Why can't it be? (One shot)

215 12 9
                                    

May mga pagkakataong akala natin okay na tayo pero hindi pa rin pala.

Akala natin naka-moved on na tayo sa 'unrequited love' na pinagdaanan natin dahil na rin sa tagal ng panahon.

Na mas okay na rin yung panatilihing lihim na lang ang lahat dahil okay ka na, okay na sya at sa tingin mo yun ang dapat at nararapat. Ika nga nila, past is past.

Pero darating at darating talaga sa punto na makakaramdam ka ng urge na mag-confess pa rin sa kanya kahit na alam mong wala na. Wala na nga ba?

"Manhid ka.

Torpe sya.

So anung gagawin nyo ngayon? Forever NGANGA?"

Shoot! I was once read this saying at twitter at inaamin ko na medyo tinamaan ako.

Lagi naman ganun, sa 'twing makakabasa ako ng quotes or post na patungkol sa unrequited love or one-sided love or being in love secretly or whatever you called that na nagmamahal ng palihim ay tinatamaan talaga ako. Sa tagal nga naman ng panahon na tinatago ko ang nararamdaman ko para sa kanya at paulit-ulit na pagsasabi ng mga kaibigan ko na sabihin ko na sa kanya ang dapat kong sabihin, ewan ko na lang kung hindi pa ako magsawa. Pero sadyang mahina ang loob ko, grumaduate at nagka-trabaho na lahat-lahat pero hindi ko pa rin nasasabi. Sa tingin ko kasi yun ang tama, ayoko ng magulo ang situation namin. Tama na rin siguro 'to, hindi ba?

Yun nga lang, sadyang hindi ako tinitigilan ng 'what ifs' na to. Bakit nga naman hindi ko subukan? Sabihin sa kanya ang totoo. Wala naman na sigurong mawawal sa akin di ba? Tutal pakiramdam ko unti-unti na kong nakakawala sa nararamdaman ko para sa kanya.

At para makapag-moved on ako ng tuluyan dapat ko ngang aminin sa kanya. Tama! Hindi naman na ako aasa sa pwedeng mangyari. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam ko. Two years! Dalawang taon ko na 'tong dala-dala and I think its about time. Mahirap kasing maka-moved on kung nakakulong pa rin ako sa nararamdaman ko... nakakulong sa kanya.

*bzzzzzt* *bzzzzzt*

1 message received.

From: Chase ><

HAPPY BIRTHDAY TO YOU

HAPPY BIRTHDAY TO YOU

HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY

HAPPY BIRTHDAY TO YOU!

Happy birthday Zaela ;)

Oo nga pala, today is my birthday. Inaamin ko, sa dami na nga bumabati sa akin may isang tao pa rin akong hinihintay na bumati para lang masabi ko na "happy" nga ang birthday ko. Akala ko maghihintay na naman ako sa wala tulad nung nakaraang taon.

To: Chase ><

Kelangan talaga naka-CAPS? Anyway, thanks. :)

~~

From: Chase ><

Hindi naman. :) Panu ba yan, kailangan mo na talaga akong ilibre dahil birthday mo.

~~

To: Chase ><

Sure. Pag nagkita tayo ililibre kita. Haha

~~

From: Chase ><

Sus. Hindi ka naman magpapakita.

~~

To: Chase ><

Grabe naman, anung akala mo sa'kin tinataguan ka?

~~

From: Chase ><

Parang ganun na nga. Hindi ba?

Why can't it be? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon