10: Sports Fest

82 9 0
                                    

- K A H I T K U N W A R I -

- C I A R A -

[Paano na kaya, di sinasadya. Di kayang magtapat ang puso ko 🎼🎵🎶]

Sa bawat paglipas ng mga araw ay unti-unti na din akong nahuhulog kay chad. Dahan-dahan ng bumubukas ulit ang puso ko para sa isang taong alam kong kaya niyang suklian ang pagmamahal ko. 

"GOOOO CHAAAAAAD!!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko matapos siyang  maka-three points shoot.

Ngayon kasi ang sports fest namin at dahil wala naman akong sinalihang sports ay nanood na lang ako ng laro nina shion at chad. Bawat shoot ng dalawang lalaking importante sa buhay ko ay todo sigaw naman kami ni keya.

"GOOO BABY SHION!" Nagulat ako dahil sa isinigaw ni keya. Baby shion? Ano yun? May something na ba silang dalawa?! Aha! Ang bruha lumalab-lype na.

"Ang landi naman niyan, bruha!"  bigla itong tumingin sa akin at tinaasan lang ako ng isang kilay. Porket pumapag-ibig lang siya ang taray niya na ah!.

Matapos ang laro nila chad at shion ay sumunod naman sina kuya kaya halos mawalan na ako ng boses kakatili at sigaw. Bawat shoot ng g* go kong kuya halos lamunin na ng mga babae ang court dahil sa lakas ng mga bunganga nila. Napaka-babaero talaga niya!.

Ilang oras din ang panonood ko hanggang sa matapos ulit ang laro. Parehong nanalo ang team nina kuya,shion at chad kaya naman hinintay na namin ang dalawa para man libre ng lunch namin. Nangako kasi sila na kapag panalo ang team nila ay libre na daw ang lunch namin.

"Paano ba yan? Gutom na kami mga kapreng" sabi ko matapos nilang inayos yung mga gamit nila. Ang gwapo parin ni chad kahit na pinag-papawisan ^__^.

"Alam po namin kaya tara na at alam naming pagod 'yang mga lalamunan niyo kaka-sigaw" sabay hila ni chad sa akin kaya hindi ko maiwasang mahiya. Parang may bigla kasing kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan no'ng hawakan niya ito. Pakiramdam ko kumukulo yung lamang loob ko dahil sa may kung anong gumagalaw dito.

"Hashtag! Holding hands while walking, ang landiiii!" Natawa kami pareho ni chad dahil kay keya na parang natatae dahil sa kilig.

"Inggit ka lang eh, halika nga dito" sabay hila ni shion dito at sabay akbay nito kaya ang bruha namula ang mukha. Ang sweet din nilang dalawa at sa totoo lang, bagay sila.

"Ene be nemen yen" naka-pulupot na naman ang dila niya! Mabuti pa ako hindi ko pinapahalatang kinikilig ako.

Pagkarating namin sa cafeteria ay umupo na kami at nag order na yung dalawa ng maka-kain namin.

"Gusto mo ba si shion?" Muntikan ng maibuga nito ang tubig na iniinom niya sa tumbler.

"What the heck! Pero sa totoo lang, I like him na. I don't know why pero itong mga nagdaang araw unti-unti na akong nahuhulog sa kanya" naka-yuko nitong sagot at bakas sa kanyang mukha na nahihiya siya. Ngayon lang kasi siya nag open ng ganitong bagay sa akin kaya naiilang siyang mag kwento.

"Hindi naman masama na magka-gusto ka sa isang tao basta you know your limitation" alam ko na kasi yung feeling na dahil sa sobrang pagmamahal ko sa isang tao ay nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko. Ayaw ko naman na mangayari din 'yon sa kanya.

"I know, bruha. Saksi ako sa naging katangahan mo dati kaya dahil d'on medyo may natutunan naman ako" nainsulto naman ako dahil sa sinabi niya. Akalain mo yun may natutulungan pala akong tao sa pagiging tanga ko. 

"Here's your order" sabay lapag nila ng mga tray na madaming laman na pagkain. Sakto gutom na gutom kami ngayon at mukhang mauubos namin ito.

Agad akong lumamon para maka-dami ako ngayong araw na'to. Susulitin ko na'to kasi bukas alam kong balik kuripot na ang dalawang 'to.

Matapos kaming kumain ay nagyaya na  naman silang pumuntang mall para daw makapag-aliw. Agad naman kaming pumayag dahil minsan lang talagang man libre ang mga 'to kaya sasagadin na namin.

"Gusto mo bang manood ng sine ara?" Tanong ni chad kaya agad akong tumango dahil libre naman niya. Tumingin naman ito kay shion at kinindatan niya ito bilang senyales.

"Ikaw keya? Tara punta tayo ng fun time" hindi pa sumasagot si keya ay agad niya na itong hinila kaya natawa na lang kami ni chad. Kahit kailan talaga yung shion na yun hindi makapag-hintay ng isasagot. 

Habang seryosong nanonood si chad ay hindi naman ako makapag-focus dahil sa dalawang katabi ko na nag lalampungan. Halos bumabayo na yung upuan ko dahil sa mga movements nila! Nakaka-inis!!

"Oh? Ba't hindi ka nanonood?" Tanong nito kaya pasimple kong tinuro yung dalawang katabi ko.

"P*tcha! Talagang dito pa sila?! Doon na lang tayo sa pinaka-gitna, gusto mo?" Tumango lang ako at sabay kaming lumipat ng pwesto. Hayst! Mas mabuti pa dito mga matatanda ang mga katabi namin.

"WAAAAAHHH! OH MY!!! WAAAAHHH!! AYAW KO NAAAA!!" Bigla akong nagulat nung sumigaw naman yung katabi kong babae. Ang sakit sa tainga! Ang OA naman kung makapag-react itong matandang 'to!.


"No choice tayo, wala ng ibang pwesto kaya tiis na lang" natatawang sabi ni chad. Baka naman mabasag ear drums ko dito!. Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang habang binabasag ng katabi ko yung ear drums ko kaka-sigaw.

Matapos ang movie ay lumabas na kami ni chad sa sinehan na mukhang nabingi na dahil sa katabi namin.

"Sa wakas naka-ginhawa na din ang tainga ko, sa susunod action na lang ang panonoorin natin para iwas sakit sa tainga" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Thank you sa pagsama sa akin today" naka-ngiti nitong sabi.

"Wala 'yon, ano ka ba!" Sabay tapik ko sa balikat niya. Nag enjoy naman kasi ako ng bonggang-bongga ngayon eh.

Naglakad na kami para hanapin na yung dalawa at upang maka-uwi na din kami dahil malapit na ding gumabi. Matapos namin silang mahanap ay inihatid na din nila kami sa kanya-kanya naming mga bahay.


Papasok na sana ako ng bahay nung may nakita akong naka-dikit na papel sa gilid ng gate namin. Agad ko itong kinuha at binuksan.

(Ciara)

Ano, kumusta na? Balita ko may nanliligaw na sayo ah. Pasensya kana kung lumipat ako ng section ah. Ayaw ko kasi na masira ko ang araw mo. Miss na kita ara :) Take care always and I'm hoping that someday we will together  forever best friend again.

P.s: Sana ipakilala mo naman sa akin yung magiging boyfriend mo :)

-Brex-

Handa na ba ulit akong tanggapin siya?. Kasi sa totoo lang, miss ko na din siya.

----------------------------
By: DM_DreamLove

Kahit Kunwari (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon