[SUMMER]
“Happy 18th Birthday to me!”
I shouted as I got up from my bed. I've waited so long for this moment, finally legal aged na ako! And it only mean one thing.
Ibig sabihin makakapag-aral na 'ko sa Vermilion Academy. Makikita ko na ulit ang Ate ko!
You see, When I was 8 years old my sister and I lived here in the Mountain located in the border of the West and North Division. I don't actually remember why we moved here, and I don't even know who my parents are. It just happened na nagising nalang ako at nandito na kami nakatira ng Ate ko.
I was 16 years old when she left me alone here to enter the Vermilion Academy, the school for magic. My sister is so strong, I can still remember when she defeated a wolf pack that attacked our house when I was 13. She is an Ice mage.
I missed her so much, It's been 2 years since the last time I saw her. Sabi nya sakin bago sya umalis ay wag na wag daw akong bababa ng bundok dahil delikado. And she promised me that when she comes back she will be strong enough to protect me from the bad guys so that we can live in the city na.
When she left, nagtraining ako ng mabuti para hindi na nya kailangan umalis dahil mahina ako. I can use magic too. But I think compared to the students of the Vermilion Academy, I am nothing.
“Blue!” tawag ko sa alaga kong pusa.
“Meow”
“Good morning Blue, hindi mo ba ko babatiin ng Happy birthday?”
“Meow” I smiled with his response.
Blue is a white Persian cat with a Blue Eyes. Nung umalis si Ate 2 years ago sya na ang nakasama ko dito sa bahay. Nameet ko sya nung naghahanap ako ng herbs sa may bandang hilaga ng bundok. Umuulan nun kaya sumilong ako sa maliit na kweba at dun ko sya nakita.
“Blue nakahanda ka na ba? Bababa na tayo sa Capital! Mag-aaral kasi ako sa Vermilion Academy, hahanapin ko rin dun si Ate ko.”
“Meow”
Maaga palang ngayon, pasikat palang ang araw. Buti nalang nakapag-ayos na ko ng dadalhin kagabi.
Sa totoo lang wala akong alam sa nangyayari sa Capital, pero base sa nabasa ko sa aklat yung Capital daw ay napapagitnaan ng apat na empire. Nagkaroon daw kasi ng division hundred years ago. NORTH, WEST, EAST and SOUTH Division. At dahil dun tinatag ang Vermilion Academy, ito ang Academya na pumapagitna sa apat na Division. Matatagpuan din ito sa Capital.
Nakakaexcite talaga, pero siempre kinakabahan din ako. Tsaka natatakot ako na baka may umaway sakin, dahil sabi ni Ate maraming bad guys dun sa Capital.
May dala akong isang malaking back pack para sa mga damit at pagkain ko dahil medyo malayo rin ang Academya. Dinala ko rin ang isang maliit na bag na naglalaman ng iilang piraso ng ginto. Hindi ko alam kung pano tumatakbo ang syudad, pero sa tingin ko naman ay sapat na ang ginto pamalit sa ilang gamit na kakailanganin ko.
Nakasuot ako ng isang puti at itim na bestida, balot nito ang buong braso ko at umaabot ito sa itaas ng tuhod ko. May suot din akong mahabang itim na medyas at isang itim na sapatos na gawa sa balat. Regalo ito sakin ni ate nung kaarawan ko bago sya umalis.
“Blue tara na!”
Lumingon muna ako sa bahay namin nang huling beses. I will surely miss this place.
HABANG naglalakad kami ni Blue pababa ng bundok ay napahinto ako. Ganun na din si Blue marahil naramdaman nya din ang mapanganib na presensya.
No, I'm really not in the mood to fight anyone. I hate violence even to the animals.
“Meow”
“Grrrrrr!”
“It's a Grizzly bear…” I mumbled.
Dahan dahan itong lumalapit samin kaya naman agad kong kinuha si Blue at niyakap ito.
“No… please don't come near me”
Sumugod ito sa akin kaya hinarang ko ang kamay ko bago pumikit. I waited a couple of seconds before I opened my eyes.
I froze it.
Lumapit ako rito bago hinawakan ang mukha ng Oso na ngayon ay naging yelo na.
“I'm sorry”
Nagpatuloy na kami ni Blue sa paglalakad papuntang Capital hanggang sa matanaw na namin ito. Sakto namang palubog na ang araw kaya naisipan kong dito nalang muna matulog sa gubat. Hindi ko alam kung saan ako matutulog pagbumaba ako nang syudad.
Umakyat ako ng malaking puno at umupo sa pinakamalapad na sanga. Ganun din naman ang ginawa ni Blue. Tinali ko muna ang bag ko bago ang sarili ko sa sanga para di ako malaglag.
“Ang ganda” bulong ko dahil mula dito sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang mga Ilaw mula sa Capital.
May nakita pa akong isang malaking tore na may orasan sa itaas. Iyon ang giant tower clock ng Vermilion Academy. Ang ganda naman! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalalaking gusali at tore. Nakikita ko lang kasi sila sa libro. Tapos nababasa ko lang din yung mga detalye tungkol dito.
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung anong araw na. Dahil binibilang ko lang naman ang Date, wala naman kasi akong kalendaryo at Orasan eh.
“Good night Blue, tommorow will be the day so sleep well”
BINABASA MO ANG
Vermilion Academy
AdventureThe Adventure of a girl with a great power. Still on going.