Chapter 3

146 5 1
                                    

Chapter 3



MAG IILANG minuto ng nakatunghay si freya sa payapang natutulog na si cliden. Hindi agad siya nakahuma sa kinakatayuan ng makita ito. Para kasi itong baby habang natutulog.


Muli siyang napalunok, pagkatapos ay nagsimulang humakbang papasok ng kwarto. Maingat at dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Halos mabali na ang mga daliri niya sa paa dahil sa pagkakatingkayad at pagiingat na hindi makagawa ng kahit konting ingay.


Nang tuluyang makalapit, nagawa ni freya na pagmasdan ito. Medyo gulo ang buhok at nakabaling sa kabilang dereksyon ang mukha ni cliden. Ang isang kamay nito ay nasa gilid ng ulo, habang ang isa ay naka laylay sa gilid nito. Wala itong suot na pangitaas at Hanggang ibaba lang ng katawan nito ang natatakpan ng kumot, kaya lantad sa paningin niya ang matipuno nito pangangatawan.


Hindi malaman ni freya kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam pag-iinit ng katawan sa nakikita. Sunod-sunod din siyang napapalunok ng laway. para siyang matutuyuan ng lalamunan sa nakikitang nakalantad sa harap niya, bago napadako ang paningin niya sa labi nito. Matagal siyang napatitig duon habang namumuo ang mga matanungan sa kaniyang isip.


Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng mapulapulang labi na yun at humilig sa matigas na dibdib nito?


Bigla niyang naalala ang nangyari kanina lang sa elevator kung saan lantaran nitong inamin sa kaniya ang pagpipig nito sa pagnanasa. Ano nga kayang pakiramdam kung natuloy ang gusto nito sa kaniya?


wala sa sariling naiharang niya ang isang kamay sa pagitan ng mga hita habang nakatitig dito. Pero ilang sandali lang, nanlalaki ang mga mata na inalis din iyon agad at Marahas na napailing sa ginawa.


Shit! Nababaliw ka na nga talaga! Trespassing na nga itong ginawa mo, nakuha mo pang mag-isip ng kahalayan! Ano ba Freya?!


Pilit ibinalik ni freya ang sarili sa huwisyo. Hindi siya pwedeng madistract sa nakikita dito. Hindi iyon ang oras para pagnasaan ito.


Agad niyang sinimulang hanapin ang pakay kahit pa tila may humihila sa kaniyang muling tumitig sa binata, pero nilalabanan niya iyon.


Sinilip niya sa magkabilang side table ng kama kung anduon ang cellphone nito, pero wala. Iginala pa niya sa paligid ang paningin hanggang sa madako sa ulunan nito ang pansin niya. Nakapatong sa isang maliit na bookshelf sa ulunan nito ang pakay niya. Bingo! Napangiti siya ng makita iyon. Pero. . . May problema.


Muli siyang napilitang tumingin sa natutulog na binata at sa magkabilang gilid ng kama. Masyadong kasing malapad ang kama nito at kung dudukwangin niya lang ang shelf para abutin ang cellphone, hindi niya parin maaabot iyon, At kapag pinilit niya maaari siyang bumagsak sa kama. puwera nalang kung sasampa siya sa gilid niyon. Kaso alam ni freya na kapag ginawa niya iyon lulundoy ang kama at posibleng magising ang natutulog na si cliden.

When The Curtain Falls [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon