Prologue

3 2 0
                                    


Paano ba malalaman kung inlove ka pa sa kanya or hindi na? Sabi nila, sparks daw ang batayan nila. Pero paano kung wala nang sparks? Love mo pa rin ba yung taong yun kahit hindi ka na kinikilig?

Psh. Sparks? Masyadong immature. Kung mahal mo ang isang tao, kahit wala nang sparks, kahit hindi ka na kinikilig, mahal mo pa rin siya. Hindi basehan ang kilig, lalo na kung years na kayong dalawa.

Tatanungin ko kayo.

Kinikilig ba yung mama mo sa papa mo pag hinahalikan siya nito, kahit na sa pisngi lang? Siguro minsan, pero madalas, diba, hindi? That's what love is. Nagtatagal kahit wala ng kilig. Nagiistay kahit na wala ng sparks. Pero if ever man, you should just work it out. Kaya nga tinatawag na relationship, eh. Dapat gawin nyo na lahat ng paraan pero kung hindi na talaga magwork out, edi let go.

***

I cried infront of him. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit. Ganito ba yung sinasabi nilang heartbreak? Bakit ganito katindi yung pain?

"I'm breaking up with you." He repeated that heartbreaking sentence. "Ayoko na."

Tinitigan ko siya tapos pinunasan yung mga luha na tumutulo sa mga mata ko.

"May bago ba?" I asked.

Hindi siya sumagot kaya lalo akong napaiyak. I inhaled my breath sharply. Parang hindi ako makahinga sa mga nangyayari. What happened to us?

***

Flashback.

"Keisha Pascual." My teacher called. Nagmamadali tuloy akong tumayo nahulog ko pa yung mga gamit ko.

Tumawa yung mga classmate ko dahil sa mga actions ko. Napaface - palm din yung teacher ko dahil sa ginawa ko.

"Class!" She yelled. "Quiet!"

Natahimik kaming lahat. I sighed. First day na first day sa bagong school, eh, ang pangit agad ng simula ko. Haist.

"Introduce yourself, Miss Pascual." She continued habang nakatingin sakin.

Nginitian ko si ma'am. Pampawala bad mood. Hehehehe.

"I'm Keisha Pascual. 17 years old." I started nung makarating ako sa unahan. Medyo kinakabahan ako pero pinagpatuloy ko yung pagpapakilala ko. "I'm from--"

Naputol yung sasabihin ko nang biglang may pumasok sa loob ng room namin. Napatingin kaming lahat dahil pabalibag niyang binuksan yung pinto.

"Mister Ibanez..." Hindi ko na narinig pa yung ibang sinasabi ni ma'am dahil napatitig ako sa lalaking kakapasok pa lang.

I gulped. Nakatitig rin kasi siya sakin.

Messy yung hair niya. Hindi rin maayos yung pagkakaayos ng polo niya dahil yung dalawang dapat na nakabutones, ay nakabukas.

Matangkad siya. I think mga 6' ata? Maputi rin siya. Yung aura niya, pangbad boy talaga. Dagdag mo pang ang gwapo niya.

Bigla siyang ngumiti sakin kaya lumingon ako sa mga classmates ko. Takte! Bakit ba ako nakipag staring contest sa kanya?!

"Go to your seat, Mister Ibanez." Utos ni Ma'am. "I'll let this pass dahil first day naman pero sa mga susunod mong mga late ay may parusa. Intiende?"

Nagsalute siya kay ma'am kaya napabuntong - hininga si ma'am. May kung ano pang binulong si ma'am na hindi ko naintindihan.

"Go on, Miss Pascual." Sabi ni ma'am.

I watched him take my seat and toss my bag sa kabilang upuan kaya naginit bigla yung ulo ko. Tsk! Forget na gwapo siya. Ang sama naman ng ugali. Pwede namang ilagay ng maayos sa ibang upuan yung bag ko! Psh! Ang dami dami pating upuan dun pa sa upuan ko umupo. Bulag ba siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seven Last WishesWhere stories live. Discover now