1

14 1 0
                                    

Si Christopher or Chris ay kapatid ng classmate ko way back 2nd year of my college day. Noong una akala ko boyfriend ni Crace si Chris dahil they are so different from each other. Matangkad, maputi, bilugan ang mga mata ni Crace samantalang si Chris sakto lang ang tangkad, kayumanggi, singkit. Naging common friend lang si Chris noon dahil kaibigan ko ang kapatid niya at tuwing nagkakasalubong kami sa daan simpleng hi, hello lang or smile lang sa isa't- isa. Mahiyain si Chris, di siya nakikipagusap sa mga taong di siya komportable, di ka rin niya kakausapin unless di mo siya iaaproach.

Noong nagtataka ako kung bakit walang may gusto sa akin. I tried to change my self everything, the way I dress, the way I talk, the way I eat but nothing changed I always end up suffering. I think I had to bring back what's the true me at doon ko na-realize na hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para magustuhan ng iba na ang pagiging totoo sa sarili mo ang maglalabas ng tunay mong ganda.

Third year 2nd sem, naging classmate ko si Chris class president ako that time. Pagkatapos naming ibigay ang mga class cards namin nagdesisyon ang barkada na gumala sa tabing dagat since ang school namin malapit lang sa tabing dagat. Nakita ko siyang naka- upo sa bench sa school namin, inapproach ko siya kasama ang mga kaibigan ko at sinama siya sa tabing dagat. Mula noong araw na yun naging close friends kami, lagi kaming magkatabi sa upuan during class at kung wala mang klase lagi kaming tumatambay sa tabing dagat kasama ang mga kaibigan namin.

December ng taong rin iyon nagtext siya sa akin, hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang number ko. Habang christmas vacation lagi kaming nagtitext sa isat- isa. Maaga man sabihin dahil in a short span of time naging bestfriends kami dahil sa kanya ko lang nakukwento lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, mula sa mga failures ko sa paghahanap ng pag-ibig, sa pagbabago ko sa sarili ko, mga personal na problema ay nakwento ko na sa kanya. What's good about Chris di dahil siya ang bida dito ay marunong siyang makinig, never niya akong ni- judge sa mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa ibang tao. Siya yung lalaking nagturo sa akin kung paano baliwalain ang mga judgement ng ibang tao.

Marahil manhid na nga ako sa pag-ibig dahil sa mga failures ko na lagi na lang akong naiiwang umaasa sa wala. Puro na lang sweet words ang naririnig ko pero no actions. Lagi na lang ganun ang nangyayari sa akin kaya tinuruan ko ang puso ko na maging manhid sa mga taong nagpapakita ng motibo, tinuruan ko ang sarili kong wag magtiwala sa mga tao.

January ng sumunod na taon, akala ko noon nag-aadvice lang siya sa akin until sinabi niya na na gusto niya ako. Noong time na yun sinabi ko sa sarili kong dadaanin lang niya ako sa sweet words gaya ng ibang lalaki but I was wrong. Siya ang lalaking nagparamdam sa akin na babae talaga ako na kailangang i-respeto. Nanligaw siya sa akin, hatid sundo sa boarding house. Nagtatanong na noon ang mga kaibigan ko kung ano ang meron kami pero lagi lang naming sinasabi na magkaibigan lang kami. Unti- unting nakaramdam ang puso ko, iniisip ko kung dapat ko na bang buksan ang puso ko para sa pag-ibig.

Isang araw habang nasa park kami, sinabi niya sa aking may crush siyang classmate namin dati, agad kong naisip na tama nga ako, tamang akong hanggang friends lang kami. Nagpatay-malisya na lang ako sa sinabi niya agad naman niya iyong binawi at sinabing crush lang daw niya iyon at ako ang mahal niya. Pinilit kong wag maniwala sa sinabi niya at kailangan niyang patunayan sa akin na ako lang talaga.

February ng parehong taon, Valentines day binigyan niya ako ng balloon hearts at roses. Parehong buwan din nagkaroon kami ng seminar sa Boracay, doon niya pinatunayang mahal niya talaga ako, lagi niya akong sinasamahan kahit na pinahihirapan ko lang siya, naging mean ako sa kanya pero hindi siya sumuko.

April 16, 201... binuksan ko ang puso ko para sa kanya, naging kami ni Chris. Hindi naging madali ang lahat para sa amin dahil ako pala ang unang niyang girlfriend at maging ako din siya ang una kong boyfriend. Tinago namin ang relasyon namin sa lahat at tanging kami lang ang may alam at isa yun sa challenge sa amin. Naging maganda ang takbo ng relasyon namin kahit marami kaming tinatago sa mga taong nakapaligid sa amin. Masaya kami sa takbo ng relasyon namin walang umi-epal. Isang reason kung bakit namin tinago ang relasyon namin dahil may malandi akong classmate na laging pumapapel kapag alam niyang may magkarelasyon sa aming magkakaibigan. Inaagaw niya lahat at yun ang ayaw kong mangyari.

November, OJT na namin pero hindi kami magkasama, nasa malayo ako at siya naiwan at nag-ojt malapit sa school namin. Doon ko naramdamang mahirap ang LDR. Lagi di ko maisip noon kung tama ba ang desisyon ko na iwan siya pero sinabi niyang kung saan ako masaya doon ako. Pagkatapos ng OJT namin marami ang nagbago sa kanya, ugali at itsura. Naging mas mature siya sa mga bagay bagay, lalo siyang pumogi di sa pagmamayabangay pagkakahawig sila ni Coco Martin.

Anniversary namin, nagpromise kami sa isat- isa na walang iwanan na kahit nasa malayo ang isa sa amin walang makakalimot. Napag-usapan na rin namin ang future namin sa isat-isa, kung ilan ang gusto naming anak, lahat ng yun planado na.

Ilang araw pagkatapos ng anniversary namin nagpaalam siyang di ako masusundo dahil may sakit siya. Kinagabihan bago umuwi nagtext ako sa kanya na pauwi na ako pero biglang nagpasama ang kaibigan kong bumili. Habang naglalakad ako pauwi nakita ko siya at ang kaibigan kong malandi na magka-angkas sa motor niya, tinext ko siya at sinabi niyang nasa bahay lang daw siya buong araw. Pinilit kong paniwalaan siya pero hindi ako bulag at siya yung nakita ko, doon ko na-realize na noong nagkainuman ang barkada nasabi ko sa kanyang boyfriend ko si Chris kaya siguro si Chris ang punterya niya ngayon. Nag-cool off kami ng ilang araw pero binalikan ko ulit siya para sa second chance pero nagkamali ako, sana di ko na lang siya binigyan ng chance. Nakita ko noong katext niya yung kaibigan ko. Nagpalit ako ng number at tinext yung kaibigan ko at tinanong kung anong meron sila at sinabi niyang nililigawan siya ni Chris, that was really heartbreaking dahil niloloko niya ako. I tried to forgive him para ma-survive namin ang relasyon namin pero I think di na ito tama, bumabalik na naman ang bangungot ko sa pag-ibig na iiwan lang ako sa wala.

June, niyaya ko siya for a date. Buong araw na date, ginawa naming masaya ang araw na iyon. Kinahapunan habang nasa tabing dagat kami.

"Bhe, gusto kitang maramdaman, gusto kong maramdaman ang tunay na ikaw" ako

Niyakap niya ako, hinagkan. Naramdaman ko ang Christopher na minahal ko, ang Christopher na pinadama sa akin ang pagmamahal na walang makakatumbas, ang Christopher na nagturo sa aking magmahal at ang mahalin. Siya ang naging dahilan ko kung bakit ulit ako nagtiwala. Habang lumulubog ang araw naalala ko lahat ng memories namin together, napaiyak ako dahil alam kong ito na ang araw na huli kong makikita ang mukha niya, ito na ang huling araw na mararamdaman ko ang bisig niya, mga yakap, kiss. Nagpasalamat ako sa kanya sa lahat ng ginawa niyang pagbabago sa akin. Nagpasalamat ako dahil dumating siya sa buhay ko. Doon ko na-realize na dapat ko na siyang i-let go hindi ko na siya tinanong kung bakit niya ak niloko, di ko na rin kinausap ang kaibigan ko kung bakit niya yun ginawa sa amin.

Christopher ang lalaking nagmahal ng tunay sa akin, lalaking walang hinangad kundi ang makita lang akong masaya, lalaking punung- puno ng effort. Akala ko noon madali lang ang mag- move on pero hanggang ngayon lagi pa rin siyang tumatakbo sa isip ko na wala ng tatawag sa aking Baby. Hindi na ako umiiyak ngayon tuwing naalala ko ang nakaraan, napapangiti na lang ako dahil marami kaming happy memories rather than the bad ones. Sana kung mabasa mo to I LOVE YOU CHRIS, I LOVE YOU BHE.

...

ChristopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon