Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakakakita ako ng orasan naaalala ko ang mga bagay na gusto kong makalimutan.
"Ayos ka lang Lily?"tanong ng isa sa mga kaibigan ko na sinagot ko lang ng isang ngiti,Hindi ko maaaring sabihin sakanila ang nararamdaman ko sapagkat alam kong magaalala lamang sila sa akin,Nakakita nanaman ako ng Orasan at sa inaasahan naalala ko nanaman ang mga bagay na gusto kong kalimutan
"May mga taong nakaka-alala na lang bigla ng nakaraan nila,madilim man ito o hindi...
siguro maiihalintulad mo ito sa isang orasan, Ang pag-usad ng oras ay siyang nagsasabi na may naghihintay sa iyo o kaya mong malagpasan ang problema mo at kung bumalik man ang oras kung saan walang-wala ka alam mo na sa sarili mo na kaya mong lagpasan iyan dahil hindi naman pwedeng ibalik ang oras at nakaraan,siguro pwede pero alam mo sa sarili mo na hindi mo maaaring baguhin ang nangyari na at ang tanging paraan lamang para malagpasan mo ang kinahaharap mo ngayon ay tanggapin ito"napangiti na lamang ako sa ala-alang iniwan sa akin ng aking ama na siya ring unang umalis sa buhay ko
-End-