Una

11 0 0
                                    

Andrea

"Saan po tayo maam?" Tanong ng taxi driver sakin

Kung nagtatanong kayo kung nasaan ako, nasa airport ako. Kakauwi ko lang galing states.

Sinabi ko na lang kay manong kung saan ako ibababa, sinalpak ko na sa tenga ko yung earphones ko at nakinig na lang sa music.

Biglang nagvibrate yung phone ko kaya napatingin agad ako don, tumatawag si mommy.

[Mom's Calling]

Agad ko namang sinagot yon.

"Hey mom!!" Masigla kong sabi.

Narinig kong napabuntong hininga sya.

"Why didn't you tell us you're going home?" Nagtatampong sabi nya.

Napangisi akong umiirap sa hangin, i knew it sasabihin ni kuya.

"I just want to surprise you but it turns out..." Hindi ko naituloy yung sasabihin ko at muling napairap ako sa hangin na akala mong nakikita ni mommy.

"Because we push him to spill it out, bakit hindi mo na lang sinabi samin na uuwi ka?" Nagtatampo pa ding sabi nya.

"Okay mom i get it, I'm sorry if i didn't tell you." Natatawa kong sabi, pag hindi pa ko sumuko alam kong marami pang sasabihin si mommy.

"So saan ka dederetso?" Pagbabagong tanong nito.

"I will just organize my stuff sa condo then uuwi din ako sa bahay." Sagot ko sakanya.

"So hindi ka dito tutuloy sa bahay? Ano ba naman kasi ang pumasok sa ulo ng daddy mo at binili ka pa ng condo na yan." Naiinis na pahayag nya na parang binubungangaan nya si daddy sa isip nya.

"Mom i need that, and besides mageenroll na din ako bukas sa university for second sem and good thing malapit yon sa condo unit ko." Natatawa kong paliwanag sakanya.

"But you have your own car, you can drive to school everyday!" Patuloy pa din nyang pakikipagtalo.

"Mom don't argue, i am already at my legal age i can take care of myself." Tuluyan na kong natawa sa mga sinasabi ni mom.

Nakita kong patingin tingin sakin yung driver kaya tumingin na lang ako sa labas, nagulat ako nang malapit na pala kami sa condo, gusto yata nyang sabihin na nandito na pero may kausap ako sa phone kaya tinitingnan nya na lang ako.

"Mom gotta go, nandito na ako sa condo. Pupunta na lang ako mamaya sa bahay. I love you!"

"Okay baby ipapasundo na lang kita kay martin mamaya gamit yung car mo, i love you too!" Binaba ko na yung call at bumaba na ng taxi.

Binaba ni manong yung mga maleta ko, binigay ko na sakanya yung bayad at nagpasalamat.

Pag pasok ko sa building nakita kong may mga babaeng nagaabang sa may lobby na kala mong isang die hard fan na nagaabang sa idol nila.

May lumabas sa elevator kaya napatingin ako don, nakita kong may lumabas na lalaki don na mas lalong ikinaingay ng mga babae.

Dahil don inawat na sila ng guard  sa pagsisigawan.

Napatingin ulit ako don sa lalaki, nakita kong nakatitig sya sakin habang naka-nganga. Natawa ako sa itsura nya pero pinigilan ko.

Naglakad na ko papunta sa elevator pero nung magkapantay na kami nakita kong nakatitig pa din sya narinig ko yung bulungan ng mga babae kaya nginitian ko na lang yung lalake at pumasok na sa loob ng elevator.

Nung malapit nang sumara yung elevator narinig kong sumigaw sya.

"Wait lang miss!!" Pero tuluyan ng sumara yung elevator kaya napa-kibit balikat na lang ako.

Dumeretso na ko sa unit ko at ibinagsak yung katawan ko sa couch nakakapagod din yon ha, 16 hours na biyahe?

Nilibot ko yung mata ko sa kabuuan ng condo, actually this is my first time na makita yung condo because last year lang naman binili ni dad 'to nung nag 18 ako and yung car si mom ang nag-regalo sakin.

Yun na yung birthday gift nila sakin dahil hindi nila ako kasama nung mga panahong yon kaya don sila bumawi.

Napatingin ulit ako sa kabuuan ng unit, kulay gray yung interior and decorations even the kitchen kulay gray.

Dad knows my favorites, napangiti ako.

Pumunta ako sa bedroom at inayos na yung mga gamit ko.

After ko ayusin lahat humiga muna ako hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako.

Nagising ako sa tunog ng phone ko, pag tingin ko tumatawag si kuya.

"Hey eya mom told me to call you, dito ka daw magdinner papunta na daw dyan si martin." Sabi nito.

"Ewan ko sayo kuya!!" Naiinis na sabi ko sakanya. Kala nya ba nakalimutan ko na yung ginawa nyang pagsasabi kanila mommy?

"What? Kung dahil yan don sa pag sasabi ko I didn't mean it! They pushed me para sabihin, I'm sorry." Natatawa nyang sabi. Umirap ako at nagpaalam na magaayos lang ako.

Naligo lang ako at nagsuot ng simpleng dress bago umalis na.

Habang naglalakad ako papuntang elevator nakasalubong ko nanaman yung lalaki kanina, so dito din pala sya sa floor na'to.

Nagulat sya ng makita ako at agad syang lumapit sakin. Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya ngumiti na lang ako.

"Hi?" Pagbati ko sakanya, I don't know what to say kasi hindi ko naman sya kilala.

Narinig kong binulong nya ang pangalan ko kaya naman nagulat ako.

"Eya..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now