1

5 1 0
                                    

-Uno

"Basta itetext mo ako, ha? Sumulat ka." Umarte si Carlo at nagkunwaring umiiyak. Nakahawak siya magkabilang balikat ko habang niyuyugyog ako habang patuloy na umaarte. "Huwag mo akong ipagpapalit sa ibang lalake duon!"

"Para kang gago, you know?" Sabay hampas sa kaniya ni Christine, o Tine kung tawagin namin. Humarap naman sa akin si Tine saka ibinigay iyong isa kong bag na siya ang nag-ayos ng laman. Kinuha ko naman iyon saka ngumiti. "Basta huwag ka lang magpapalit ng sim. Hoy, Uno, ha? Huwag mong maisip isip na putulin iyong communication natin kung hindi lagot ka sa akin. Susugurin ka talaga namin duon!"

"Oo na." Hinawakan ko naman na iyong maleta ko saka sila nginitian. "O, paano? Alis na ako?" Tanong ko habang nakangiti.

Inilibot ko muna iyong mata ko sa unit ko. Ilang beses ko na ba siyang dinala dito? Hindi ko na alam. Siguro nga martyr akong matatawag dahil iniisip ko pa rin iyong babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko na siguro maiiwasan iyon.

She's someone that made a huge impact in my life, my heart, and also my mind.

Lumabas na kami ng unit ko saka nila ako inihatid sa kotse ko sa parking lot ng building. Ilang paalala lang iyong sinabi nila habang panay ang kunwaring pag-iyak ni Carlo - na hindi naman talaga naiyak dahil nanchachansing lang kay Tine dahil niyayakap niya si Tine. Si Tine naman, akala siguro ay malungkot talaga si Carlo dahil aalis na ako, ayun, pinabayaan.

Hindi na siya nasanay sa gagong iyon. Para-paraan rin itong gagong ito, makachansing lang, e.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil may pupuntahan pa akong lugar bago ako lumuwas papuntang Manila. Duon ko na kasi napagpasyahang mag-aral. Alam niyo na... para makalimot.

Pinark ko iyong kotse ko sa parking lot ng school - ang eskwelahan kung saan ko siya nakilala. Kung saan... umibig ako sa ikalawang pagkakataon.

Since bakasyon ngayon, walang pasok ang mga estudyante. Kilala naman ako ng guard kaya pinapasok na ako. Siya rin iyong saksi sa paghihintay ko parati sa kaniya tuwing uwian na nila.

Pagtapak ko pa lang sa loob, biglang nagsisulputan sa isip ko iyong mga nangyari sa akin sa school na ito.

Masasaya at masasakit na alaala.

Kung ano pa kasi ang masayang bagay na inaalala mo, iyon pa iyong masakit. Kasi... Wala, e. Wala nang paraan para mangyari ulit iyong masasayang pangyayaring iyon.

Nang madaanan ko iyong bleachers, naupo ako duon.

Dito. Dito sa bleachers na ito. Dito ko siya nakitang umiiyak dahil sa lalakeng iyon. Umuulan pa nga nuon at basang basa na siya kaya pinayungan ko siya. Iyon iyong unang araw na dinala ko siya sa condo ko.

Tandang tanda ko pa kung saan iyong eksaktong pwesto niya dati rito kaya naman hinawakan ko iyong inupuan niyang iyon. Nagbabakasakaling... baka kahit papaano... maramdaman ko iyong presensiya niya. Kahit presensiya niya lang, solve na ako.

Ganuon yata talaga? Kahit na ang sakit, sakit na ng nararamdaman mo dahil sa mga iniisip mo, hindi mo kaagad agad iyon maiaalis iyon sa siste mo - lalo pa at kasama duon iyong taong mahal mo.

Tumayo naman ako at inayos iyong sarili ko. Napagpasyahan ko kasing maglakad lakad at libutin iyong buong school. Iyon naman rin kasi talaga iyong dahilan kung bakit ako nandito, e. Well... actually, the main reason is to reminisce. Iyon kasi ang gusto kong gawin bago ko simulang kalimutan ang lahat-lahat.

Nang mapadaan ako sa isang room, napagpasayahan kong pumasok duon. Tumayo ako sa harap, sa blackboard, saka tinignan iyong kabuuan ng room. Mukhang nalinis nila bago dumating ang weekends, ha? Wala kasi akong makitang kalat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kimi Wa Hitori Janai (KuyaTats)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon