Chapter twenty nine

11.6K 427 41
                                    

Wynna's POV

            Sabi ni Nathan bumalik ako sa kuwarto niya sa ospital pero nandito ako sa bahay niya at naglilinis.  Ayoko na doon.  Ayoko ng bumalik at baka magkita na naman kami ni Paula.  Hindi na talaga kami magkakasundo ng pinsan kong iyon.  Kahit anong gawin kong pakikisama, kahit anong gawin kong pag-intindi, hindi na talaga mawawala ang galit niya sa akin na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.

            Kasalanan ko bang sa mata ng tao mas maganda ako sa kanya?  Hindi na nga ako maganda ngayon.  Napaka-plain ko na nga kumpara sa kanya na isang modelo at marami pang umiidolo. Kasalanan ko ba kung mas may utak ako sa kanya at lagi akong laman ng top ten at dean's list noon?  Ano pa ba ang gusto niya pagdating sa academics?  Ako nga nagloko sa pag-aaral at drop out.  Hindi pa ako nakatapos samantalang siya, naka-graduate at cum laude pa.  Kasalanan ko ba kung meron akong masayang pamilya?  Meron akong masayang pamilya na itinapon ko para lang sa pansarili kong kagustuhan.  Tinalikuran ko sila para piliin ang isang lalaki na hindi naman talaga dapat bigyan ng pagmamahal. 

Ano pa ba ang ikinagagalit niya?  Nagagalit ba siya sa akin dahil ako ang gusto ni Nathan noon?  Kasalanan ko ba iyon kung magpaka-gago sa akin noon ang boyfriend niya ngayon?  Nasa kanya na nga ngayon kaya ano pa ang ikinakagalit niya?  Nasa kanya na ang lahat pero bakit parang kasalanan ko pa rin?

Hindi pa ba siya masaya na nasira ang buhay ko?  Sinira ko ang buhay ko para lang sa putanginang pag-ibig na 'yan.  Ang gusto ko lang ngayon ay magkaroon ng bagong buhay pero bakit parang pati iyon ipinagkakait ng mundong ito sa akin?

Inis kong ibinato ang hawak kong basahan at naupo sa sofa para lang umiyak ng umiyak.  Pinipilit kong magpakatatag pero gusto ko ng bumigay.  Napakalupit talaga ng mundo sa mga katulad ko.  Dapat talaga hindi na lang ako bumalik dito.  Nag-stay na lang ako doon sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin.  Doon sa rehabilation center na lahat ng mga kasama ko ay naiintindihan ang pinagdaaanan ko.

Nagawa na ni Nathan ang gusto niya.  Naipamukha na niya sa akin ang lahat ng mga kamaliang nagawa ko noon sa kanya.  Pinagsisihan ko na iyon ng sobra.  Sana nga sinaktan na lang niya ako.  Mas matatanggap ko pa ang sakit physically pero 'yung ganito?  Ibang klase ang emotional pain na nararamdaman ko.  Napakasakit talagang harapin ang katotohan na 'yung dating mahal na mahal ako, iniingatan ako at iginagalang ako ay masahol pa sa basahan ang turing sa akin ngayon.  Napakasakit tanggapin na kahit kailan hindi na babalik ang pagmamahal na iyon dahil ibinigay na niya sa ibang babae na mas karapat-dapat kesa sa akin.

Ang sakit kasi mahal ko na siya ngayon.

"Bobo ka, Wynna.  Bobo ka," umiiyak kong sabi sa sarili ko.

Bobo at tanga talaga ako pagdating sa pag-ibig.  Noon, minahal ko si Victor kahit alam kong wala akong kinabukasan sa kanya.  Ngayon, minamahal ko si Nathan na alam kong kahit kailan ay wala ng pag-ibig na puwedeng ibigay sa akin.

Wala na talagang pag-asang umayos ang buhay ko.  Sana kayanin ko pang tumagal sa panlilibak ng mga tao.

"I told you to come in my room.  What are you doing here?"

Gulat akong napaangat ng mukha at nakita ko si Nathan sa harap ko habang nakasapo sa tiyan niya at napapangiwi pa.  Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at natatarantang napatayo at agad siyang nilapitan.

"A-anong ginagawa mo dito?  Hindi ka pa magaling," natataranta ako.  Two days pa siya dapat sa ospital.

"I checked myself out.  I can't stay there." Napapangiwi siyang naupo sa sofa.  "What are you doing here?  Iniwan mo ako doon" Tonong nagtatampo siya.

"Wala naman akong gagawin doon.  Doctors can treat you, may mga nurse na puwedeng mag-assist, nandoon si Paula kung gusto mo ng comfort." Sagot ko. 

Love will come someday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon