Perslab

56 0 0
                                    

Sira-sira na naman ang daan, kaya naman trapik palagi pag ganitong oras pag-uwi dagdag mo pa na dahil summer mahihilo ka talaga sa sobrang init ng panahon. Andyan pa ang noise pollution na madadaanan mo sa palengke. Sari-saring tao, kanya-kanyang bentahan ng kung ano-ano mabuti nalang malapit na ako.  Papara na sana sa kanto ang tricycle na sinasakyan ko pero agad ko ng inunahan na sa kung pwede sa terminal na ako ibaba. Agad namang lumiko ang driver mabuti nalang di siya katulad ng iba na tlagang sa kanto lang ibinababa ang mga pasahero madalas akong nahahayblad pag mga ganung eksena.  Pagdating ko sa terminal, ako palang ang pasahero kaya kailangan ko pang maghintay ng ilang minuto para mapuno at makaalis na, nang biglang tumunog ang cellphone ko na sa hula ko tatay ko yun hinahanap na ako. At tama nga ako, ang aga mag-check ni itay gayong mag-aalas sais palang ng gabi. Kung bakit ba kasi puno ng pamahiin si itay. Kesyo kaka-graduate ko lang sa kolehiyo kaya kailangan mag-ingat para malayo sa disgrasya nang sa gayon eh makapagtrabaho muna bago matigok. Advance ni itay mag-isip. Malayo na narating ng isip ko iisang text na yun.

Sa di kalayuan, nakita ko ang isang babae. Papunta sa kinauupuan ko.Tingin ko nasa late 40’s na siya, mataba.. naka-short at naka-sando, may bitbit na bag na may sunflower na design. Sa impresyon ko di siya taga rito dahil ngayon ko lang siya nakita.

“Ito ang paalis bhe?”.  Tanong niya sa akin.

 “BHE” talaga? Naisip ko, bigla akong napapangiti, Di lang pala sa get up niya bagets si lola pati din sa tawagan.

                “Opo, ito po”. Sagot ko.

 “taga rito ka bhe?” Dagdag niya pang tanong.

“12 years nadin po kami dito.” Sagot ko pa.

 I think she’s trying to make a conversation, na okay lang naman for the mean time kasi kulang pa naman sa pasahero.

“Taga saan pala kayo noon?”,

 “Davao po.”..

“Ah.. ganun ba?”.. saglit natahimik kasi may tinitingnan siya sa bag niya. Pagkatapos, pinakita niya sa akin yung borda sa bag niya,

“Zonia”. Sabi niya, “zonia pangalan ko”.

Pati apelyido niya sinabe niya din kaso nalimutan ko na medyo kakaiba kasi kaya diko na matandaan.

“Rochelle po.” Pakilala ko din sa kanya. I think she’s really sweet to make an effort.

 “pasensya  ka na ha, medyo nakainum kasi ako, naubos ko na ang kendi ko.”

“okay lang po yun tita”. I do felt like we have something in common to really connive, “tita”.. feeling close talaga ako.

Di na naming nausisang paalis na yung tricycle kasi may mga pasahero nadin na dumating.

 “Ilang taon ka na?.” Tanong pa nga niya sa akin.

“21 po”.

“bata ka pa, madami pang challenges sayo.” Nakangiti pa niyang sabi sa akin na tinumbasan ko din naman ng ngiti just to return the compliment.

“san po kayo papunta?” Curious lang ako.

“sa friend ko..” there’s that long pause and then she smiled again. I have a little doubt hearing those phrases. Di ko alam, pero  tumango nalang ako.

“Actually... ”

“Di ko alam kung andun siya.” Zonia.

                “Di nyu po siya tenext  bago pumunta para maabutan niyo po siya?” tanong ko na naman.

“Off phone niya e...”

“Ah ganun po ba.. ” medyo napatigil ako, may biglang naglalaro sa isip ko yung mga clues nabubuo. Bakit kaya?

“Alam mo bang nalakad ko na mula Dalahican hanggang Talao-Talao ng alas nwebe ng gabi?”, pabiro nyang kwento.

“Ng mag-isa lang po?”

“Yes!” payabang niya pa pero nakatawa siya.

“bakit po?”

“naiwan kasi ako ng last trip nun, tapos di ako nasundo ng friend ko kaya nilakad ko na”.

“Di po kayo natakot? Ang dilim-dilim po dito pag ganung oras.. madami pong nadidisgrasya.”

“Nalalaglag nga luha ko kada kantong madilim ang nadadaanan ko...” nakatingin lang ako sa kanya with my sympathy  tapos bigla niyang sinabe..

“ganun pala talaga no?”

“Ang alin po?”

“pag nagmamahal”

Bingo! Clues are solved. Di talaga sila friends. Actually lovers sila. J

“tapos pagdating ko sa kanila, nakita ko siyang masayang kumakain habang ako napapaluha dahil nagawa ko yun.” I feel really sad for her.

“Pero mahal ka naman  po ba niya?”

“Oo naman, madaming beses ko na napatunayan yun.”

“Alam mo ba naikot ko na buong Europa, pero I can’t explain kung bakit sa kanya padin ako bumabagsak. Madami ng foreigner na ang nanligaw sa akin pero none of them won my heart.”

“paano po kayo nagkakilala?”

“magkababata kami, pero nagkahiwalay kami dati.”

“tapos po?” excitedly.

“tapos nagkita kami after long years, sadly may mga pamilya na kami. It happened na hiwalay na ako. Pagkatapos, ako yung reason kung bakit nagkahiwalay sila ng asawa niya.”

“Ang sama bhe, ang sama ng storya namin. Siguro yung iba di mauunawaan?” Dagdag pa niya.

“bakit po?” tanung ko pa.

“may pamilya na siya e, pero naghiwalay na sila ng asawa niya, kaya lang lately nagkabalikan daw sila nakikinig ko sa balita... pero tinatanggi naman niya.”

“Nangyayari po pala talaga yun ano?” Mahina kong tanong sa kanya.

“Ang alin?” tanong niya din.

“Yung after how many years pag nagkita po kayo may mararamdaman padin kayo sa isat-isa.”

“Siguro, nangyari sa akin eh.” Tumawa siya then .. “malapit na ako, pag nakita ko na yung waiting shed dun na ako titigil”.

“Sige po, ipapara ko nalang po kayo tita.”

“Sige salamat bhe ha..”

At sa madaling kwento, ipinara ko na nga siya at bumaba na siya. Kaso, after that thoughts are hanging on me.

Naalala ko tuloy yung kababata ko... nung bata pa kasi kami pinagkasundo kami ng mga nanay namin, kaso lumipat sila sa aklan para sa negosyo nila after that his father died on an accident and later on dun nadin talaga sila tumira. Sumunod naman kami na umalis nadin ng Davao kasi namatay nanay ko at napadpad dito sa Lucena.

I was just wondering, magkikita pa kaya kami? Pag nagkita na kami baka may asawa’t mga anak na, o di kaya baka matatanda na kami to ever have a time to remember our young memories?

Kahit ano pa man, siguro ang natutunan ko kay Tita Zonia ay ang umunawa ng kanya-kanyang love story. Kung minsan kasi pag alam nating masama agad nating hinuhusgahan at pinag-uusapan. Kanya-kanyan din lang siguro ng kaligayahan yun, at nasayo na yun kung alin ba ang haharapin mo, yung panghuhusga ng iba o ang natagpuan mong kaligayahan?

 Whatever it is, ang sarap isipin na ang pag-ibig may sarili ding mahika para gumawa ng paraan, kung minsan sa di mo inaasahang pagkakataon, sa di mo inaakalang panahon. Who knows when? Kung minsan dumadaan lang talaga sa buhay mo ang isang tao para turuan ka ng magagandang leksyon para sa susunod na dadaanan mo natuto ka na, matapang ka na at alam mo na kung paanong ipaglaban ang kaligayahang meron ka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PerslabWhere stories live. Discover now