Ako si Frilz, incoming grade 11 student. New grade, new school. Nag decide sila ni papa na mag transfer kami ng mga kapatid ko dahil makakabuti daw to kasi malapit sa bago niyang trabaho.
Maganda naman ang bahay, kaso nga lang minsan nagigising ako mga bandang alas tres ng umaga. Hindi ko lang alam pero may mga ingay akong naririnig.Makalipas ang isang linggo nagsisimula namg mawala ang mga hayop naming mga alaga.
"Ma asan na po ang mga alagang hayop natin?"
Tanong ko kay mama kasi misteryoso itong nawawala.
"Asikasuhin mo nalang ang pag-aaral mo at mag aral ka nang mabuti."
Yan lamang ang naging tugon ni Mama sakin.Isang umaga nagising na naman ako eksaktong alas tres ng umaga parang naramdaman ko kasi na may lumabas sa gate namin. Pumunta ako sa kwarto nila ni Mama kinakabahan ako pero tinuloy ko pa rin ang aking paglalakad diretso lang ang titig ko sa daan ni hindi ako lumulingon.
Pagkadating ko sa harap ng kwarto nila mama hinawakan ko ang doorknob. Pero ako'y natigilan nang marinig ko si mama na tumatawa. Sinilip ko muna siya sa maliit na butas hindi ko masyado maaninag kasi madilim pero nakita ko na wala doon si Papa. Nagsitayuan ang aking mga balahibo, parang mawawalan na ako ng malay. Tumakbo ako nang napaka bilis papuntang kwarto namin ng mga kapatid ko. Binalot ko ng kumot ang aking katawan, hanggang sa ako'y nakatulog.Ano kaya ang nangyayari sa dito? bakit tumatawa mag isa si Mama? Lumipas na naman ang isang araw. Matapang akong pumunta sa kwarto nila mama. Pero mga alas kwatro imedya na ng umaga yun. Narinig ko siyang may tinatawagan sa phone.
"Sige na Patayin niyo na yan."
Saad ni mama sa kausap niya sa telepono.
Ano kaya ang pinasasasabi niya?
"Yung lalaki lang muna kasi buntis yung babae."
Dagdag pa niya at tumawa na naman siya.
"Nako, nako! napasarap siguro nyan".
Huling sinabi ni mama at binaba yung phone. Tumakbo ako papuntang kwarto pero napalingon ako sa pintuan ng may bumukas nito. Grabe ang kaba na aking nadama iniluwa nito si Papa na may dalang malaking kutsilyo at duguan. Pumatay ba sila ng tao? Sinampal sampal ko ang sarili ko para magising pero hindi pala ako nananaginip. Lumapit si papa sakin na nakangiti. Dumistansya ako, nakita ko ang pag iba sa reaksyon ni papa."Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Sumigaw ako ng napakalakas dahil dito binuksan ni Mama ang ilaw."Anong nangyayari sayo Frilz?"
Tanong sakin ni Papa hawak hawak niya pa rin ang kutsilyo sa kanyang mga kamay.
"Magbihis ka nga doon Lendro at ilagay mo yang kutsilyo mo sa kusina."
Pagsasaway sa kanya ni Mama.
"Bakit ka may du..dugo? may pi..pinatay po ba ka..yo?"
Utal-utal kong tanong kay papa.
"Oo."
Sabi niya ay ngumiti siya sakin. Kinakabahan na ako may pamilya akong baliw! o Aswang o ano pa! hindi ko na alam!
"Sino?"
Diretsong tanong ko sa kanya. pero kumunot ang kanyang mga noo.
" Anong sino? ikaw talaga Frilz yan kakanood mo yan ng horror films. Mukha ba akong mamamatay tao?"
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni papa.
" Kinatay ko yung lalaking baboy natin."
Saad pa niya. Tumingin ako kay mama.
"Eh Ma sino yung kausap mo sa phone na patayin na yung sabi mo? tapos nung isang araw narinig kitang tumatawa mag isa."
Tumingin ako may mama ng diretso. Tumawa siya bago nag salita.
"Yung baboy kasi yung papatayin, sabi ko wag yung babaeng baboy kasi buntis yun. Tapos nong nakaraang araw tumawa ako kasi tumawag si Lindo na nadulas daw papa mo sa pagmamadali kaya nahulog ang telepono niya sa kanal."
Sabi pa ni mama.
"Eh anong ingay na naririnig ko kasa alas tres ng umaga? Bakit nawawala ang mga alagang hayop natin?"
Dagdag ko pang katanungan.
"Anak sa likuran lang dyan ang slaughter house na pinagtatrabahuan ko. Hindi naman natin maaamoy ang masasangsang na amoy kasi may mga filter na silang nilalagay doon kaya nga lang ang ingay tuwing alas tres kasi marami nang kinakatay doon. Dun dinadala ang mga hayop natin binenta ko dun para makapag handa tayo ng marami."
Kumalma ako at huminga ng malalim.
"Happy birthday anak."
Bati sa akin ni Papa. hala oo nga pala birthday ko kaya pala. Napaka judgemental ko naman!
"Nakalimutan mo ano?"
Tanong pa ni Mama habang tumatawa.
Dun ko napagtanto ang lahat na hindi pala aswang o baliw ang mga magulang ko.