Canopy Of Lies

1.1K 29 2
                                    

I dreamed of a happy and a whole family. Who wouldn’t? Right?

Nang bigyan ako ng pagkakataon ng tadhana na makuha iyon ay sinunggaban ko na kaagad.

Masaya at buong pamilya lang naman ang gusto ko, eh. Pero bakit gulo ang napasok ko?

“Ikaw na ngayon si Eliza Salonga. Naiintindihan mo ba ako?”

Tumango ako. Natatakot ako. Masayang pamilya ang gusto ko, hindi gulo.

“Ikaw lang ang nag-iisang Eliza Salonga. Ikaw lang.”

Tumango ulit ako.

“Ako lang, ako lang.” Bulong ko at umalis sa salaming kaharap ko.

Naguguluhan kayo?

Oo, selfish ako kasi inagaw ko ang katauhan ni Eliza. Ano naman ngayon? As long as they don’t know a thing about my little secret, ligtas ako at ang pinangarap kong pamilya.

Akin na si Eliza, akin lang si Eliza.

Ang tanong, asan na nga ba ang totoong  Eliza Salonga?

At sino nga ba ang tunay na ako?

Disclaimer

Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakathala rito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.


Date Finished:---


Canopy Of Lies (LeAga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon