"BUNTIS AKO"
©Mhel"Ann samahan mo ko sa theatre" umikot ng mga 360° yung mata ko ng marinig ko ang salitang theatre
"Ayoko ko kuya, boriiiiinnnggg" ungot ko saka gumulong sa sahig
"Uyy cloud wazzup?" agad akong napatayo at lumingalinga
"Kuya naman ehh!"
"Joke lang. Sama kana kasi, sasama si Cloud"
Nanlaki ang mata ko saka tumakbo patungong kwarto ko habang sumisigaw
"SASAMA AKO! BAT DIMO KASI SINABI NA SASAMA YUNG ASAWA KO!"
isang oras ang inilaan ko para makapag ayos! Aba dapat kailangan maganda ako sa harap ng asawa ko
"Ann sa theatre tayo pupunta at hindi sa club" ungot ni kuya saka pinasadahan ako ng tingin
"Baket? Ano ba masama sa sout ko? Tank top and shortshorts? Duh kuya" maarte kong sabi saka nauna ng lumabas ng bahay
_______
"Hello A-asawa ko he-he" bati ko sa gwapong gwapo na si cloud, ang asawa ko
"Tsk." Umirap pa
Ngumuso ako saka kumapit sa braso niya, agad namang namula ang tenga niya"Palagi mo nalang akong sinusungitan asawa ko hmp!" Maktol ko. Di siya nagsalita pero nakita ko siyang umirap. Tusukin ko mata nito ehh! Joke lang mahal ko to
Nasa loob na kami ng theatre room and i must say......ang boringggggg!
Then suddenly cloud's phone rang
"I just take this call" pagpapaalam niya kay kuya
Ngumuso na naman ako"Sakin ba asawa ko dika magpapaalam?" Tinitigan niya lang ako saka tumalikod na.
HMP. SUNGIT!
Napahagikhik ako ng may kalokohang pumasok sa isip ko. Sinundan ko si Cloud na lumabas sa theatre room."Yeah..yes..dadating ako ...yup.." narinig kong sagot niya
Nagsimula akong umiyak yung malakas na malakas na iyak
"Cloud! B-bat a-ayaw mo kong panagutan? BUNTIS AKO!" sigaw ko at nilapit ang bibig ko sa telepono niya
"Ano bang pakana yan?" Lumaki pa ang mata ni cloud at tinakpan ang speaker ng phone
"Papa ko to ann! Fuck" nanlaki ang mata ko
Binalik niya ang cellphone sa tenga niya at rinig na rinig ko ang boses ng ....papa niya. Wuttt?"WHO IS THAT CLOUD? HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU NA WALA KANG KATARANTADUHANG GAGAWIN!" mas lalo pang nanlaki ang mata ko
Bumaling si cloud sa akin
"Uuwi ako pakisabi sa kuya mo" seryoso niyang sabi saka naglakad palabas
Kagat kagat ko ang kuko ko habang nanginginig .
"What have you done ann?" I said it to myself
"Asan na si cloud? Tapos na ang theatre" Nagulat ako kay kuya
"A-ahh hehe umalis" sabi ko at tumakbo patungong sasakyan
Minutes had passed tumunog yung cp ko, si cloud tumatawag
"Ah-h hello?"
"Ann, your move gives me a heart attack!... Ang sabi ni papa panugutan daw kita" nanlaki ang mata ko
"Pano yan Cloud? Ehh---"
"Sinabi mo kasing buntis ka. Tsk. Kailangan may bata dyan sa tiyan mo"
Mas malaki pa sa malaki ang mata ko
"Wut? Di naman kasi totoo yun wahhh----"
"Tsk. Di mo lang alam kung paano mong pinadali ang pag angkin ko sayo"
"Cloud---"
"Ready yung lingerie baby, im gonna rock you in bed"
"Clo---"
"Akin kana ann. Tandaan mo yan"