"Sabihin mo lang kung ano yung gusto mong ipabili" tanong ni mama kay Ate Christina.
"Ma? Yung bagong labas na damit po" ngumiti si mama.
Dahil doon, lalong lumayo ang loob ko kay Ate.
-
Naglalakad ako nang mapatigil ako dahil nakita ko si Brent, boyfriend ko at si Ate.
May sila ba? Sabi ni Brent, may pupuntahan sila, hindi ko naman alam na sa date pala.
Hindi ako eskandalosa kaya umuwi na lang ako saka nagkulong sa kwarto at doon umiyak nang umiyak.
Nagising ako sa tatlong sunod na katok, nasundan pa ng pagtawag. Boses ni Ate.
Hindi ako umimik, ramdam ko na pumasok siya.
"Christine, kakain na daw" hindi ako umimik.
"Christine alam kong gising ka, kain ka na daw"
Hindi pa din ako umimik, mabilis ko siyang naitulak nang maramdaman kong hinawakan niya ako.
Nang mapatingin ako dito, ramdam ko ang pagkagulat niya.
"IKAW YUNG PANGGULO SA ATIN ,NINANAKAW MO NA NGA ANG ATENSIYON SAKIN NILA MAMA, PATI BA NAMAN SA BOYFRIEND KO? BAKIT IKAW PA ANG NAGING KAPATID KO? "sigaw ko dito, umiyak naman siya, gusto niya akong hawakan pero tinutulak ko lang siya.----
Matapos ang tagpong 'yon, hindi ko na siya pinansin, nakipaghiwalay na ako kay Brent. Humiling din ako na sana wag ipaalam kila mama na wala na kami. Sobrang boto kasi nila mama kay Brent.
"Aalis lang kami ni Ate Christina mo"
"Lagi naman" singhal ko dito.
Yumuko lang si Ate.
Payat na si Ate, pero halata pa din kung gaano siya pumayat ngayon.
---
Hindi ko na nakikita si Ate, tatlong araw na.
Gumagawa ako ng thesis nang umiiyak na pumasok si mama sa kwarto, pupunta daw kaming hospital ngayon.
"Hinihintay ka na ng ate mo" nagulat ako sa sinabi ni mama. Sa hospital? Bakit doon?
--
Pagkapasok ko sa kwarto, sumalubong sakit ang sobrang payat na si Ate, halos hindi ko na siya makilala. Tatlong araw ko pa lang siyang hindi nakikita.
Anong nangyayari? Nginitian ako ni Ate. Sila mama, nasa labas, nakikipag-usap sa doctor.
"P-pwede k-ko ba mahawakan ang kamay n-ng bunso ko? " nanghihinang pakiusap niya, naghawak kamay kami.
Doon ako umiyak.
"Pinanganak t-tayong magkadikit, conjoint twins. S-sabi ni mama, kinausap niya daw ang doctor kung pwede daw tayong pag... paghiwalayin, sagot ng d-doctor? P-pwede naman daw... p-pero isa sa atin ang magiging mahina... at ako yun, p-pumayag si mama kasi..gusto niya din na lumaki tayong normal.. "
Nanatili akong umiiyak.
"Sa tuwing umaalis kami, h-hindi kami pumupunta sa mall. Dito kami pumupunta. Alam ni mama na g-gusto ko si Brent pero h-hindi ko siya balak agawin sayo, y-yung nakita mong magkasama kami? S-si mama ang nakiusap kay Brent, pero buong araw na 'yon , ikaw ang pinag-uusapan namin.. C-christine.. Wala lang sa akin ang atensiyon nila mama, g-ganon ang turing sakin kasi.. Kasi Christine may taning na ang buhay ko"
Hinalikan ko ang likod ng palad niya.
"A-ate s-sorryyy" paghingi ko ng tawad dito. Pero bakit? Lahat ng 'yon may dahilan?
Ngumiti ito saka hinimas ang buhok ko.
"K-kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sayo. I-ito yung pinakamasayang araw ko d-dahil tinawag mo akong Ate" sabi nito saka lumuwag ang pagkakapit niya sa kamay ko.