Sci-Cal

8 0 0
                                    

Unang araw ng pagiging sophomore student sa high school. Wala pa akong masyadong kilala, kasi bago lang ako sa section namin. Nag-aadjust ako sa bawat araw na lumilipas. Hanggang sa unti-unti 'kong nakikilala ang mga kaklase ko. Kanya-kanyang daldalan tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Usap dito, usap dyan. Ang ingay!

Bawat araw, bagong yugto ng buhay. Bagong topic at lesson. Puro groupings at activity ang pinapagawa ng mga teachers para makilala namin ang bawat isa klase.

Dumating ang araw ng 1st prelim exam. Nasa Pilot B section ako. May extra subject kami na Statistics katulad nang sa Pilot A. Kaya sabay ang araw ng exam. Ang mga estudyante ng Pilot A na walang Scientific Calculator, pinahihintulutang lumabas ng silid para manghiram sa amin. . . . pero ako lang yung hindi nagpahiram dahil baka masira o mawala.

Nang natapos nang manghiram ang lahat ng Sci-Cal, may isang lalaking dumating. Late na siya. Pag pasok niya sa kwarto nila, nagpaalam siya sa kanilang Guro para manghiram din ng Sci-Cal . Nang nagpunta siya sa room namin ......

Teacher: Class, pahiram daw Sci-Cal.

Walang kahit isang estudyante ang tumayo at nagpahiram sa kanya. Ako naman, nagdadalawang isip ipahiram yung akin dahil parang ako nalang ang hindi nagpapahiram.

Nagtanong ulit teacher namin...

Teacher: Class ano? Wala ba talaga?

Di ko na kinaya kaya tumayo ako at pinahiram sa kanya ang Sci-Cal ko.

Pagka abot ko sa kanya sabi nya

Salamat! Balik ko nalang sayo mamaya.

Sabay takbo sa room nila para mag Exam. Di ko maintindihan, pero parang tinamaan ako sa kanya.
-

Ako nga pala si Nichole Delos Reyes. Simple lang. Hindi ako masyadong palakaibigan. Tahimik lang ako, at sobrang mahiyain.

Yung lalaki naman na nanghiram ng Sci-Cal ko, si Kyle Dela Cruz. Siya yung tipo ng lalaki na di ko alam kung bat ko hinangaan. Samantalang nagsimula lang naman lahat yun sa paghiram niya ng Sci-Cal.
-----------

Nag ring ang Bell ........
Lumabas ako para pumunta sa CR. Paglabas ko nakita ko na lumilipat ng room ang mga Pilot A students. So hinanap ko si Kyle para kunin ang hiniram niya sa akin.

Nasaan na kaya si Kyle.

Nakita ko siya nung malapit na ko sa room namin.

Kyle ! Yung Sci-Cal ko?...

Ay. Sayo ba 'to? eto oh. Salamat ah.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit nakalimutan niya agad na ako ang nagpahiram sa kanya ng Calculator. Pero siguro hindi niya lang ako kilala kaya ganun. Okay lang yun.... ☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan, Ka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon