WHO-men Drivers

8 0 0
                                    

One time, hindi kami makaalis sa parking lot ng SM kasi hindi makalabas sa space niya iyong isang woman driver na may dalang van. 


Bumaba ng kotse ang kapatid ko para i-assist siya... hanggang sa medyo nagtagal na kami. haha. Kasi hindi talaga mamaniobra nung babae iyong sasakyan palabas. 


Then narinig ko sabi nung babae, "Puwedeng paki na lang?" Then ibinigay niya iyong susi ng van nila sa kapatid ko.


Finally, nakaalis sila nang maluwalhati.


Anyway, naalala ko iyong pinsan kong babae... siguro may lima akong pinsang babae out of 50 (male and female cousins) na marunong mag-drive. Itong si Ami, kung kelan siya nakauwi sa bahay, saka isinabit iyong kotse sa garahe. Ayun, gasgas.


Tas tawa ako nang tawa sa kwento niya na minsan daw, isinabay niya iyong mga classmates niya papunta sa training center. Tas tumirik iyong kotse. Tas nagtulak tuloy iyong mga sumabay sa kanya. 


Natatandaan ko nung nag-aaral pa lang mag-drive si Ate Gela. Ayaw na ayaw niyang nagpa-park ng sasakyan, lalo na sa garahe nila. Parang hirap na hirap siya.


Si Robina naman, gustong mag-aral sa London. Gagawin niya raw side job ang pagta-taxi doon sa ibang bansa pag hindi siya naging successful. May Tita kasi kaming taxi driver daw sa US. Idol namin siya. Hehe. Mahusay mag-drive si Robina, as far as I know. Sa papel lang kasi ang alam ko, walang apli. Kahit bumper car, di ako uusad. 


Nagkaroon ako ng mga estudyanteng Fil-Am na takot mag-drive dito sa Pinas. Hindi naman siguro takot, nag-iingat lang. Pasaway nga rin kasi iyong ibang motorista. Sabi naman ng pinsan kong si Lio na matagal nang lumipat sa America, pag daw marunong kang mag-drive dito sa Pilipinas, kahit saan sa mundo kakayanin mong mag-drive. Magandang training ground daw ang mga kalye ng Maynila. 


May naging schoolmate naman ako nung college na ang husay talaga mag-drive. Babae siya, si Abi. Hindi ko nga alam na marunong siya, narinig ko lang na inutusan siya ng tatay niya na i-park iyong pampasada nilang jeep. Astig. Parang wala talaga sa hitsura niya kaya niyang magdala ng jeep.


Siguro ang ayaw ko lang sa mga nagmamaneho ay iyong mga nagda-drive nang lasing. Hindi lang basta nakainom, lasing talaga. Or sabog siguro--lalo na kung bus, jeep taxi pa ang minamaneho.  Statistically, ilan kayang percent ng DUI accidents sa Pinas eh lalaki ang driver? 


Moral: Not all women drivers are bad drivers. Huwag sexist. 



BROTHERS, INC.Where stories live. Discover now