BIPJ 04

16 0 0
                                    

Coleen’s POV

Oh no!!

Mukhang hindi tama yung acting ko kanina

Yeah right. Acting lang ang lahat ng yun

Hindi ko naman akalain na seseryosohin ni Chloe lahat ng sinabi ko :3

Omo!!  What should I do? Should I follow and stop her? Pero wala akong lakas ng loob.. takot din kaya ako kay Chloe..

After ko makita yung monster side nya, natakot na ko sa kanya.. that was the first time I saw that side of her

Mag-handa ka na Coleen.. yari ka talaga kay Chloe

 

“Napaka-gaga mo talaga Coleen.. why did you do that? Parang hindi mo naman kilala si Chloe” sabi sakin ni Deth makaraang umalis si Chloe

“Ehhhhh… hindi ko naman akalaing mangyayari to”

“Dinamay mo pa si Kurt at talagang sinabi mo pa kung saan sya mahahanap.. lagot ka talaga”

Waaahh!! Tinatakot nila ko >.<

Hindi ko naman sinasadya na pangalan ni Kurt ang nasabi ko, yung kabilang table kasi pinaguusapan si Kurt.

Hindi ko kayang pigilan si Chloe dahil paniguradong walang gustong gawin yun kundi turuan ng leksyon si Kurt

Teka lang.. pano nya nakilala si Kurt?? Ang pagkakatanda ko wala pa ditto si Kurt nung umalis sila patungong Paris..

Forgive me, Kurt.. babawi na lang ako sayo

Kurt’s POV

Asar. Hindi ko man lang nalaman yung dahilan kung bakit nya nagawang suntukin yung pinsan ko..

Yung sinabi ng pinsan ko sa conference, malakas ang kutob ko na hindi lang yun ang dahilan o hindi talaga yun yung dahilan? Sigurado akong may malalim na dahilan kung bakit nya nagawa yun..

Kakaiba sya.. Hindi man lang natinag sa gwapo kong to.. kung ibang babae lang siguro yun, malamang nalaman ko na kaagad yung sagot..

Bumalik tuloy ako sa gym nang nakasimangot.. hindi kami pumasok sa klase.. wala pa namang gagawin kundi puros ‘introduce yourself’

Tumabi ako sa mga kaibigan ko na nakaupo ngayon sa bleacher.. compare to me, matitino ang mga to, hindi mahilig sa chicks

“What’s with the face, dude?” Troy

“Mission failed.. hindi nya sinabi yung dahilan” sabi ko habang ang mata ay nasa ibang players

Being inlove with a Playboy JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon