Chapter two

1 0 0
                                    

Franchezka's Point of view

Pagkagising ko tinignan ko agad yung phone ko pero kahit isa wala man lang siyang text sakin. Ano bang nangyayari sa kanya? Kahit na ganon, ako nalang yung nagtext sa kanya.

"Goodmorning babe! :)" text ko. Pero nakaligo na ko lahat lahat at nakakain na pero wala pa rin siyang reply.

Hindi ko nalang din pinansin katulad ng kahapon. Baka may ginagawa lang. Tama yan chez, think positive ka lang.  Pumasok nalang ako baka malate pa ko pero sadyang lutang ako at medyo maaga pa pala pagdating ko sa school.

Kaya ang ginawa, tumambay na muna ako sa mga benches sa field. Kapag ganitong bored ako, kumakanta ako kaya naisipan kong kumanta nalang.

Alipin ako, na umiibig sayo

Bakit di magawa na magtampo

Paano na ito?

Di ko kayang gawin

Ikaw ay aking limutin

Kahit sinasadya

O bakit ba sadyang ikaw pa rin--

"Nice, voice." Napapitlag ako sa gulat ng lalaking tumabi sakin.

"Ay bakla ka!" Napahawak ako sa dibdibko sa gulat. "Bakit ka nangugulat? Tsaka sino ka?" Mataray na tanong ko sa kanya. Hindi naman sa suplado ako ah pero sabi kasi ni daddy 'don't talk to strangers' daw.

"Nagulat ba kita?" Nakangiting tanong niya. Hindi ba obvious? Nagtanong pa talaga.

"Ayy, hindi! Hindi mo ko nagulat, inaasahan nga kita eh." Sarkastiko kong sabi. Tumawa naman siya pero mahina lang. But enough for me to hear.

"Hindi naman pala eh. Ba't sabi mo 'bakit ako nangugulat?" Sarkastiko din niyang tugon sakin. Aba't sumasagot pa to.

"Che!" Mataray na sabi ko pa rin sa kanya.

"Nathan Mendoza nga pala. Ikaw? What's your name?" Tanong niya habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.

"Name your face!" Sigaw ko sa kanya.

"Sungit mo naman, parang nagpapakilala lang eh." Malungkot na sabi niya. Abnormal ba siya? Muka naman siyang mabait kaya okay na rin siguro.

"Ok, fine! Franchezka." Sabi ko at tinanggap ang kanina pang nakalahad na kamay niya.

"It's nice to meet you, Franchezka Jin Buenavista." Nakangiti niyang sabi. Teka, how and why did he know my fullname. I didn't tell him that.

"How did you know my full--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay umalis na ka agad siya. "Hey! I'm still talking to you!" Sigaw ko pero kumaway nalang siya habang nakatalikod. Tss, abnormal talaga.

"Sino nililingon mo diyan?"

"Ay kalabaw!" Napahawak na naman ako dibdib ko sa gulat. "Aiisshh! Bakit ba kayo nangugulat?!" Sigaw ko sa taong nasa likod ko.

"Ha? Kayo? E ako lang naman nandito." Pagtingin ko kung sino yun, si bryle lang pala.

"Bryle, ikaw pala." Nakangiti kong sabi sa kanya at umusog para makaupo siua sa tabi ko.

"Oo at sino ying tinatanaw mo kanina dun?" Turo niya sa direction kung saan ako nakatingin kanina.

"May abnormal lang kadi na bigla bigla sumusulpot." Sabi ko.

"Ha? Sino?" Nakangusong sabi niya.

"Wala," pagsisinungaling ko. Sigurado kasing hahaba pa tong conversation na to pag sinabi ko e. 7:20 na pala. "Bryle, alis na kom may klase pa ko e." Paalam ko sa kanya. Timango naman at kumaway nalang sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving Can HurtWhere stories live. Discover now