Una o Huli?

40 1 0
                                    

Ano nga ba ang mas importante? Ang maging una o ang maging huli?

Tayo ay naging magkaklase. I saw you as a person who's good at Math and Filipino. You are also very active and sporty, for you play a lot of sports. You were fond of shouting at me kahit na malapit lang naman ako at naririnig ko naman ang sinasabi mo. Minsan nga feeling ko, galit ka sa akin kahit na wala naman akong ginagawang masama sa'yo. You also like to have fun with your friends. Furthermore, you can speak in Filipino fluently kaya masasabi kong magaling ka sa Filipino.

I tried to recall all of the significant encounters we had.

Speech Festival, you kept annoying me by hitting my chair. You told me to cry muna and you'll stop pero bahala ka hindi talaga ako iiyak. At hindi nga ako umiyak.

Sci Camp, we were flying paper airplanes. I was so jealous kasi 'yung mga airplanes n'yo nagtatagal sa ere tapos sa akin, hindi masyado. Kuntento naman ako do'n pero naalala ko 'yung ginawa mong pagtulong. You modified the paper airplane I made and then it also lasted in the air just like yours!

Intramurals, me and my best friend were playing badminton, but for some reason, both of us ended up playing it. Hahahaha! We were so sweaty, and we were also too lazy to pick the shuttlecock up every time it lands on the ground. 

Christmas Party, you gave me a stuff toy kaso hindi ikaw mismo 'yung nagbigay. Tsk. Pero thank you pa rin.

Robinsons, I had an appointment with the dentist tapos nagkataong doon ka nagwalwal. Ikaw 'yung nakakita sa akin pero hindi kita nakita. Ang unfair lang. May isa pa palang araw na nagkita tayo. Noong inimbita mo ako kaso wala na akong pera tapos sa araw na iyon ay namasyal kami ng mga kaibigan ko. It was an unplanned pamamasyal. I forgot my glasses that time pero I happened to know you were there because my friend saw you.

Camiguin, kinuwento mo sa akin na nakita mo ako. Nakakahiya talaga tapos inaasar mo pa ako tungkol do'n sa salbabida. Hmp. Sabi mo rin na nakita mo ako do'n sa Soda Swimming Pool at Tuasan Falls.

Ang dami pala nating encounters, 'no?

Punta naman tayo sa chat.

One night, you chatted me. Marami tayong pinag-usapan na mga bagay bagay. Muntik na kitang magustuhan noong gabing iyon.

Noong nag-chat tayo ulit, nalaman kong may gusto ka pala sa kaibigan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Buti nalang at hindi natuloy. Buti nalang at hindi kita nagustuhan. Buti nalang at muntikan lang iyon. 

I was hurt. Kasi pakiramdam ko ginamit lang ako. Na kaya mo ako kinausap kasi may gusto ka pala sa kaibigan ko at gusto mong mapalapit sa kanya. Ang torpe mo talaga. 

Mas nasaktan ako nung sinabi ng kaibigan ko na may gusto ka raw sa akin. Pwede ka namang magsinungaling sa kanya pero bakit sa lahat ng pangalang pwede mong gamitin, pangalan ko pa talaga?

Ayokong gamitin ako kaya iniwasan kita. I became so cold. I told you to stop using me as a cover up.

Nag-chat tayo ulit. Hindi ako nag-assume ng kahit na ano. I treated you as a friend kasi naiintindihan natin ang isa't isa. 

One day, na-realize kong gusto kita pero hindi ko sinabi sa'yo. 

We were chatting and texting the whole Christmas break. We were also playing Uno and Pixel gun. It was so fun. We even celebrated Christmas and New Year together! 

After Christmas break, hindi ka na nagparamdam. Because of your absence, parang unti-unti nang nawawala ang pagkagusto ko sa'yo. 

Dumating sa punto na nalilito na ako sa nararamdaman ko dahil may isang tao, na may gusto sa akin, na unti-unti ko nang nagugustuhan.

Paumanhin at dumating ang araw na tuluyan ko na nga siyang nagustuhan.

Nagustuhan namin ang isa't isa.

Isang gabi, nag-chat ka. Sinabi mong ika'y nasasaktan pero kung masaya siya, masaya ka na rin para sa kanya. Nalungkot ako. Hindi naman sa nag-aassume ako pero parang ako 'yung pinapatamaan mo. Umiyak ako kasi ayokong makasakit ng ibang tao lalo na at walang ibang ipinakita sa akin 'yung tao kundi kabutihan. Ikaw lang 'yung nakakaintindi at nakikinig sa akin kaya ayokong nasasaktan ka.

Isang araw, nawala 'yung pagkakagusto ko sa kanya.

Wala akong gusto sa iba. Talagang nawala lang 'yung pagkagusto ko sa kanya.

Time passed.

Unti-unti ay nagugustuhan na ulit kita.

Nag-chat ulit tayo.

Hanggang sa ika'y umamin. Finally, naka-graduate ka na sa torpe school! Congrats.

Alam mo? Hindi naman talaga kita iiwasan kapag umamin ka. 

Umamin din ako sa'yo.

Everything was fine.

One time, na wrong send ka.

It's fine. Okay lang talaga. Sinabi mo sa akin noon na what if ikaw 'yung taong two-timer sa crush, ayos lang iyon para sa akin, as long as, hindi ka na magpapakita sa akin.

Pero langhiya ka. Alam ko namang walang tayo pero I felt betrayed. Sabi mo gusto mo ako at alam mo rin sa sarili mo na gusto kita pero pa'no mo nagawa sa akin iyon? 

I ignored you. I was hurt and I felt betrayed. Days passed, I felt nothing else but anger. I was so mad. I was so mad at you.

One day, me and my friends were going to Robinsons kasi may plano kaming mamasyal. Habang naglalakad kami, sabi ng kaibigan ko na nando'n ka raw. Alam kong nagbibiro lang siya kaya sinabihan ko siya na alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Iginiit niyang totoo raw pero hindi ako lumingon dahil ayaw kitang makita, kung sakaling nandoon ka man. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sinabi niya, kumuha siya ng litrato mo habang ika'y nakatalikod. Ipinakita niya sa akin ang litrato pero ang nasabi ko na lang ay baka namamalikmata lang siya.

Paggising ko sa umaga, nabasa ko 'yung tweet mo. Tawagin mo akong assuming o ano pero, oo, iniiwasan kita. Ngunit anong ibig sabihin nung nasa litrato? Do you think I'm that kind of person? That kind of person who easily replaces someone? I cannot believe you. 

Isang araw, nag-usap kami ng isang kaibigan ko. Marami kaming napag-usapan hanggang sa napadpad ang aming usapan sa pagiging una at huli. 

Importante 'yung una pero mas importante raw yung huli kasi 'yun ang makakasama ng isang tao habang buhay.

Sabi ko, importante 'yung una at dapat ako 'yung nauna. Tinanong niya ako kung bakit. Hindi ko pa masyadong ma-explain kung bakit, basta importante iyon para sa akin. 

Sang-ayon naman ako na napakahalaga ng huli at hindi naman ito isang marathon subalit napakahalaga rin talaga ng una para sa akin.

Ngayon, alam ko na kung bakit.

Finally, alam ko na ang sagot sa kaniyang katanungan.

"Dapat ako 'yung nauna kasi kapag pangalawa lang ako, feeling ko, I was just a second option. Na dahil hindi siya nagustuhan pabalik nung una ay ako naman ang pinaglaruan niya."



Una o Huli?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon