Minsan may mga tao sa buhay natin na akala natin sila na ang nakatadhana pero hindi pa pala. akala natin sila ang dapat natin makasama hanggang sa huli. Lahat ng iyon ay AKALA lang, pero may dahilan kung bakit sila dumadating: minsan isa lamang silang PAGSUBOK NA DAPAT LAMPASAN, minsan naman sila yung NAGIGIGING DAAN PARA SA NAKATADHANA PARA SAYO, yung tipong masasabi mo na sya na sya na ang THE ONE….
LOVE? parang Weather yan. kung kalian ok na kung kalian maaliwalas na ang mga pangyayari tsaka naman biglang magkakabagyo na sisira ng lahat. ANG LOVE madaya kung kalian masaya ka na kung kalian sobrang mahal mo na ang isang tao, bigla nalang silang magbabago, maglalaho ng di mo inaasahan.
Pero kahit ganun sa huli andyan parin ang ARAW para sumikat at magbigay ng bagong liwanag at kasama pa ang RAINBOW na magbibigay kulay sa takbo ng buhay mo.