Prologue

26 1 0
                                    

"Magla-lunch kayo?", tanong ko kay Grace, kakatapos lang ng three-hour major subject namin at may PE pa after lunch.

"'Di ko alam. May PE ba tayo? May ganap yata sa gym?", sagot niya sakin pero dinig na rin ng iba naming kaibigan, yung iba nagkibit-balikat lang, pero si Gisell, hawak lang yung phone nya, nagchachat siguro kay sir.

"First meeting pa naman natin 'to ngayong second sem, baka wala. Hindi nag o-online ang sir, puntahan mo kaya?", turo niya sa akin. Agad namang nanlaki ang mata ko. Ayaw ko, nakakahiya. Agad akong tumingin kay Grace.

"Sorry, Brie. May aasikasuhin kami nina Luna, di ba? Hindi ka namin masasamahan ngayon.", nag-aasikaso kasi sila ng scholarship nila at balak ko na umuwi agad, kaso kailangan na may kumausap sa instructor namin kung may meeting or wala. Pero nahihiya akong mag-isa.

"Sige, ako na lang. Magcha-chat na lang ako sa gc kung meron o wala. Ingat kayo.", we parted ways. Sa registrar's office sila at papunta akong gym.

Malapit lang naman ang gate sa gym, makakalabas agad ako. Hindi pa ako nakakalapit masyado sa entrance ng gym pero dinig na dinig ko na ang ingay na galing sa loob. Puro tunog ng sapatos.

Pagsilip ko, punong-puno ng tao. Galing pa siguro sa ibang school yung karamihan na nasa loob. Kakasimula pa lang ng second sem ah, bakit may laro agad? Ang hirap ng hindi updated sa mga ganap.

Sa taas ng gym ang office ng mga instructors ng PE, pero hindi na kailangan pang dumaan sa gitna mismo. May hagdan sa bukana, pag-akyat ko, sakto na pababa ang instructor namin. Obvious naman daw na hindi niya kami mami-meet ngayon dahil occupied ang gym at coach pa siya ng swimming team. 'Di naman niya sinabi iyon in an offensive way. Nag chat muna ako sa gc namin.

Messenger
Blockmates
11:26 a.m.

Brie
Guys, wala raw PE sabi ng sir
(😍😮👍3)
Seen by Grace, Luna, and Gisell

I decided na umuwi na agad at sa bahay na lang kumain, kaso minalas yata ako. Pagkababa ng hagdan, lumiko agad ako palabas, not knowing na may papasok pala na kasalubong ko. The unfortunate part is, sumabit yung ID ko sa jersey niya, sa may tagiliran. Sumabit mismo yung hook ng ID holder, aalisin ko sana ng maayos pero ang likot niya kaya nahila ko ng malakas at napatigil na lang kami nang may narinig kaming tunog na napunit na tela.

"Omg.", iyon na lang yung nasabi ko nang makita ko yung napunit niyang jersey. Kinakabahan ako ng sobra. Nakatingin lang yung lalaki sa jersey niya at paglingon niya sakin, lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Miss, paano na 'to? Kami na ang sunod na lalaro.", I know, nagpipigil lang siya ng inis kasi medyo maraming dumadaan at para naman akong mahihimatay sa nerbyos. Ang gwapo. Shet ka Briella, mag-isip ka, wag kang humarot.

"Ah-eh, wala ka bang ibang jersey?", tumingin siya na parang hindi makapaniwala sakin. Hala, anong mali sa tanong ko?

"Dito ka ba talaga pumapasok? Siyempre iisa lang tong jersey na'to, alangan namang kakaiba ang suot ko sa mga ka-team ko?", yung tono niya talaga, pigil na pigil eh. If I know, gusto na nitong manuntok. No choice.

"Sumama ka muna sa'kin.", hahawakan ko sana yung wrist niya pero bigla niyang iniwas. "Saan mo'ko dadalhin?", wrong move, leche. Malamang di kami magkakilala, pero ang arte.

"'Wag kang mag-alala, gagawan ko yan ng paraan.", mejo umirap ako ng kaunti at di ko masyadong pinakita sa kanya. "Third quarter na tong naglalaro ngayon, aabot pa ba?", tanong niya. Oh, boy. "Trust me.", iyon na lang ang isinagot ko.

Pinagpalit ko muna siya ng t-shirt at luckily, may dala naman siya, kaysa naman nakahubad siya habang nasa akin yung jersey niya. Dumerecho agad kami sa university shop at hindi naman ako nagkamali na meron nga doong tindang panahi at karayom, sakto pang puti yung tela. Pagkabili namin, doon na ako nagtahi sa labas ng shop, buti na lang walang tumatambay sa ngayon dito, may chairs and tables kasi dito. Cute di ba.

Napansin ko naman siyang nanonood at napangisi lang ako. Bilib na bilib ah. Noong natapos ko na, hinawakan niya yung part na tinahi ko at narinig ko pa siya na nag-wow. Namula yata ako sa part na'yon.

"Magbihis ka na, baka mahuli ka doon, sige ka", natauhan naman siya ng very light at tumingin sa'kin. "Sorry nga pala sa nangyari. Saka good luck sa game.", dugtong ko pa kasi siyempre, may kasalanan naman talaga ako. Nagulat na lang ako at nilapit niya bigla yung kamay niya sa may tiyan ko kaya napaatras ako. Kaso naabutan niya pa rin ang ID ko. Hala napapano 'to?

"Thanks, Briella. See you when I see you.", pagkasabi niya nun, dumerecho na agad siya sa cr. Di agad ako naka-ibo. The heck.

Abnormal ata tong puso ko.

When There Was Me And YouWhere stories live. Discover now