Chapter 1: And the story begins...

42 2 0
                                    

Lhianne's POV 

"Lhianne, halika na. Nandun na sila lahat! " sigaw nya habang kumakatok.

"Sige susunod nako!" nawawala kasi 'yung diary ko eh. Asan na ba kasi 'yun? Ah, andito ka lang pala, kanina pa kitang hinahanap eh.

"Ahm, Lia dito ka lang ah, papasok muna si Mommy sa school." sabi ko sa aso ko. Bumaba na ako para magpaalam kay Mama.

"Ma, alis na po ako.." paalam ko.

"Sige anak ,wag kang magpapagabi ah." bilin ni Mama..

Lumabas nako para puntahan ang barkada ko...

"I'm here! Good morning sa inyo!" bati ko sa kanila..

"Ang tagal-tagal mo naman, mga 100 years na kaming naghihintay dito."reklamo ni Kyle.

"Ang aga-aga nambibwisit kana" nakakabwisit talaga tong lalaki na to...

"Lhianne, hindi ako nambibwisit. Totoo namang ang tagal-tagal mo eh.." at nagpaliwanag pa ang loko...

"Parang ganon na din yun!" sigaw ko ..

"Tumigil na nga kayo, ang aga-aga ang iingay nyo... Sumakay na lang kayo at baka ma-late tayo.." buti nalang nandito sila kung hindi, kanina ko pa sinabunutan tong lalaking 'to..

Pinaandar na ni Nikko ang van...

Ay nakalimutan ko palang magpapakilala sa inyo...Ako pala si Lhianne Nicole Mendez, 17 years old 4th year highscool ... Nag-aaral sa Albert Einstein High School .. Simple lang, may itsura naman, matalino.  NBSB .May kaya din naman ang family namin... Mabait ako sa mga taong nirerespeto ako...Ako yung taong hindi nagpapatalo sa kung sinu-sino.. I'm not mean, but I want to protect myself.

At napakaswerte ko na may merong mga tao na nagmamahal at umiintindi sakin.. Ang aking barkada...

Cheska Lopez. Maganda, mayaman, at super bait. Siya yung parang leader ng grupo, at the same time, ang aming tagapayo...

Ian Van Alvarez. Gwapo, mayaman, at super gentleman. "The Man of Every Girls Dream" ang turing sa kanya ng mga babaeng may mga gusto sa kanya.

Yvonne Mendoza. "The Kikay of the Barkada" Maganda, mayaman, at mabait. Siya yung pinaka-hyper sa aming lahat. Nagpapa-goodvibes sa amin palagi.

Nikko Reyes. Gwapo, mayaman, at mabait. Ang Kuya ng barkada. Boyfriend ni Cheska.

And Ivan Kyle Alvarez. Gwapo, mayaman at sikat sa buong school. Pero hindi enough na gwapo at sikat sya dahil sa ugali nya. Pinanganak siguro sya para laging guluhin yung buhay ko. Ibang-iba sya sa kapatid nyang si Ian. 

"Baka matunaw yan. Sama ng tingin mo kay Kyle ahh.." biglang sabi ni Yvonne na ikinagulat ko.

"Ahh hindi, si Cheska 'yung tinitignan ko." pagsisinungaling ko.

"Oh andito na tayo.." life saver talaga tong si Nikko. Buti nalang...

Pagbaba namin sa kotse, may nagtilian na mga girls. 

"Uy ang gwapo ni Ian!! Nakakakilig!!." Girl 1

"Mas gwapo si Papa Kyle..." Girl 2

"Mas gwapo si Nikko..." Girl 3

Sino ba naman ang hindi mapapatili kung nakita mo ang tatlo sa pinakagwapo 'daw' dito sa whole school. 

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon