12:51

7 1 0
                                    


                         Kiera is my girlfriend for 3 years. She's my ideal girl for me.

Sa tagal ng pagsasama namin, akala ko siya na pero lahat ng iyon ay akala ko lang pala.

"E babe kasi dali na, birthday iyon ng pinsan ko. Isa pa, ngayon lang ulit kami magkikita" kahapon pa ako kinukulit ng girlfriend ko na sumama sa kaniya sa Batangas. Kahapon pa din ako tumatanggi pero mapilit siya.

Kilalang kilala ko na siya, hindi talaga siya titigil hangga't hindi nakukuha o nasusunod ang gusto niya. 

"Sige na nga"pagpayag ko sa kaniya, mabilis naman niya akong niyakap.

 --

Kakadating lang namin sa Batangas. Siyempre nahihiya ako. May paminsan minsang kumakausap sakin.

Tanong-sagot lang ako.

"Babe! Okay ka lang ba? " ngumiti ako sa kakadating palang na si Kiera.

Tumango naman ako saka ngumiti. Ganoon na lang ang gulat ko nang hilain niya ako patayo.

"Ipapakilala ko sayo yung may birthday" kumunot ang noo ko.

"Bakit kailangan pa? " takang tanong ko dito.

"Gusto ko ilegal kita sa lahat, babe I ilove you! "

Napangiti ako sa sinabi niya, siya na yung babaeng nakikita ko as my wife.

"Babe? Si Liza, first cousin ko. Liza, si Michael, boyfriend ko" saglit kaming nagkamay.

Naging close friend kami ni Liza, kaya madalas na kaming nag-uusap.

"Dito ka na mag-sstay sa pinsan mo next week? " tanong ko kay Liza na nasa kabilang linya.

"Oo"

"So? Madalas na tayong magkikita? "Narinig ko ang pagtawa niya.

Hindi ako manloloko pero nagagawa kong magsinungaling kay Kiera, makausap lang si Liza. Lahat ng hindi ko nagagawa noon , ginagawa ko ngayon.

Masaya akong kausap si Liza. Kaya ko ng tiisin si Kiera, kaya ko na siyang hindi kausapin. Araw-araw, lagi kaming nag-aaway.

Ilang linggo pa ang nakalipas, kila Kiera na nga nakatira si Liza kaya mas dumalas ang pagbisita ko sa bahay nila Kiera.

 ---

B-bakit parang nag-iba ka? " nagulat ako sa biglang tanong ni Kiera.

Hindi ko alam na mahahalata niya ako o masyado na ba talaga akong halata?

"Pagod lang siguro ako babe"

"Araw-araw? Babe? Kilala kita, tatlong taon na tayo. Alam ko na lahat pati ang maliliit na detalye tungkol sayo, wala kang problema. Bakit nag-iba ka? "

"Babe! Eto pa din naman ako"

"Kung hindi mo sasagutin nang maayos, hindi lang ako ang niloloko mo. Ako pa din ba? "Nabigla ako sa biglang tanong niya.

"Ano bang tanong iyan? Haha"

"Oo at hindi lang, Michael! "

"Sorry, h-hindi ko alam"

"Anong hindi mo alam? Attracted ka kanino? "

"Attracted ako?haha "

"F*ck you Michael! Sino ?"

12:51Where stories live. Discover now