a/n: alam kong familiar kayo sa Tiyanak. Sa mga hindi pa alam, at sa nag-uulyanin :) ang tiyanak ay isang sanggol mula sa kinapupunan. Mula sa kinapupunan na ipinagkait ng ina ang munting buhay. Yon lang ang impormasyon na nalalaman ko at most of you naman eh hindi naniniwala sa tiyanak katulad ko. Gusto ko ishare ang experience ng katatakutan at sa nalalapit na All souls day.
Habang tinatype ko to feeling ko manginginig ako at takot na ikwento senyo. Haha ;) May kasama din itong pagkacomedy.
K. Vrooooooom. Kreeek!!
Dalawang kwarto. Ang harap na kwarto doon sa parents ko at mga kapatid ko sila natutulog. Dahil isang nurse student ang sis ko, sya sa kabilang likod ng kwarto para hindi disturbing syempre kasama ko si sis kapag matutulog na kami. Hindi village ang lugar namin, hindi din tagong lugar at wala rin sa probinsya.
10 pm. Nagaaral pa yan si sis. kaming dalawa sa likod ng kwarto. Lamp shade lang ang gamit namin noon. May ilaw kami pero trip ni sis gamitin ang lampshade. Habang ako ng mga oras na yun eh walang ginagawa at maya maya naisipang ayusin na ang higaan dahil inaantok na ako. Inayos ko na din ang Musketero,dahil malamok at eletric fan ang gamit namin. Nagaayos ako ng musketero nong mga oras na yon ng masagi ang plug ng lampshade dahilan para mamatay ang ilaw. Napansin ng peripheral vision ko ang bintana namin at parang mabilis na kidlat sa isip ko
na nagautomatikong tatayo ang balahibo ko sa katawan. May anino akong napansin non sa bintana namin. Isang dipa ang lapad ng bintanang hugis rectangle.
"Ate, patayin mo uli yung ilaw"
kalmado pero may halong takot na hindi ko alam kung bakit pa ko na curios at inutusang hugutin ang lampshade dahil ibinalik ni sis yung plug ng lampshade.
"huh?" nagtaka din si sis sakin at bago nya pa hugutin ang plug ng ilaw, nakiramdam din sya sakin kung bakit ko pinapapatay ang lampshade. Nilingon nya sa bintana kung saan doon ako nakatingin at gulat akong nakita ang nasa bintana. Eksakto pa talagang paglingon nya eh parang sinapian lang ang kamay niya na hinugot ang plug ng lampshade. At ang liwanag nalang na nanggagaling sa labas ng bintana na katabing bahay namin nong oras na yon. Si Sis? ayun ! talon sa higaan. Halos palitan nya na ako sa pwesto ko. Dahil pader na ang katabi ko siksik padin kami basta ang tanging reaksyon lang namin eh natatakot at di alam ang gagawin. Ano nga ba ang nasa bintana.
"Tiyanak teh" sambit ko na nanginginig
Panay ang mura at takutan namin. Natatakot na nga kami, tumatawa pa kasi naman sinong hindi matatakot sa animong bata na nakacrus sign ang figure ng katawan at eksakto pa sa bintana namin. Basta Tiyanak na ang describe namin sa nakikita namin ng gabing iyon. Natatawa pa kami dahil kung sino pa ang siyang matanda sya pa ang takot. Nahihiya na ang pader sa amin sa kakasiksik basta wag lang sa unahan. Kung sabagay, lagi namang nagtatago sa likod ng kasama kapag may kinatatakutan ka parang sa mga horror movies .Ang mga takot eh nagtatago sa likod at ang kasama ang pinatitiuna.
Ang lagay namin ni sis muntanga dahil halos patungan na ako at ipauna sa harapan niya at siya ang malagay sa likod ko pero hindi ako halos gumagalaw non. Nakahiga kami non at tanging maririnig animong naghahabulang kabayo sa dibdib at sumisigaw ang ngala-ngala namin pero tahimik dahil sa takot at kaba.
Maliwanag sa labas. Ilang minuto ang lumipas. Pinagmamasdan parin namin ang Tiyanak sa bintana. Di padin talaga nawawala. Aantayin nalang ba naming atakehin kami ng antok para di na kami matakot? impossible. Nagisip kami ni sis. Pupunta kami sa kabilang kwarto. Sana gising pa sila. At ngayon dahan dahan kami ni sis lumayo sa higaan. Nasa likod nya ko at nakayuko kami parehas. Naguunahan hanggang sa pinto ng kwarto nila mama at papa. Nagmamadaling katok kami sa pintuan at sa wakas binuksan din ang pintuan. Lumuwag ang pakiramdam namin ng pagbuksan kami ng pintuan saka dali daling sinabi kay papa ang nangyayari. Gising pa pala silang lahat. Panay ang masid ko din sa bintana nila at napapraning na ata ako kasi may napapansing may dumaan sa labas,sa may bintana.
"oh.bat andito kayo?" takang tanong samin ni papa at ang reaksyon nila eh medyo takot.
Si papa nagmatapang dala ang flaslight at batuta. Sinundan lang namin ng tingin si Papa hangang sa buksan ang pintuan at
"may nagiinuman lang sa kapit bahay,wala man oh" wala na nga. nawala na ang Tiyanak. Loko talaga. bakit kaya nawala pero mas magandang tuluyan na yon mawala dahil sa susunod hindi ko hahayaan ang sarili kong magisa sa kwarto namin na yon.
May nakabitin lang daw na laruan doon sa bintana sa itaas sa kapitbahay kahit wala. Ayaw na uli kami ni papa at mama matakot kaya pinakakalma kami sa ganoong dahilan na may nagiinuman sa itaas kahit wala,na may laruan na nakabitin kahit wala. Naglaho na nga yung Tiyanak na yon.
Bumalik na kami sa kwarto at hindi na nagpatuloy si sis sa ginagawa niya kanina. At kung anuman yung nakita namin sa bintana wala kaming nalalaman o dahilan kung bakit mayroong ganoon. Hindi pa kami natulog non nong pagbalik sa higaan. Hindi rin kami makakatulog ng agad agad. Nauna na si sis natulog pero ako hindi siguro ilang minuto bago ako makatulog at nagmamasid sa bintana habang pinakikingan ang mga kaluskos ng mga daga o anuman.
Natakot ba kayo? Ako natakot din XD haha Happy All Souls day sainyo. Advance /belated. Pasensya na aa namiss ko lang magsulat. hahaks XD