigla mo na lang 'hinarass' 'yung tatlong lalaki kanina. Tapos ngayon, alam mo na ang pangalan ko kahit hindi naman kita kilala... Sino ka ba?"

"Ako...

ang pag-ibig mo..."

HUUUUWWWAAAAAAATTTT!!!!!!!!!!! <ultimate face palm>

(Hutaena!!! Sinabi ko ba 'yon!?! Hinde, hindi 'to pwede!!! Jiro, ang tanga mo talaga kahit kelan!!!!) 

"Huh? Come again?!", tanong ni Tiffany na mukhang galing sa isang exclusive school sa may Katipunan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BattagliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon