Totally Butch

10 0 0
                                        

Eto na nga at nagwowork na ako sa salon 2008, dahil sa ngyari samin ni yana subsob lang ako sa work, minsan nagkakayayaan pagkatapos ng work magbar naman ang inaatupag ko... dito na rin ako nagumpisa makatikim ng alak, ocassionally drinker lang ako kasi pag may celebration lang kami sa salon nasama syempre alam ko ang limitasyon ko...isang taon ako ganun lang routine ko trabaho,gimik minsan at bahay.

               2009 n 21 years old na ako...wala pa rin ako lovelife at syempre kahit paano nmimiss ko si yana. Pero syempre bago ko pinasok at tinanggap ko ang pagiging butch sinabi saken ni mama na tangapin ko daw ang consequences na walang nagtatagal na relasyon na same sex, ofcourse kahit paanu takot ang mama ko sa dyos sa pagkakasala ko pero sa kabilang banda tanggap ako ng mama ko syempre anak nya ako. Tumatak na sa isip ko ang sinabi saken ng mama ko. Kaya nung naghiwalay kami ni yana syempre masakit ehh ganun talaga pinili ko maging ganito ang buhay ko kaya pagdusahan ko.

Haist...marami ako mga customer may nagfiflirty pero pass muna ako pahinga muna sa pag ibig...pero syempre nangangarap din ako ng perfect relationship para sa sarili ko. Teka may perfect relationship ba talaga para sa mga kagaya ko????

               Isang taon na ako ngtatrabaho sa salon at eto nanaman pag ibig nga naman nadevelop ako sa isang kasama ko kaso may edad na sya halos 8 years ang tanda nya saken. At palibhasa nga naman sa salon kami nagtatrabaho hindi mababakas ang edad sa ichura nya,oo bata pa tignan si Hazel, yun ang pangalan nya tahimik lang sya staff trabaho,trabaho lang sya hindi sya mahilig makipagchismisan kasama ko sya sa staff hause. If idedefine ko pag katao nya perfect at ideal wife ang peg nya mistisa si hazel,mukha sya chinese if titigan mo sya,napakabait nya. Naging close kame sa isat isa kasi halos pareho kami ng disposisyon sa buhay. Nagkadevelopan kami oo naging kami...so what age doesnt matter,and take note halos mag 4 na taon kami.

           Kaso naghiwalay kami sa pagkakataon na naghiwalay kami ako ang may kasalanan. Naging mahina ako, may nagkagusto saken na kasamahan namin, hindi ko alam masaya ako kapag kasama ko si Aisa, oo Aisa ang pangalan ng kinahumalingan ko. Habang kami ni Hazel kami din ni Aisa. Nalaman ni Hazel na may relasyon kami ni Aisa kaya hiniwalayan nya ko kaya yun nag end agad ang love story namin.

                      23 years old na ako ilan bwan na lang mag 24 na ako.

Nagpatuloy ang relasyon namin ni aisa at nagresign ako sa salon na pinapasukan namin para makaiwas sa chizmiz at syempre nahihiya ako sa ginawa ko kay hazel kaya ayaw ko ng ipakita mukha ko sa kanya. Minahal ako ni Hazel sobra wala na ako sa salon na pinapasukan namin pero binigyan nya pa ako ng pagkakataon na ayusin ang relasyon namin. Pinapili nya ako if si Aisa ba o sya. Mahal ko din si Hazel kaya kinausap ko si Aisa na patawarin nya ako mali ang ginagawa namin at gusto ko ng ayusin ang buhay ko kasama si Hazel,

                  Pero hindi sya pumayag magpapakamatay daw sya, natakot ako sa gagawin nya kasi sa pagkakakilala ko kay Aisa, ginagawa nya ang bawat sasabihin nya, wala ako nagawa kaya hindi na ako bumalik kay Hazel pero mahal na mahal ko na pala sya. Habang kasama ko si Aisa sya ang nasa isip at puso ko at alam ni Aisa yun hindi ko tinago ang totoo nararamdaman ko. Pero mahal na mahal ako ni Aisa kaya inintindi nya at sinabi nya matutunan ko din daw sya mahalin. Nagsama kami ni Aisa ng halos 2 taon. Pakonti konti nakakalimutan ko si Hazel at sinabi ko na rin sa sarili ko dapat kalimutan ko na sya.

     Inayos ko ang buhay ko kay Aisa pinagresign ko sya sa dati salon na pinapasukan namin at pinagapply ko sya sa bago salon na pinapasukan ko.  Oo magkasama kami sa isang company pero magkahiwalay ang branch namin. Sa marikina branch sya at ako naman ay sa tandang sora quezon city naka assign.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imposible True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon