Late
°°°°°°Nagmamadaling bumaba sa hagdan si Hera. It's 8:47 in the morning at malelate na siya sa unang klase niya.
"Mom! Dada! I need to go na po bye! Love yah I'll use my motor." Hinalikan niya ang mommy at daddy niya bago tumakbo papalabas.
"Slowdown baby! Mag-ingat sa pagmomoto---aww!" Sinapak ni Sky si Angelo.
"Niregalohan mo kasi ng motor!" Bulyaw nito sa asawa na ikinatawa lang nito.
Pinaharurot ni Hera ang kanyang sinasakyang motor sa masikip na kalsada.
"Shit pag ako na late susuntukin ko sa mukha ang magiging katabi ko sa upuan!" Naiinis na bulong nito. Mas pinaharurot niya pa at biglang nagdrift bago nakapagparking sa parking ng kanilang school.
"Woaah bro hinay hinay sa pagdadrive muntik na akong mabangga!" Sabat ng lalakeng kakababa lang sa kanyang sports car.
Hinubad ni Hera ang kaniyang helmet bago tinaasan ng kilay ang lalake pero mas nainis pa siya ng makitang yun ang pinsan ni Gracielle.
"Woah! Nagmomotor ka pala babe? I thought lalake ka hahaha astig!" Nginisihan lang siya ni Hera sabay naglakad paalis.
Hera is wearing a ripped jeans and a white sando with a leather jacket. Parang lalake pumorma, not a typical girl na nakadress at naka make up. She don't put make up's, nakakabanas daw.
Naiinis na tinulak niya ang pinto sa classroom at pumasok.
"Ms. Vasquez you're late." Bumukas na naman ang pinto at pumasok si Dylan, ang pinsan ni Gracielle na kinaiinisan ni Hera.
"As well as you Mr. Collins. Why are you late, the two of you?" Umirap lang si Hera at ngumisi naman si Dylan.
"We had a date earlier ma'am." Nakangising sabi ni Dylan na ikinagulat ng lahat.
"Ow. I hope sa susunod na magdate kayo ay huwag naman kayong magpalate 'lovebirds'." Namula sa inis si Hera at padabog na pumunta sa bakanteng upuan sa dulo.
Sumunod naman si Dylan sa kanya at umupo sa tabi nito.
'Shit pag ako na late susuntukin ko sa mukha ang magiging katabi ko sa upuan!' Napangisi si Hera ng maalala ang sinabi.
"Hoy bansot!" Tawag niya kay Dylan.
Hindi man lang lumingon ang lalaki kaya tinawag niya ulit ito.
"Tsk. Si supot hindi namamansin." Bigla niyang sinuntok sa pisnge si Dylan.
"Putan--- babe naman! Nakakadalawa ka na Aww! Tatlo na!" Sinuntok niya ulit ito, sa ilong.
"Ang pangit mo kasi!" Bulong ni Hera pero narinig din naman ni Dylan.
"Anong pangit? Babe gwapo ko kaya!" Parang batang maktol ni Dylan.
Umirap lang si Hera at nakinig na lang sa kanilang guro.
The day end boring and still the same. Yan ang pananaw ni Hera. Pero sa araw na yun bwesit na bwesit siya sa lalaking sunod ng sunod sa kanya.
"Babe naman sabi ko sa cafeteria tayo kakain bakit nandiyan ka sa taas ng puno!" Sigaw ni Dylan na nasa ibaba nakatingala kay Hera na naka-upo sa isang sanga ng puno.
"Pake mo ba? Can you even stop calling me babe?" Naiinis na anas ni Hera. Magmula kanina ay sinusundan na siya ni Dylan.
"Shh galit na naman babe ko. Aakyat na lang ako." Nagsimula na itong umakyat sa puno pero halatang hirap na hirap ito.
"Bahala ka pagnahulog ka diyan kumag!" Nagpatuloy sa pagkain si Hera habang pinagmamasdan si Dylan na umaakyat.
"See babe marunong akong umakyat. Hahaha hindi ako mahuhu----aaahh!!" Biglang na putol ang sanga na hinahawakan ni Dylan kaya nahulog ito bigla.
Kingina sabing mahuhulog. Tigas ng bungo psh. Bulong ni Hera.
Inisang talon lang nito para makababa at nilapitan si Dylan.
"Hoy lalaki! Tatayo ka diyan o sisipain kita!" Nakahiga pa din si Dylan at hindi gunagalaw.
"Hooy! Patay ka na ba? Shit Dylan!" Hinawakan ni Hera ang mukha nito at nakitang nagdudugo ang noo nito.
"Sabing mahuhulog haist!" Umupo siya at inilapit ang mukha sa mukha ni Dylan ng bigla itong dumilat.
"B-babe naman. V-virgin pa lips ko." Sinapak bigla ni Hera si Dylan dahil sa gulat.
"Kingina mo Dylan! Titignan ko lang sugat mo hoy tsaka wala akong balak halikan yan labi mo chee!"
"Kitang kita ko na hahalikan mo ko eh. Aww!" Nasapo nito bigla ang sugat sa noo.
"Yan kasi ang tigas ng bungo mo! Sabing mahuhulog ka umakyat ka pa din!" Seryosong sambit ni Hera sa kanya.
"Nahulog na nga ako, hulog na hulog na sayo. Ayan nasaktan tuloy ako kasi di mo ako sinalo." Nakangusong sabi ni Dylan.
"Sapakan na lang gago ka!" Umambang sasapakin ni Hera si Dylan ng bigla nitong hinatak pahiga si Hera.
"Halikan na lang babe. Hehe joke lang! Araay masakit nga!" Sinuntok ni Hera ang balikat nito at tumayo.
"Bahala ka diyan hmpp!" Naglakad ito paalis pero napahinto ng sumigaw si Dylan.
"Babe!! Hindi ako makatayo! ARAAAAY!" Sinamaan niya lang ito ng tingin at nagmarcha paalis.
"Tss. Parang bata." Mahinang bulong ni Hera sa sarili pero napangiti na lang ito ng hindi namamalayan.
|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|
Author's Note;
Suppeeer busy ahhhh!!!
Hmm hindi ko alam kung matatapos ko to. Haiisst! Ajaa!!Lablots💙