Prologue

36 1 0
                                    

"Love nag-e-ML ka na naman ba?"

Hayyysss heto na naman kami paulit-ulit na lang na ganito ang eksena. Pati ba naman kapag magkasama kami yang Mobile Legends parin na iyan ang inaatupag niya! Nakakainis na -_____________- !!!

"Sorry love last na 'to promise" ang sabi niya habang tutok na tutok parin ito sa cellphone niyang malapit ko ng ihagis sa pinakamalalim na dagat at binakamabatong bundok sa buong mundo. Pero wala akong magagawa eh dun siya masaya kaya susuportahan ko na lang siya.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Okay love, sige" I fake a smile.

"You have slain an enemy"

"First blood"

"Double kill"

"Triple kill"

"You have destroyed the turret"

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tunog na nanggagaling sa direksiyon niya haayyyy ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa din siya tapos sa pag-e-ML. Gusto kong agawin ang atensiyon niya pero wala eh kahit anong pagpapapansin ko wala padin tutok na tutok padin siya sa paglalaro.

"Gutom na ako" mahina kong sabi. Saglit siyang napalingon sa akin pero pagkatapos ng saglit na paglingon bumalik din siya sa ginagawa nito. Tumayo ako ng bahagya at lumipat ako ng kinauupuan at kung ano ano na ang ginagawa ko dahil sa pagkabagot pero ilang oras pa ang lumipas wala paring siyang oras para sakin.

Sa muling pagtayo ko tinahak ko na ang pintuang kanina pang bukas na nagpapahiwatig na umalis na ako. Liningon ko siya ulit pero wala eh ganun padin na sa cellphone niya padin ang atensiyon niya. Di na ko nagpaalam sakaniya dahil baka makaistorbo lang ako.

Sana mamaya may oras ka na para sakin. Bakit ba kasi ganito? Bakit ikaw pa ang napili ko? Bakit hindi kita maiwan-iwan? At bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, sayo pa ako nainlove? And maybe that's my mistake, my mistake that I STUPIDLY INLOVE WITH A ML PLAYER.

I'M STUPIDLY IN LOVE WITH A ML PLAYERWhere stories live. Discover now