Maling Pag-ibig

46 1 0
                                    

Maling Pag-ibig

Kailan ba matatapos ang pagtangis?

Ng puso kong pag-ibig mo lang ang nais

Hanggang kailan ba ako magtitiis?

Para sa pagsinta mong walang kaparis.

Kailan mu matututunang mahalin?

Ang tulad kong sa pag-ibig mo'y alipin

Lahat ng paraan ay aking gagawin

Upang pag-ibig ko sayo'y kilalanin.

Ikaw lamang ang tangi kong hinihiling

Na sana'y palaging nasa aking piling

Sa pagtulog ko at sa aking paggising

Laging mamalas ang 'yong mukhang maningning.

Tila ba lahat ng ito'y kabaliwan?

Sapagkat ako lamang ay masasaktan

Dahil turing mo lamang ay hanggang kaibigan

Na kailanma'y hindi madudugtungan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon