It was only just a dream </3

11 1 2
                                    

Maputi siya.

Matangkad.

Gwapo.

Neat.

Mabango. Na kahit na pinagpapawisan ay hindi ka pa rin magsasawang tabihan siya.

Magaling magbasketball. Sa katunayan varsity nga siya sa school na aming pinapasukan.

Magaling maggitara. Kapag nga kumakanta para kang hinaharana.

Hindi naman siya kagalingan at siyempre hindi naman maituturing na walang alam, kumabaga ay sapat lang. Nasa average level lang siya.

Hindi palaaway, pero kapag alam niyang siya 'yung nasa tama kahit basagan pa ng ulo gagawin talaga, malinis lang pangalan niya.

* hindi naman talaga siya palaaway sa lagay na 'to nuh? Haha.

Eto siya. Oo siya. Siya nga talaga.

Si Vince Alcantara.

Nalovestruck ako nung una ko siyang nakita.

Siya lang naman 'yung lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Yung kumukumpleto ng araw ko.

He's really my ideal man.

Naging crush ko siya.. hanggang sa lumala.. Mahal ko na siya.

Lagi kong pinapangarap na sana ganun din siya.

Magawa lang niya 'to, ako na ang pinakamasaya dito sa mundong 'to. Ako na talaga.

Haaaay! Siya nanaman talaga ang laman ng isip ko habang nakaupo sa loob ng aming school canteen. Breaktime daw. Pero heto ako't nakatunganga, iniisip siya.. tapos biglang......

Tinatawag pala ako ni Mitch nang hindi ko namamalayan.

Si Mitch.. classmate ko, closefriend ko.

"Oh bakit?" Natanong ko lang.

"Khaye, may nagpapabigay netong sulat sa'yo ohh." Sabay abot sa'kin nung stationary paper.

"Stationary paper lang? Anung laman neto? Di pa nakaseal. Nabasa mu na 'to nuh?" Usisa ko kay Mitch.

"Sira! Hindi aa!" Sagot niya.

"Goodluck Sis! Haha. Mauna na 'ko at may klase pa'ko." Paalam niya.

Now, when I opened it.

Khaye,

     May importante lang akong sasabihin sayo.

Meet me in the Library at 9:30am tomorrow.

Please be there. Thanks!

                                                     Vince..

Totoo ba 'to, si Vince talaga ang sender? Huh? Bakit anung meron?

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung kikiligin ako kasi napansin na niya 'ko at matutupad na pangarap ko o di naman kaya matatakot dahil sa kaba kasi hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit niya 'to ginawa. Ako lang ba'y pinaglalaruan niya?

Ah basta! Bahala na. Curious na curious na 'ko talaga. can't wait for tomorrow.

Kinabukasan..

Breaktime.. Sa canteen ulit nagtungo. Tinignan kong wristwatch ko. 10:00am na pala. Saka ko lang naalala na may dapat pala 'kong puntahan! Late na ko! Kaya agad na 'kong pumunta sa Library. Ninenerbyos talaga ako. Hindi ko kasi alam ko ano ang mangyayari.

Pagpasok ko, hinanap ko siya. Pero wala. Wala talaga siya. Lalabas na sana ako nang biglang may humarang sa akin. Isang lalaking hindi ko kilala.

"Hey wait! Ikaw ba si Khaye Anne Mendez?" Tanong niya.

"Oo, bakit? Bakit mu 'ko kilala?" Kinakabahan pa 'kong nagsalita.

"Andun si Vince sa rooftop. Doon kayo magkita. Hinihintay ka na niya." Sabi lang niya.

"Teka lang!" Pigil ko sa kanya.

"Andami dami namang pasikot sikot ng mokong na un! Ano ba talaga sadya niya ha?" Bago ko pa man 'to naitanong ay nakalayo na siya.

No choice na 'ko. Kailangan ko siyang harapin. Bahala na. Kaya ko 'to. Tumungo na ko sa rooftop at doon ko siya nakita.. Naggigitara habang kumakanta at titig na titig sa akin.

"Tanging ikaw lamang

ang aking iibigin..

Walang ibang hiling

kundi ang yakap

mo't halik.."

Sa aking pagkabigla, ako'y namula. Erase. Erase. Sana hindi niya napansin! Waah! Nakakahiya!

Pagkatapos niyang kumanta, bigla ng  tumahimik.

"Bakit? Anong meron?" Basag ko sa katahimikan.

"Para saan yung sulat?

Ano yung importante na yun na dapat kong malaman?

Bakit dito?

Bakit tayong dalawa lang?

Ano ba talaga?" Tanong na ko ng tanong, ni isang sagot wala pa siyang biinibigay.

Nakatitig lang siya..

Nakakaasar na ha! Tsk!

"Anoooooo?" Pasigaw kong tanong.

Saka lang siya napilitang magsalita.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan Khaye.."  Mahina niyang wika.

"Simulan mo na.. Makikinig ako.." Nasabi ko lang.

"Khaye, hindi ko na kasi kaya.."

"Ang alin?"

"Itago 'tong nararamdaman ko para sayo. Noon pa man, crush na kita. Gusto kita. Mahal kita. Matagal ko ng hinihiling na sana mapansin mo ako." Pagtatapat niya.

"Vince.." At napatulo na ang luha ko habang pinapakinggan siya. Pinunasan niya ito.

"Pero anong problema ng gravity at hindi ka man lang mahulog sa'kin?"

Pick-up line? Hindi ko alam kung matatawa ako o ewan. Napangiti na lang ako.

"Khaye, will you be mine? Be my girlfriend! Iloveyou!" Dagdag pa niya..

"Totoo ba talaga 'to? Totoo ba yung mga narinig ko mula sayo?" Paninigurado ko.

"Kahit paulit ulit ulit ulit ulit ko pang ipagsigawan sa mundo. Isang Khaye Ann Mendez lang ang kokompleto sa buhay ko!" Sagot naman niya.

"Vince...Mahal din kita."

Napayakap siya sa'kin sa sobrang tuwa at gumanti na rin ako ng yakap sa kanya..

"Nak, Nak! Gumising ka na! Late kana sa klase mo!" Wika ni Mama habang pilit akong ginigising.

Saka ko lang napagtanto..

Umaga na pala.

Sayang naman! Panaginip lang pala!

-wakas-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It was only just a dream &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon