[SUMMER]
“Summer wag mong dalhin ang pusa mo sa classroom nyo”
Nalungkot ako ng sabihin yun ni Ate Ritsu. Kawawa naman kasi si Blue pag-iniwan ako sya diba? Kasya naman sya sa bag ko eh. Tsaka behave lang sya.
“Pero—”
“Tara na, malelate na tayo kapag hindi pa tayo umalis ngayon”
Naglakad na kami papunta sa Septentriō Building or ang Academic Building. Para sa mga 1st years nasa 1st floor din ang classroom namin, tapos yung kila Ate Ritsu ay sa 2nd floor naman ata.
Habang naglalakad papasok ng building ay nakaramdam ako ng excitement at kaba. Ito ang unang beses kong papasok sa paaralan. Umaasa lang kasi ako sa pagbabasa ng mga lumang libro dati nung nakatira pa ako sa bundok eh. Marami kaya akong magiging kaibigan?
“Eto na classroom mo Summer, una na ko. Have fun”
“Bye Ate Ritsu”
Kinawayan ko muna sya bago ako pumasok sa classroom ko.
“Who is she?”
“Is she really one of our classmate?”
“She looks weak”
Ako ata ang pinag-uusapan nila. Kunsabagay, natanong ko na rin sa sarili ko kung bakit ako nasa Class A. Kasi balita ko ang class A daw ay Elite Class. Ibig sabihin mga magagaling at malalakas na studyante lang ang nandito.
Umupo ako sa bandang gitnang bahagi ng silid sa may tabi ng pader. Kasi bukod sa upuan sa likod iyun nalang ang bakante. Ayoko naman sa likuran, bukod lasi sa maliit ako ay nakakatakot yung mga nakaupo sa banda dun.
Meron isang malaking lalaki na kulay silver ng buhok tapos may pilat sya sa may bandang mata na pahaba. Tapos yung mga katabi nya mukhang maaangas din.
Sa may bandang harapan naman ay mga babaeng mukhang masusungit at matataray. Nakakatakot pala dito sa Elite class, kasi lahat sila mukhang malalakas.
Parang gusto ko na tuloy na umuwi.
“Good morning Class!”
Napatingin ako sa may pintuan ng pumasok mula duon si Ms. Harriet. Weeeee so sya ang teacher namin?!
“I am Harriet Morriz, your Homeroom teacher at the same time your History teacher for the whole school year.” Pinanuod namin syang lahat habang inilalagay nya ang gamit nya sa teacher's table.
“Okay for today's activity starting from the back I want all of you to introduce yourself infront. With your name,Age and your Attributes”
Hala! Introduction? Hindi ako handa, tsaka nahihiya ako.
19 students kami over all dito sa Elite class at sa tingin ko nasa mga pang 15 ako.
“That's lame”
“Seriously?!”
“No buts, let's start with you. The Guy with the pink hair” tinuro ni Ms. Harriet yung lalaking nakaupo sa may tabi ng bintana habang nakataas pa ang paa.
Mukha syang maangas pero hindi naman sya mukhang masama.
Pumunta sya sa harap at cool na cool na nagpakilala.
“Yo! Ethan Dreyar is the name. 18, Earth Attribute”
Wow ngayon lang ako nakakilala ng earth attribute user.
Nagsunod-sunod na ang introduction hanggang yung lalaki na na may pilat sa mukha ang nasaharapan para magpakilala. Nakakatakot talaga sya.
“Thunder Wallace. 19, Lighting Attribute. Tsk”
BINABASA MO ANG
Vermilion Academy
AdventureThe Adventure of a girl with a great power. Still on going.