Gunniel POV
Nakakainis talaga yung lalaking yun, talagang nag kita pa kami sa mall ng mukang unggoy na yun nanggigil talaga ako sa pag mumuka nila. Hinamon pa ako sa laro kaya lang naman ako na talo dahil sa nandaya sya.
Nang makauwi ako sa bahay wala pa sila mom at dad kaya nag facebook muna ako, habang nag fafacebook ako biglang may nag send sakin ng tatlong friend request nang tignan ko yung tatlong kupal pala. Hmmmm inisip ko kung iaaccept ko ba sila pero sa huli inaccept ko naman. Maya maya biglang nag pop up yung messege ni unggoy.
"Hoyy!! Yung sinabi ko sayo ah. Sumunod ka sa napag usapan"
"Ano ba pati ba naman dito mambwibwiset ka, alam ko na yun no!!" di talaga ako tatantanan nito eh.
"Pinapaalala ko lang baka makalimutan mo" Hindi na ako nag reply sa kanya dahil wala naman kakwenta kwenta yung mga pinag sasabi nya.
Kinabukasan maaga akong pumunta sa school dahil ngayon mag uumpisa yung napag usapan ng animal na yun. Pag dating ko sa school may lumapit sakin lalaki mukang nahihiya pa dahil hindi maka tingin sakin ng maayos.
"A-ah eh p-pinapatawag po kayo ni prince kurt, sundan nyo nalang po ako" bakit paranh nahihiya sya sakin.
"Hmmm.. Sige nasan ba sya? Bakit hindi ka makatingin sakin ng maayos" nang hawakan ko sya bigla syang namula tsk napangiti naman ako sa isip ko. May gusto tong lalaki sakin haha.
Pumasok kami sa loob ng isang bahay. Napaka ganda ng loob dahil napaka relaxing ng style ng pagkagawa dito. So ito pala yung tambayan nila, mayayaman nga naman pati dito sa loob ng school nag papatayo ng gantong bahay.
"Buti naman nakarating kana" Bungad nya sakin at agad naman akong napatingin sa kanya na nakaupo sa sofa
"Ikaw makakaalis kana" saad nya sa lalaking nag hatid sakin.
"So anong ipagawa mo? Dalian mo na dahil ayokong mag stay dito sa impyernong lugar mo" kita ko naman ang pag taas ng isang kilay nya.
"Woaaahh!!! Masyado ka namang hard, nag iisip pa ako ng ipapagawa sayo eh" bigla naman nag init yung ulo ko dahil sa kagaguhan ng lalaking to papapuntahin ako dito ng hindi pa pala naiisip ang ipapagawa.
"Unggoy ka talaga eh no? Ang aga aga mo akong papuntahin dito tapos wala ka pa palang naisip na ipapagawa sakin" kita ko naman sa muka nya na nainis sa sinabi ko.
"Pwede ba tigil tigilan mo ako sa kakatawag ng unggoy sakin dahil walang ibang pwedeng tawagin unggoy dito kundi ikaw!! At isa pa marami kayang babae at baklang nagkakandarapa para lang makita ang napaka gwapo kong muka" wow as in wow napaka taas naman ng tingin nito sa sarili nya.
"Pwesss sila yun at hindi ako at kung wala ka pang ibang maisip na ipapagawa sakin aalis muna ako ayokong makita yang pag mumuka mo mas marami pa akong importanteng dapat unahin kesa dito" aalis na dapat ako nang mag salita nya.
"Naisip ko na, Since sa monday pa ang start ng klase i want you to be in my house and clean my room" kapal talaga ng muka nito eh no!
"Ngayon na ba?" alanganin kong tanong.
"Of course kailan ba gusto mo?" nakangisi nitong sabi.
Nang makarating kami sa bahay nila halos lumuwa ang mata ko sa sobrang laki ng bahay actually parang di sya bahay dahil mansion ito. Pag pasok na pasok namin sa loob sumalubong samin yung mga katulong nila.
"Goodmorning po uli sir" sabay sabay nilang bati pero di man lang sila pinansin ng unggoy na to at tuloy tuloy lang ang pag akyat sa hagdan.
"Ano dyan ka nalang ba?" tawag nya sakin ng mapansin nyang hindi ako sumusunod sa kanya, malay ko ba di naman nya kasi sinasabi sakin. Hindi na ako nag salita at sumunod na lang sa kanya.
Tumigil kami sa isang pintuan at nang buksan nya yun sumalubong agad sakin ang lamig ng aircon.
"Umpisahan mo na ang pag lilinis talagang pinagulo ko yan sa mga katulong bago tayo pumunta dito para sayo" argggg!! Baliw talaga.
"At isa pa wag kang mag nanakaw dyan" dagdag pa nya sabay lakad papuntang pinto at bago pa sya lumabas binato ko sa kanya yung nahawakan kong libro.
"Hindi ako mag nanakaw no! Mas muka ka pa ngang mag nanakaw kesa sakin eh!!" dahil sa inis ko halos pasigaw ko nang sinabi sa kanya yung mga salitang yun.
Dali dali naman syang lumapit sakin at pinitik ang ilong ko dahil sa sakit ay napapikit ako.
"Ang sakit sakit naman nyon" hawak hawak ko ang ilong ko habang nakapikit pa din. Nakanguso kong reklamo sa kanya, hinihintay ko syang mag salita pero hindi ko sya narinig kaya dahan dahan kong idinilat ang mata ko. Nakita ko syang nakatitig sakin.
"Gandang ganda ka naman sakin?" mapang asar kong sabi sa kanya. Napabalik naman sya agad sa realidad sa pang aasar ko.
"Alam mo napag tanto ko mas panget ka pala kapag malapit" mapang asar din nasabi nya habang naka ngisi.
"Ang kapal mo!!! Ikaw nga ang baho ng hininga mo eh" sigaw ko sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ko. Wait parang ang pogi nya naman sa part na yun.
"Umalis kana nga para makapag start na ako dito dahil ayokong makasama ka ng matagal" asar na sabi ko sa kanya.
Agad naman nyang ibinalik ang seryosong muka nya at umalis sa kwarto. Inumpisahan ko na ang pag lilinis buti nalang sanay na sanay ako sa pag lilinis dahil tinuruan naman ako ng mommy ko at kahit na may kaya kami hindi kami kumukuha ng katulong dahil gusto namin ng normal lang na pamumuhay.
Nang matapos kong mag linis ay nahiga ako sa kama nya dahil sa kapagudan. Grabe yung unggoy na yun talaga lang pinagulo nya yung mga gamit nya dito para lang inisin ako. Habang nakahiga nilibot ko ang mata ko hanggang sa may makita aking picture frame kung saan nandun si unggoy at may kasamang babae. Maganda naman yung babae nakaakbay naman si unggoy sa babae mukang masayang masaya sila dyan. Sino kaya yan siguro girlfriend nya.Nagulat naman ako ng biglang pumasok yung katulong.
"Ma'am pinapatawag po kayo ni sir sa baba mag meryenda daw po muna kayo" sabi ng katulong, ngitian ko naman sya at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Cat & Dog
RomanceGunniel Lex Domingo o mas kilalang Lex ay isang maganda bakla na parang isang pusa dahil sa kanyang maamong muka ay may matapang na personalidad kapag binangga. Halos lahat napag kakamalan syang babae dahil sa taglay nitong kagandahan. Kurt Samuel T...